Thursday, 15 March 2012

Anong pangalan mo?

Meron kabang kakilalang tao na walang pangalan? Lugar na walang pangalan? Bagay na walang pangalan? Hayop na walang pangalan? Pornstar na walang pangalan?

                Lahat ng nakikita mo sa buhay mo araw-araw ay may pangalan. Kahit na mismo yung mga bagay na talagang hindi mo nakikita at minsan napapaisip ako kung sinong lasingero ang nagimbento ng salitang “hangin, multo, utot, atbp” ang lakas siguro ng amats ng taong umimbento ng pangalan nila. Meron din kaya silang “Alamat” kung saan ibinase ang pangalang ibinigay sa kanila? Na gawa rin mismo ng isang kainuman nya? Kung mayroon kayong “Alamat ng Utot” pahinge po ako ng kopya.

                “Alamat ng  .....” ang babasahing pang-bata kung saan pinapaliwanag sayo kung saan nanggaling ang iba’t ibang uri ng pangalan ng gulay, prutas, hayop at pornstar kung hindi kapa nakakabasa ng isa sa mga ito malamang tambay ka ng bangbus.

                Tutal nasa pangalan na rin naman nandito ang ilan sa mga listahan ng iba’t ibang pang-halip sa pangalan.

1.      1. Pssssst – Suplado ang taong hindi lilingin kapag nag “psssst” ka sa pampublikong lugar, Pero bakit nga ba lahat ng tao napapahanap kapag may nag “psssssssssst”.
2.       2. Pare / Mare – Kahit hindi mo naman talaga inaanak yung anak nya ito parin ang tawag mo sa kanya. Madalas tawagan ng mga magbabarkadang edad 13 gulang pataas.
3.       3. BOK – hindi ko alam kung ginamit nyo ito noong bata kayo pero ito ang tawagan namin nung mga tropa ko noong bata pa kami bukod sa “tol” at “pre” habang umiinom ng Cali sa plaza. Nung tumanda na ako saka ko lang nalaman na ang salitang BOK ay pinaikling Bonding On Kids.
4.       4. Chix – Di ko rin alam at naguguluhan din ako kung saan binase ang salitang ito para itawag sa mga babae. Dahil ba sa Legs? O dahil karaniwan ng babae e putak ng putak?
5.       5. Ate / Kuya – tawag ng mga pa-cute sa taong hindi niya kilala hindi niya kaano-ano at kahit na mas bata pa sa kanya ito. Karaniwang tawag ni Inday kay Ser at Mam.
6.       6. Jun-Jun – Ito ang pinaka-karaniwang tawag ng mga bading sa lalake o sa kanyang batuta. Pano ko nalaman? Chismoso kasi ako kung ayaw mong maniwala saken magtanong ka sa tropa o kapitbahay mong bading kapag itinanggi nya sabunutan mo sya ng sampung beses sa kili-kili.
7.       7. Erpat / Ermat – Sabi ng lolo ko Jeproks ang nag pauso ng salitang ito, mula sa binaliktad na salitang “Mother / Father”  



Napakarami pa kaso baka ‘pag sinulat kong lahat eh antukin kana.

Napakahalaga ng mga Pangalan sa ating buhay. Isipin mo na kung may kapitbahay kang walang pangalan? Diba ang hirap? Pero alam mo bang pati ang mga pangalan ay nag-i-improve din? Halimbawa na lang sa Probinsya hindi ba’t  karaniwan sa kanilang pangalan ay nagtatapos sa “to” tulad ng “Berto, Lito, Renato, Pepito, Manaloto” o kaya sa “ng”  tulad ng “Pedring, Kepweng” Kapag may ganito sa pangalan mo malamang sa malamang probinsyano ang pamilya nyo (Probinsyano din po ako kaya’t wag sanang masamain ang sinabi ko) yan ang karaniwang pangalan noong panahon ng lolo ko simple pero Pinoy na Pinoy ang dating. Rest in Peace Romulo P. Basaliso.

Sa panahon ko naman may iba’t ibang estilo sa pagbibigay ng pangalan. Tulad naming magkapatid, binubuo ito ng dalawang salita Ernie Jay at Nico Rival yung iba ko namang kakilala nagsisimula ang pangalan nilang magkakapatid sa iisang letra. Alma, Arnold, Allan, Arlene.

