Hindi ko alam kung “date” na matatawag ang mga susunod na mangyayari. Basahin mo na lang at ikaw na ang humusga kung “date” nga ang nangyari sa amin o baka pang-palipas oras lang ako nitong babaeng ito. Mahaba-haba ang susunod na kwento kaya kung nagsasaing ka tapusin mo muna baka maging tutong ang kanin nyo.
Ayos, kilala na ng papa mo si Dream Girl kaso ang problema isang “Hi” at walang kakwenta-kwentang “Hello” lang ang nangyari. Para bang nagkabanggan lang kami habang may hawak syang libro nya sa balcony sabay nalaglag lahat ang hawak niyang libro, syempre dahil gentleman ang papa mo tinulungan kong pulutin ang mga libro nya nung dadampot na ako nagkatinginan kami at biglang simnambit ang mga katagang “Hi, Hello”. Ganun ka simple, ganun kadali. Pero okey na rin yun kahit papaano alam ko na ang pangalan nya. Ang problema ay hindi ko pa nakukuha ang number nya, papaano ko syang yayayain kumain ng kwek-kwek at uminom ng sago sa labas ng campus?(wala pang budget kaya doon muna).
Ilang araw ulit ang lumipas sa sobrang kagustuhan kong kuhanin ang number nya kinulit ko ng kinulit si Glenn kaso matigas si mokong gusto nya talaga akong rumekta kay Dream Girl. Dahil ayaw nya talaga umisip ako ng ibang paraan para makuha ang number ni Dream Girl ng patago. Hiniram ko cp nya at kunwaring manonood lang ng scandal pero binanatan agad ako ng
“Kahit anong kalkal mo dyan hindi mo makikita number ni Emily. Iba ang inistor kong name nya dyan” sabay ngiting aso na may kasamang taas ng kaliwang kilay.
“Gago magpapasa lang ako ng scandal alam ko kasing malibog ka at marami kang bago. Tungkol naman sa number ni Emily, wag kang mag-alala ako kukuha nun!”
“IKAW?! Kukunin mo? Tantanan moko ah, nung magpapakilala nga kung san san ka ang tatago eh number pa kaya?”sagot nya sakin sabay tawa .
Alam kong hindi ko makukuha kay Glenn ang number ni Dream Girl, kaya kailangan talagang kumayod magisa. Maya-maya pa’y niyaya ko na lang mag yosi si Glenn sa labas.
“Pre yosi tayo sa labas” yaya ko sa kanya.
“Tara” sagot nya.
Habang busy kami sa paninigarilyong dalawa, bigla nyang sinabi sa akin na.
“Mamayang uwian tetxt ko si Emily at na makipagkita satin para makuha mo ang number nya. Torpe”
“Yunnnnnnnnnn, Yosi lang pala katapat mo eh. Hahaha salamat pare asahan ko yan ah”
Mejo maagang umalis ang Prof. namin sa last subject, may date ata si mokong kaya nagmamadaling umuwi. Dahil mejo napaaga ang labas namin nag-antay kami ng konti ni Glenn tinext nyan na rin si Dream Girl noon na at sinabing nag-aantay kami sa labas kaya nagkwentuhan muna kami ni Glenn.
Maya-maya pa’y dumarating na si Dream Girl tinanong agad ni Glenn kung pwede daw bang ibigay sakin yung number nya. Si Dream Girl naman parang nagmamadali rin noong araw na ‘yun, isipin mo sinabi lang saken yung number nya at bigla na lang umalis (Hindi kaya may crush din sya saken? Halos hindi rin sya mapakali kapag nakikita ako e at parang ilang na ilang din sya. Pogi talaga ng papa mo). Pero ayos parin baka pagdating dito sa text hindi na ako torpe. Baka dito na umamin sakin si Dream Girl na gustong gusto nya rin ako kaya kinagabihan ding iyon nag-text na ako at nagpakilala sa kanya.
Kahit papaano’y alam kong hindi ako torpe at napatunayan kong malakas ang loob ko sa text parang wala atang umaga na hindi ako nag “good morning” sa kanya, walang tanghali na hindi ako nagtanong kung “kumain kanba?” at walang gabi na hindi ako nag “sweetdreams” sa kanyam sa madaling salita, maganda ang relasyon namin sa “text” dahil kahit papaano naman ay nagrereply sya sa mga text ko.
Meron akong hindi makalimutang sitwasyon noon. Uwian na noon mga 5pm, halos magkasabay kaming lumabas ng Gate ni Dream Girl (napapangiti nga ako nung mga oras na iyon gusto ko sanang kalabitin eh baka mamaya biglang magulat at masampal pa ako). Huminto sya sa tindahan syempre nagpacute ang papa mo hinto rin ako sa tindahan. Sigarilyo muna. Hindi ko alam kung nagpapa-xerox ba sya noong mga oras na iyon o may binibili lang, nagulat na lang ako nung nagkatinginan kami.
Sa totoo lang wala naman kakaiba sa tinginang iyon ang di ko lang malaman bakit hindi nya ako binati o nginitian man lang (anak ng tokwa) hindi ko rin sya binati baka isnabin pa ako at sabihan pa akong “feeling close” mahirap ng mapahiya. Pagtapos nyang magabot ng bayad sa kung anong ginawa nya sa tindahan ay pumara na ng jeep. Sasabayan ko sana sya sa jeep kaso hindi ko na ginawa kaya tinext ko na lang sya.
