Friday, 23 December 2011

Si Dream girl, part 2 – Hi, Hello.

                 Alam kong inip na inip na kayong ilabas ko ang part 2. Matagal tagal ko rin pinag-isipan kung kelan ko ilalabas ang part 2 dahil sobrang busy ako sa trabaho. Ok matapos ang 86400 na segundo ng buhay ko ito na ang part-2.

                Ok balik na sa kwento. Sobrang exited talaga ang papa mo habang papalabas classroom daig pa ang sasalubong sa tatay na 10 taon ng hindi umuuwi galing saudi, exited pero may halong kaba.
Pag labas ng papa mo, hindi nakita si Dream girl.

“Pare, tagal mo naman eh babalik na lang daw sya may bibilin lang daw” sabi ni Glenn sa akin.
“ Tangna kita mong nagpapogi pa ako e, antayin na lang natin mas exited kapa sakin ah?” sagot ko habang pumupunas ng muka dahil feeling ko nasobrahan ata sa pulbo ang muka ko.

                Minuto ang lumipas hindi parin bumabalik si Dream girl mukang sa tuguegarao pa ata namili. Habang nag kwe-kwentuhan kami sa labas, napansin ng isang ka-klase ko si Dream girl.

“Pare, ayun yung crush ni ejay oh” habang nakaturo kay dream girl.
“Ready kana? Tatawagin ko na ulit? Papakilala na ba kita?” tanong saken ni Glenn.
“ I was born READY!” sagot ko na may halong pagyayabang.

                Dumating na ang oras na pinakahihintay ko, ang makilala ang dream girl ko. Kaso noong oras na bumaba at tinawag ni Glenn si dream girl dali-dali agad akong pumasok (tunay ito hahaha) kinabahan talaga ng husto ang papa mo. Maya maya pa’y napansin ko si dream girl sa labas, pinapakilala ni Glenn sa buong tropa, Punyeta! Lalo akong kinabahan nung nakita ko sya. Senyas ng senyas sa akin si Glenn noong oras na yon, pero dedma ako kunwaring may ginagawa para bang kabayong may takip yung dalawang gilid ng mata. Ilang minutong kamayan at pakilala, pumasok na ang mga mokong. Unang bumanat saken si R.A.

“Puta! Puro yabang, natorpe ampota” sabay tawa ng malakas
“Gago  may naalala lang akong gagawin, nasan naba? Bakit hindi nyo man lang ako tinawag?”  at kunwaring hinahanap-hanap si dream girl.
“WOW ah! Ikaw tong pumasok pasok dyan e, ano gusto mo? Papasukin ko pa dito para pakilala sayo?” sagot ni Glenn sakin na may halong pang-aasar

Syempre kapag kayabangan hindi papatalo ang papa mo, lumabas ako noon at hinahanap ko si dream girl.

“Nasan na ba? Relax ka lang, pag nakita ko yun ako ang magpapakilalang mag-isa” habang hinahanap si dream girl mula sa labas ng room.
“Nandun lang sa baba yun, teka tawagin ko” sabay baba ni Glenn sa hagdan.

Yabang-yabangan at lakas-lakasan lang ako noong mga oras na iyon, syempre ayaw ko mapahiya. Narinig ko na lang na may tumatawag ng pangalan ko mula sa baba.

“Ejjjjjjjayyyyyyyyyyyyyyyyyy!” sigaw ni Glenn mula sa baba.
“Ow?”  sagot kong kunwari’y nagtataka.

 Alam ko na kung bakit ako tinatawag ni Glenn noong oras na yun pero patay malisya lang ako.

“Baba kana dito, Nandito si Emily.” Sabay sumesensyas ng “halika dito”
“Teka, sabihin mo nagpapa-gwapo pa” sagot ko habang papalapit na pababa ng hagdan.

Napakaganda ng unang eksena ng unang kita namin. Pakiramdam ko habang papalapit ako kay Dream girl unti-unting nagiging slow-mo ang mundo ko, Yung parang napapanood mo sa kung anong love-story-movie na tumatakbo ang dalawang magkasintahan sa tabing dagat at akmang magyayakap mula sa malayo. Pero noong mga oras na yon parang ang na weirduhan ata sakin si dream girl, napapangiting aso kasi ang papa mo dahil sa muka at senyas ni Glenn habang nasa likod ni Dream girl at nangaasar.

Ten tenen ten ten tenenenen! Sa wakas. Nagkasalubong na ang aming landas ni dream girl.

“Emily si Ejay, Ejay si Emily” pakilala ni Glenn
“Hi, Hello” sagot naming dalawa sa isa’t isa habang naka-shakehands, hindi ko na matandaan kung sino ang nag “hi” at sino ang nag “hello”.

Yun lang, tapos na agad ang papakilala, maya-maya pa’y umalis na rin agad si dream girl kasi may pupuntahan pa daw sya.

ANO?! Isang Hi at Hello lang? tapos na yun? Nagpaligo ako ng bench kong pabango na halagang isang daan para lang humalimuyak at maakit ka sa akin tapos ganun na lang? Nag pulbo pa ako noong mga oras na yun at hindi ko alam kung titigyawatin ako sa pulbo na yun dahil hindi naman talaga ako nagpupulbo, tapos iiwan nya na lang ako ng ganun na lang? Muntik na akong himatayin sa mga nangyayari tapos Hi at Hello lang? Punyeta! Ni hindi ko man lang nakuha ang kanyang number para sa ganun naman ay maging textmate ko sya. Bwisit naman oh.

Nagdaan ang ilang mga araw.

Habang nagkwekwentuhan ang barkada noong break time namin biglang napagusapan si dream girl. Anak ng mga kunehong mga malilibog oh, hindi lang pala ako ang may gusto kay dream girl tatlo kaming may gusto sa kanya.




Si R.A. isang Basketball Varsity- matangkad, maputi, mejo may laman at talagang magaling maglaro ng basketball. At dumi-deny na wala daw syang gusto kay dream girl.













 Si Ron isang taong tahimik, kalapit-bahay ni dream girl, gitarista ng tropa, maganda ang boses.(di ako makahanap ng picture ni Ron.. wala atang FB si gago)




Si Rustan Isang taga-labas na tao, hindi ko alam kung anong katangian ng taong ito pero nameet ko na sya dati. Video-oke lover, dancer, maputi, mejo chubby at maporma.






Dahil napagkwekwentuhan na si dream girl, binanatan ako ni R.A.
“Pre pag naging syota ko si Emily walang samaan ng loob ah, tropa tropa parin tayo ah.” Sabi nya sa akin habang naka-akbay sa aking balikat.
“Seryoso kaba sa hinahamon mo pre, kung kamachuhan lang at sex appeal ang usapan, tapos na ang boxing!.” Sagot ko na talaga namang may halong yabang.









Ito si Glenn... salamat kay Glenn :)






Ok sa susunod na ulit ang Part 3. Next part Txtmate and Dating with my Dream girl

No comments:

Post a Comment