Kung mapapansin mo malaki ang pinagbago ng pangalan noong panahon ng lolo ko sa panahon namin noon. Mula sa mga simpleng pangalan hanggang sa mga pang-international na pangalan. Sabi nila ang karaniwang pangalan ng matatanda noon ay base sa estado ng buhay. Sa panahon ko naman ay base sa sikat na artista, singer, writer at mga international celebrity at kung anong trip ng tatay at nanay mo.

Ngayong 2012 parang palala ng palala ang pangalan ng tao. Pahaba ng pahaba rin ito mula sa 4-5 letrang pangalan noon. Pahirap ng parahip bigkasin at iba’t ibang klaseng kaartehan rin ang idinadagdag para maging kakaiba ang pangalan ng kanilang anak nariyan ang sagad sa dami ng H sa pangalan gaya ng Harlhey Yhambot Yung iba naman ginagamit na rin ang mga X halimbawa Xierra Xavier, Xerex, Xylk. Hi nga pala sa pinakamamahal kong anak si Kyrie Elleizon bilisan mong magsulat kapag nag-aaral kana ah, baka ipapasa na yung papel nasusulat ka parin ng pangalan.

Ang pinaka-cool na pangalan para sakin ay Gorgonio Magalpok.

Friday, 17 February 2012

Salamat Erpat

                Bakit nga ba ang mga anak na lalake kadalasan maka-Nanay at yung mga anak naman na babae maka-nanay parin? mangilan-ngilan lang siguro yung mga anak na maka-Tatay. Yung mga lalakeng  maka-Tatay  malimit na inidolo nila ang kanilang Ama mula pagkabata. Kumbaga kung Pulis si Tatay dapat maging Pulis din sya kasi... kasi... kasi...Astig! Kung mala Asiong Salonga ang datingan ni Tatay sa kanyang lugar dapat maging Gangster din sya kasi... kasi.. kasi.. Astig! At yung mga babae namang maka-tatay minsan mga nagiging “tomboy”

                Maging sa Amerika parang si Nanay lagi ang bida sa pamilya. Bakit? Tanungin mo sa nag-imbento ng salitang “Mama’s Boy” na karaniwang tukso sa mga lalake. Tanungin mo dun sa mga direktor ng napapanood mo sa TV na kung saan sobrang siga ni lalake, lulusubin ang isang batalyon ng mga goons at hindi man lamang sya tatamaan kahit isang bala, pero iiyak sya ‘pag nag-dramahan na sila ng Nanay nya. Pero kadalasan galit sa kanya si Erpat nya kaya hindi sila close. 

                May mga sumasagi sa isip ko kung bakit puro na lang si Nanay ang bida sa eksena. Si Nanay kasi malambing, mapagmahal, maunawain, hindi mainitin ang ulo, bihirang mamalo, laging nandyan kapag-kailangan mo ng pambili ng yosi, bihirang manermon kapag umuwi ka ng lasing kakainom ng Cali, taga-pag tanggol mo kapag pinapagalitan ka ng Tatay mo dahil hindi ka ng hugas ng pinggan (busy ka kasi dota), nagaruga sayo mula sperm-cell hanggang sa kinatatayuan mo ngayon at kabaligtaran ng lahat nito si Tatay.

                Oo aminado akong malapit ako sa Nanay ko dahil sa mga nabanggit ko pero hindi nangangahulugang hindi ko mahal si Erpat. Kahit na si Erpat ang kasama ko mula bata hanggang mag-asawa ako. Hindi ko mapaliwanag ang dahilan kung bakit hindi ko kayang magsabi ng problema kay Erpat o sabihing “Pa, binasted ako ng nililigawan kong si Ashlynn Brooke”.(Wala pa akong nakitang mag-Amang nagiiyakan habang tumatagay ng Gin sa labas ng bahay at nagsasabihan ng “I love you Tay.XoXo.”

                Pero bakit ba sa tuwing gusto kong maglambing sa kanya o umakbay o kurot-kurotin din ang kanyang mga braso habang nanonood ng T.V. o umankla sa kanya kapag nasa Mall kami ay hindi ko magawa. Gusto ko rin maglambing sa Erpat ko, gusto ko rin sabihin sa kanyang “Pa, Mahal na mahal ko kayong dalawa ni Mama” pero hindi ko masabi sa kanya tulad ng pagsabi ko kay Ermat. Alam kong alam ni Erpat kung gaano ko sya kamahal hindi ko man masabi sa kanya araw-araw alam kong kahit papaano naman ay nararamdaman nya yun.

