PEOPLE! MAKE SOME NOISE!
at parang mga batang utu-uto, sisigaw naman ng ubod ng lakas ang mga nanunood.
WOOOOOHH!!
Lahat ng klase ng ingay, dito mo maririnig.
Ganito ang kalakaran sa buhay fliptop.
Sa youtube ko unang nasilayan ang fliptop. First match-up na napanood ko ay yung kina CAMELTOE at DATU, boring at baduy! pero nung dumating na ang 2nd at 3rd round, tila unti unting nagbago ang aking pananaw para bang nagpainit lang sila noong 1st round at nagkalabasan na talaga ng tunay na talento sa mga sumunod na round.
Habang tumatagal ay naeenganyo na akong manood ng fliptop si Dello ang unang pumukaw ng aking attensyon sa fliptop. Yung mga rebuttal ni Dello sa kanyang katunggali ang nagpasikat sa kanya
Pero ngayon, para sa akin si BLKD ang mahusay sa Fliptop ngayon. Matalino, mahusay ang pagkakadeliver at may kabuluhan ang mga sinasabi ni BLKD. Noong una akala ko butaw sya, sino ba naman kasi ang mag-aakalang ang ganoong pormahan ay isang Rapper? pero pinatunayan niya na wala sa porma ang pagiging makata, wala sa porma ang pagiging rapper, wala sa porma ang pagiging matalino.
"Astig ang Fliptop", sapagkat di tulad ng ibang tambay sa kalye, ang mga taong ito ay nagbibigay aliw sa bawat manunood. Sila ang mga makabagong MAKATA, animoy anak ni BALAGTAS. Sa mga ratsada ng mga himnong kanilang binibigkas ay naipapakita ang katangian ng isang tulang mula sa kanilang malawak na isipan. Eto’y walang praktis, lahat ng sinasambit ng mga Rappers ay impromptu kaya mas lalo akong napabilib ng mga talentadong ito. (galing sa alamat na si Zaito)
Hindi madali ang pagbuo ng kanta at lalong hindi madali ang pagbuo ng kanta at mag rhyming on the spot" sa gitna ng maraming crowd. Malaking espasyo na pagsasanay pala ang kailangan at malawak na pag-iisip, yan ang mga elemento ng matagumpay na fliptop. Ang hurado sa larong ito ay mismong grupo din ng mga rapper, ibig sabihin, walang dayaan ang nangyayari dito(minsan lang). Isa pang batayan sa paghuhusga sa tatanghaling panalo ay kung napasaya niya ang mga manonood. Kumplikado din pala ang fliptop. Ngunit sa oras na ikaw ay manalo, respeto at kaukulang kasikatan ang magiging hatid nito sa’yo.
Hindi man ganoon kagandang pakinggan ang mga batuhan ng masasalit na linya ng mga makatang ito, gawa lang naman nila ito dahil sa kanilang sining. Sining kung saan nila naipapakita ang kanilang katalinuhan at talento. Saludo ang dalawang kamay ko sa bumubuo ng fliptop at sa mga Pinoy rapper dahil sa nakukuha pa nilang magkamayan pagkatapos ng isang mainit na diskusyon ng asaran at siraan gamit ang mga linyang may tugma. Napakagaling! Bagamat may mali sa mga salitang kanilang sinasambit, iyon naman ay para sa sining na kanilang ginagawa. Iyan ang Fliptop. . .