                Salamat kay Erpat. Kung hindi dahil sa kanya hindi siguro ako nakakapag-facebook ngayon. Kung hindi dahil sa pagdi-disiplina nya hindi sana ako marunong gumalang sa mga matatanda ngayon. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko sana alam ang kantang “pasko na, sinta ko.. hanap-hanap kita...”. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko sana alam spellengin ang “crocodile”. Kung hindi dahil sa kanya hindi sana ako naging Best in Reading nung elementary ako. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko sana kinakabisa ang ibat-ibang klase ng tula bago ang Linggo ng Wika nung elementary ako. Kung hindi dahil sa kanya hindi siguro ako sumali ng  “scrabble contest” nung H.S. ako at nanalong 2nd place dahil dinaya ako. Kung hindi dahil sa kanya hindi sana ako nagyayabang ngayon. Salamat ng marami Ernesto Vargas Basaliso.




PS. Buhay pa po ang Tatay ko, gusto ko lang sabihing mahal na mahal ko sya gaya ng pagmamahal ko sa Nanay ko.

Thursday, 29 December 2011

Si Dream Girl, part 3 - Texting and Dating?

                Hindi ko alam kung “date” na matatawag ang mga susunod na mangyayari. Basahin mo na lang at ikaw na ang humusga kung “date” nga ang nangyari sa amin o baka pang-palipas oras lang ako nitong babaeng ito. Mahaba-haba ang susunod na kwento kaya kung nagsasaing ka tapusin mo muna baka maging tutong ang kanin nyo.

                Ayos, kilala na ng papa mo si Dream Girl kaso ang problema isang “Hi” at walang kakwenta-kwentang “Hello” lang ang nangyari. Para bang nagkabanggan lang kami habang may hawak syang libro nya sa balcony sabay nalaglag lahat ang hawak niyang libro, syempre dahil gentleman ang papa mo tinulungan kong pulutin ang mga libro nya nung dadampot na ako nagkatinginan kami at biglang simnambit ang mga katagang “Hi, Hello”. Ganun ka simple, ganun kadali. Pero okey na rin yun kahit papaano alam ko na ang pangalan nya. Ang problema ay hindi ko pa nakukuha ang number nya, papaano ko syang yayayain kumain ng kwek-kwek at uminom ng sago sa labas ng campus?(wala pang budget kaya doon muna).

                Ilang araw ulit ang lumipas sa sobrang kagustuhan kong kuhanin ang number nya kinulit ko ng kinulit si Glenn kaso matigas si mokong gusto nya talaga akong rumekta kay Dream Girl. Dahil ayaw nya talaga umisip ako ng ibang paraan para makuha ang number ni Dream Girl ng patago. Hiniram ko cp nya at kunwaring manonood lang ng scandal  pero binanatan agad ako ng

“Kahit anong kalkal mo dyan hindi mo makikita number ni Emily. Iba ang inistor kong name nya dyan” sabay ngiting aso na may kasamang taas ng kaliwang kilay.
“Gago magpapasa lang ako ng scandal alam ko kasing malibog ka at marami kang bago. Tungkol naman sa number ni Emily, wag kang mag-alala ako kukuha nun!”
“IKAW?! Kukunin mo? Tantanan moko ah, nung magpapakilala nga kung san san ka ang tatago eh number pa kaya?”sagot nya sakin sabay tawa .
Alam kong hindi ko makukuha kay Glenn ang number ni Dream Girl, kaya kailangan talagang kumayod magisa. Maya-maya pa’y niyaya ko na lang mag yosi si Glenn sa labas.
“Pre yosi tayo sa labas” yaya ko sa kanya.
“Tara” sagot nya.

Habang busy kami sa paninigarilyong dalawa, bigla nyang sinabi sa akin na.

“Mamayang uwian tetxt ko si Emily at na makipagkita satin para makuha mo ang number nya. Torpe”
“Yunnnnnnnnnn, Yosi lang pala katapat mo eh. Hahaha salamat pare asahan ko yan ah”

Mejo maagang umalis ang Prof. namin sa last subject, may date ata si mokong kaya nagmamadaling umuwi. Dahil mejo napaaga ang labas namin nag-antay kami ng konti ni Glenn tinext nyan na rin si Dream Girl noon na at sinabing nag-aantay kami sa labas kaya nagkwentuhan muna kami ni Glenn.
Maya-maya pa’y dumarating na si Dream Girl tinanong agad ni Glenn kung pwede daw bang ibigay sakin yung number nya. Si Dream Girl naman parang nagmamadali rin noong araw na ‘yun, isipin mo sinabi lang saken yung number nya at bigla na lang umalis (Hindi kaya may crush din sya saken? Halos hindi rin sya mapakali kapag nakikita ako e at parang ilang na ilang din sya. Pogi talaga ng papa mo). Pero ayos parin baka pagdating dito sa text hindi na ako torpe. Baka dito na umamin sakin si Dream Girl na gustong gusto nya rin ako kaya kinagabihan ding iyon nag-text na ako at nagpakilala sa kanya.

Kahit papaano’y alam kong hindi ako torpe at napatunayan kong malakas ang loob ko sa text parang wala atang umaga na hindi ako nag “good morning” sa kanya, walang tanghali na hindi ako nagtanong kung “kumain kanba?” at walang gabi na hindi ako nag “sweetdreams” sa kanyam sa madaling salita, maganda ang relasyon namin sa “text” dahil kahit papaano naman ay nagrereply sya sa mga text ko.

Meron akong hindi makalimutang sitwasyon noon. Uwian na noon mga 5pm, halos magkasabay kaming lumabas ng Gate ni Dream Girl (napapangiti nga ako nung mga oras na iyon gusto ko sanang kalabitin eh baka mamaya biglang magulat at masampal pa ako). Huminto sya sa tindahan syempre nagpacute ang papa mo hinto rin ako sa tindahan. Sigarilyo muna. Hindi ko alam kung nagpapa-xerox ba sya noong mga oras na iyon o may binibili lang, nagulat na lang ako nung nagkatinginan kami.

Sa totoo lang wala naman kakaiba sa tinginang iyon ang di ko lang malaman bakit hindi nya ako binati o nginitian man lang (anak ng tokwa) hindi ko rin sya binati baka isnabin pa ako at sabihan pa akong “feeling close” mahirap ng mapahiya. Pagtapos nyang magabot ng bayad sa kung anong ginawa nya sa tindahan ay pumara na ng jeep. Sasabayan ko sana sya sa jeep kaso hindi ko na ginawa kaya tinext ko na lang sya.

“Good pm, san ka punta?”
“Hi, good pm din. Pupunta ako ng SM Valenzuela may bibilin lang sa National Bookstore”
“Ahh. Nakita kasi kita ngayon ngayon lang kakasakay mo lang ng jeep, sasabayan nga sana kita e”
“Sabay lang pala eh, bakit hindi ka sumabay?”
“Anak ng tokwa, paano akong sasabay sayo, nakatayo ako dito sa tindihan ni hindi mo man lang ako pinansin.”
“Sang tindahan ba?”
“Ako yung nasa labas, yung naninigarilyo, nagkatinginan pa nga tayo eh”
“Huh?! Ikaw ba yun? Ay sorry, hindi kita namukaan e.Hehehe”

Sa totoo lang hindi ko malimutan yang eksena na yan. Grabehan kasi ang pagka-torpe ko sa kanya. Nakakahiya mang sabihin o aminin pero totoo. :)

Ilang araw rin kaming mag textmate ni Dream Girl. Nagkakapansinan na rin kami sa School, tanguan at batian. Sa wakas magkakilala na talaga kami at sa wakas kilala nya rin ako. Pero meron isang araw, biglang dumating si “Rustan” isa nya daw manliligaw hindi ko alam kung anong okasyon sa skwelahan noon pero nakapasok sya dun (hindi naman kasi dun nagaaral si Rustan) wala rin naman akong karapatang mag selos kasi nga “friends” lang kami. Sinabi nya rin saken na nanliligaw sa kanya si Rustan (hindi naman kasi ako nanliligaw sa kanya). Hindi ko malaman kung dahil ba sa shampoo na commercial kaya kami nagtawagan “Pare” yan ang unang tawagan namin ni Dream Girl (tawagan ng “friends”) syempre matagal tagal na rin kaming magkaibigan kaya tinanong ko sya kung pwede ba kaming manood ng sine, pumayag naman sya.

July 5, 2006 pupunta ako ng School para sunduin si Dream Girl, hindi ako pumasok noong araw na iyon nalimutan ko na kung bakit. Mga 11am tinext ko si Dream Girl sabi ko alis na kami wag na syang pumasok at dun narin sa bahay mananghalian (hahaha kinikilig pa ako habang inaantay ang reply nya) pumayag ulit sya. Mga tanghali sinundo ko sya sa School para sabay kaming kumain ng tanghalian hiniram ko ang motor ng tito ko para sunduin sya(yung pampasadang tricycle pero wala pang sidecar kasi bago pa ito “BARAKO” yung pangalan ng motor) bago palang ako sa pagmamaneho ng motor noon, wala pa nga akong lisensya e kaya mejo kabado ako noong mga oras na iyon, salamat sa diyos at nakauwi kami ng kumpleto ang bahagi ng katawan.

Kaso pagdating namin dun sa bahay nahiya si Dream Girl at ayaw kumain. Kaya nag-ready na lang ako, sinuot ang pangmalakasang damit at malupit na sapatos sabay pumunta na ng SM North

Pag dating sa SM North derecho kami sa bilihan ng ticket.

“Good Morning Sir.”
“Dalawang Superman nga po” sabay tanong kung magkano.
“Sa taas po ba o baba?”
“Sa taas po, Anong oras po ba ang susunod na start?”

Nalimutan ko na kung magkano yung presyo noong ticket na yun, punyeta ang tagal na kaya nun pati ang oras ng susunod na umpisa ng palabas. Dahil nasa kalagitnaan palang yung palabas. Tinanong ko sya kung san nya gusto kumain syempre ang tipikal na sagot ng babae lalo na sa tanong na yun  “Ikaw na bahala”. Isip... isip.. isip.. ang papa mo habang naglalakad sa iba’t ibang fastfood tinatanong ko sya kung gusto nya ba doon na lang kumain habang tinuturo ang iba’t ibang klaseng fastfood “Ikaw bahala” sagot parin nya. Punyeta baka mamaya dalhin ko to sa paborito kong chow-king tapos hindi nya pala gusto kaya wag na lang doon. Hindi naman sa no-choice kaso sa mga ganitong pagkakataon wala kang ibang maasahan kundi ang walang kamatayang pang masang fastfood ng mga Pinoy si “Pareng Jollybee” at syempre ang hindi matatawarang “Chicken joy”

Unang alis, unang date, unang nood ng sine, unang beses nyong kakain sa labas kaya kailangan “galante” dapat ang papa mo. Nakahanap na ng upuan wala ng problema kaya tinanong ko sya kung ano ang gusto nyang kainin, sagot sya uli ng  “ikaw na bahala”

Pagbalik ko may dala na akong Jollybee chickenjoy at syempre dahil bigtime nga ako 2pis with matching extra rice. Alam kong hindi kami pareho ng kaha ni Dream Girl kaya mejo nabigla ata sya sa inorder ko, pangit naman kung naka 2pis + extra rice ako tapos sya naka 1 pis lang sya at walang extra rice magmumuka naman akong matakaw nun.

Noong kumakain na kami para kaming hindi magkakilala para bang naki seat-in lang sya sa table ko o vice versa, merong konting kwentuhan at tanungan pero halos walang saysay ang nangyayaring nung kumakain kami. Pagtapos naming kumain sakto maguumpisa na ang matinding “Superman”  syempre kailangan merong mangangata sa loob habang nanonood ng matinding “Superman”. As usual, tanong ulit ako sa kanya

“Anong gusto mong chichiria?”
“Kakakain lang natin e, kain na naman” sagot nya saken at napapangiti pa
“Hindi para may nginangata lang tayo sa loob” sagot ko
“Wag na, busog pa ako e.”
“Popcorn na lang saka softdrinks” suggest ko.
“Wag na nga” sagot nya.

Pero nagpumilit parin akong bumili ang sabi ko sa kanya para sakin na lang. Pagdating sa counter umorder agad ako ng popcorn, ang isa sa nakakatawa noong araw na yun dinagdagan nya ng asin yung popcorn na binili ko (ayaw mo pala huh) Sabay pasok na sa loob.

Halos parehas din ang nangyari nung kumakain kami. Hindi kami masyadong nag uusap o nagkwentuhan sa madaling salita nagkahiyaan talaga kami madalas kasi sa text lang kami naguusap kaya ilang pa kami sa isa’t isa tapos biglang aalis at manonood ng sine.

Naulit pa yung paglabas naming iyon. Pero ngayon iba na hindi na kami masyadong naiilang sa isa’t-isa. Naguusap na kami at mejo may kaunting tawanan at ang pinakamaganda habang nanonood kami ng sine nagsusubuan na kami ng popcorn. :)

Hindi ko alam kung Date na matatawag ang pag-alis naming iyon hindi naman kasi ako nanliligaw at talagang hindi ako marunong manligaw at hinding hindi ako kailanman nanligaw nang kahit na sinong babae. Rason ko? Simple lang. Kapag nanliligaw ang isang lalake, papakita nya sayo lahat ng magagandang paguugali nya halos lahat ng ayaw mo hindi nya ginagawa at yung mga gusto mo lagi ang nasusunod sobrang sweet rin nya sayo at hinding hindi ka aawayin kahit anong mangyari pero kapag naging kayo na tapos na ang maliligayang araw mo. Basahin mo na lang itong ligaw-ligaw-din para maintindihan mo ng lubusan :)

Next year ko na itutuloy ung part 4. “Dream girl? Not anymore, Dream come true.”


College picture ko :) GANGSTER! hahahaha :)




Friday, 23 December 2011

Si Dream girl, part 2 – Hi, Hello.

                 Alam kong inip na inip na kayong ilabas ko ang part 2. Matagal tagal ko rin pinag-isipan kung kelan ko ilalabas ang part 2 dahil sobrang busy ako sa trabaho. Ok matapos ang 86400 na segundo ng buhay ko ito na ang part-2.

                Ok balik na sa kwento. Sobrang exited talaga ang papa mo habang papalabas classroom daig pa ang sasalubong sa tatay na 10 taon ng hindi umuuwi galing saudi, exited pero may halong kaba.
Pag labas ng papa mo, hindi nakita si Dream girl.

“Pare, tagal mo naman eh babalik na lang daw sya may bibilin lang daw” sabi ni Glenn sa akin.
“ Tangna kita mong nagpapogi pa ako e, antayin na lang natin mas exited kapa sakin ah?” sagot ko habang pumupunas ng muka dahil feeling ko nasobrahan ata sa pulbo ang muka ko.

                Minuto ang lumipas hindi parin bumabalik si Dream girl mukang sa tuguegarao pa ata namili. Habang nag kwe-kwentuhan kami sa labas, napansin ng isang ka-klase ko si Dream girl.

“Pare, ayun yung crush ni ejay oh” habang nakaturo kay dream girl.
“Ready kana? Tatawagin ko na ulit? Papakilala na ba kita?” tanong saken ni Glenn.
“ I was born READY!” sagot ko na may halong pagyayabang.

                Dumating na ang oras na pinakahihintay ko, ang makilala ang dream girl ko. Kaso noong oras na bumaba at tinawag ni Glenn si dream girl dali-dali agad akong pumasok (tunay ito hahaha) kinabahan talaga ng husto ang papa mo. Maya maya pa’y napansin ko si dream girl sa labas, pinapakilala ni Glenn sa buong tropa, Punyeta! Lalo akong kinabahan nung nakita ko sya. Senyas ng senyas sa akin si Glenn noong oras na yon, pero dedma ako kunwaring may ginagawa para bang kabayong may takip yung dalawang gilid ng mata. Ilang minutong kamayan at pakilala, pumasok na ang mga mokong. Unang bumanat saken si R.A.

“Puta! Puro yabang, natorpe ampota” sabay tawa ng malakas
“Gago  may naalala lang akong gagawin, nasan naba? Bakit hindi nyo man lang ako tinawag?”  at kunwaring hinahanap-hanap si dream girl.
“WOW ah! Ikaw tong pumasok pasok dyan e, ano gusto mo? Papasukin ko pa dito para pakilala sayo?” sagot ni Glenn sakin na may halong pang-aasar

Syempre kapag kayabangan hindi papatalo ang papa mo, lumabas ako noon at hinahanap ko si dream girl.

“Nasan na ba? Relax ka lang, pag nakita ko yun ako ang magpapakilalang mag-isa” habang hinahanap si dream girl mula sa labas ng room.
“Nandun lang sa baba yun, teka tawagin ko” sabay baba ni Glenn sa hagdan.

Yabang-yabangan at lakas-lakasan lang ako noong mga oras na iyon, syempre ayaw ko mapahiya. Narinig ko na lang na may tumatawag ng pangalan ko mula sa baba.

“Ejjjjjjjayyyyyyyyyyyyyyyyyy!” sigaw ni Glenn mula sa baba.
“Ow?”  sagot kong kunwari’y nagtataka.

 Alam ko na kung bakit ako tinatawag ni Glenn noong oras na yun pero patay malisya lang ako.

“Baba kana dito, Nandito si Emily.” Sabay sumesensyas ng “halika dito”
“Teka, sabihin mo nagpapa-gwapo pa” sagot ko habang papalapit na pababa ng hagdan.

Napakaganda ng unang eksena ng unang kita namin. Pakiramdam ko habang papalapit ako kay Dream girl unti-unting nagiging slow-mo ang mundo ko, Yung parang napapanood mo sa kung anong love-story-movie na tumatakbo ang dalawang magkasintahan sa tabing dagat at akmang magyayakap mula sa malayo. Pero noong mga oras na yon parang ang na weirduhan ata sakin si dream girl, napapangiting aso kasi ang papa mo dahil sa muka at senyas ni Glenn habang nasa likod ni Dream girl at nangaasar.

Ten tenen ten ten tenenenen! Sa wakas. Nagkasalubong na ang aming landas ni dream girl.

“Emily si Ejay, Ejay si Emily” pakilala ni Glenn
“Hi, Hello” sagot naming dalawa sa isa’t isa habang naka-shakehands, hindi ko na matandaan kung sino ang nag “hi” at sino ang nag “hello”.

Yun lang, tapos na agad ang papakilala, maya-maya pa’y umalis na rin agad si dream girl kasi may pupuntahan pa daw sya.

ANO?! Isang Hi at Hello lang? tapos na yun? Nagpaligo ako ng bench kong pabango na halagang isang daan para lang humalimuyak at maakit ka sa akin tapos ganun na lang? Nag pulbo pa ako noong mga oras na yun at hindi ko alam kung titigyawatin ako sa pulbo na yun dahil hindi naman talaga ako nagpupulbo, tapos iiwan nya na lang ako ng ganun na lang? Muntik na akong himatayin sa mga nangyayari tapos Hi at Hello lang? Punyeta! Ni hindi ko man lang nakuha ang kanyang number para sa ganun naman ay maging textmate ko sya. Bwisit naman oh.

Nagdaan ang ilang mga araw.

Habang nagkwekwentuhan ang barkada noong break time namin biglang napagusapan si dream girl. Anak ng mga kunehong mga malilibog oh, hindi lang pala ako ang may gusto kay dream girl tatlo kaming may gusto sa kanya.




Si R.A. isang Basketball Varsity- matangkad, maputi, mejo may laman at talagang magaling maglaro ng basketball. At dumi-deny na wala daw syang gusto kay dream girl.













 Si Ron isang taong tahimik, kalapit-bahay ni dream girl, gitarista ng tropa, maganda ang boses.(di ako makahanap ng picture ni Ron.. wala atang FB si gago)




Si Rustan Isang taga-labas na tao, hindi ko alam kung anong katangian ng taong ito pero nameet ko na sya dati. Video-oke lover, dancer, maputi, mejo chubby at maporma.






Dahil napagkwekwentuhan na si dream girl, binanatan ako ni R.A.
“Pre pag naging syota ko si Emily walang samaan ng loob ah, tropa tropa parin tayo ah.” Sabi nya sa akin habang naka-akbay sa aking balikat.
“Seryoso kaba sa hinahamon mo pre, kung kamachuhan lang at sex appeal ang usapan, tapos na ang boxing!.” Sagot ko na talaga namang may halong yabang.









Ito si Glenn... salamat kay Glenn :)






Ok sa susunod na ulit ang Part 3. Next part Txtmate and Dating with my Dream girl

Ang pinaka-mahabang Alamat sa balat ng lupa.