Sa totoo lang wala naman kakaiba sa tinginang iyon ang di ko lang malaman bakit hindi nya ako binati o nginitian man lang (anak ng tokwa) hindi ko rin sya binati baka isnabin pa ako at sabihan pa akong “feeling close” mahirap ng mapahiya. Pagtapos nyang magabot ng bayad sa kung anong ginawa nya sa tindahan ay pumara na ng jeep. Sasabayan ko sana sya sa jeep kaso hindi ko na ginawa kaya tinext ko na lang sya.
“Good pm, san ka punta?”
“Hi, good pm din. Pupunta ako ng SM Valenzuela may bibilin lang sa National Bookstore”
“Ahh. Nakita kasi kita ngayon ngayon lang kakasakay mo lang ng jeep, sasabayan nga sana kita e”
“Sabay lang pala eh, bakit hindi ka sumabay?”
“Anak ng tokwa, paano akong sasabay sayo, nakatayo ako dito sa tindihan ni hindi mo man lang ako pinansin.”
“Sang tindahan ba?”
“Ako yung nasa labas, yung naninigarilyo, nagkatinginan pa nga tayo eh”
“Huh?! Ikaw ba yun? Ay sorry, hindi kita namukaan e.Hehehe”
Sa totoo lang hindi ko malimutan yang eksena na yan. Grabehan kasi ang pagka-torpe ko sa kanya. Nakakahiya mang sabihin o aminin pero totoo. :)
Ilang araw rin kaming mag textmate ni Dream Girl. Nagkakapansinan na rin kami sa School, tanguan at batian. Sa wakas magkakilala na talaga kami at sa wakas kilala nya rin ako. Pero meron isang araw, biglang dumating si “Rustan” isa nya daw manliligaw hindi ko alam kung anong okasyon sa skwelahan noon pero nakapasok sya dun (hindi naman kasi dun nagaaral si Rustan) wala rin naman akong karapatang mag selos kasi nga “friends” lang kami. Sinabi nya rin saken na nanliligaw sa kanya si Rustan (hindi naman kasi ako nanliligaw sa kanya). Hindi ko malaman kung dahil ba sa shampoo na commercial kaya kami nagtawagan “Pare” yan ang unang tawagan namin ni Dream Girl (tawagan ng “friends”) syempre matagal tagal na rin kaming magkaibigan kaya tinanong ko sya kung pwede ba kaming manood ng sine, pumayag naman sya.
July 5, 2006 pupunta ako ng School para sunduin si Dream Girl, hindi ako pumasok noong araw na iyon nalimutan ko na kung bakit. Mga 11am tinext ko si Dream Girl sabi ko alis na kami wag na syang pumasok at dun narin sa bahay mananghalian (hahaha kinikilig pa ako habang inaantay ang reply nya) pumayag ulit sya. Mga tanghali sinundo ko sya sa School para sabay kaming kumain ng tanghalian hiniram ko ang motor ng tito ko para sunduin sya(yung pampasadang tricycle pero wala pang sidecar kasi bago pa ito “BARAKO” yung pangalan ng motor) bago palang ako sa pagmamaneho ng motor noon, wala pa nga akong lisensya e kaya mejo kabado ako noong mga oras na iyon, salamat sa diyos at nakauwi kami ng kumpleto ang bahagi ng katawan.
Kaso pagdating namin dun sa bahay nahiya si Dream Girl at ayaw kumain. Kaya nag-ready na lang ako, sinuot ang pangmalakasang damit at malupit na sapatos sabay pumunta na ng SM North
Pag dating sa SM North derecho kami sa bilihan ng ticket.
“Good Morning Sir.”
“Dalawang Superman nga po” sabay tanong kung magkano.
“Sa taas po ba o baba?”
“Sa taas po, Anong oras po ba ang susunod na start?”
Nalimutan ko na kung magkano yung presyo noong ticket na yun, punyeta ang tagal na kaya nun pati ang oras ng susunod na umpisa ng palabas. Dahil nasa kalagitnaan palang yung palabas. Tinanong ko sya kung san nya gusto kumain syempre ang tipikal na sagot ng babae lalo na sa tanong na yun “Ikaw na bahala”. Isip... isip.. isip.. ang papa mo habang naglalakad sa iba’t ibang fastfood tinatanong ko sya kung gusto nya ba doon na lang kumain habang tinuturo ang iba’t ibang klaseng fastfood “Ikaw bahala” sagot parin nya. Punyeta baka mamaya dalhin ko to sa paborito kong chow-king tapos hindi nya pala gusto kaya wag na lang doon. Hindi naman sa no-choice kaso sa mga ganitong pagkakataon wala kang ibang maasahan kundi ang walang kamatayang pang masang fastfood ng mga Pinoy si “Pareng Jollybee” at syempre ang hindi matatawarang “Chicken joy”
Unang alis, unang date, unang nood ng sine, unang beses nyong kakain sa labas kaya kailangan “galante” dapat ang papa mo. Nakahanap na ng upuan wala ng problema kaya tinanong ko sya kung ano ang gusto nyang kainin, sagot sya uli ng “ikaw na bahala”
Pagbalik ko may dala na akong Jollybee chickenjoy at syempre dahil bigtime nga ako 2pis with matching extra rice. Alam kong hindi kami pareho ng kaha ni Dream Girl kaya mejo nabigla ata sya sa inorder ko, pangit naman kung naka 2pis + extra rice ako tapos sya naka 1 pis lang sya at walang extra rice magmumuka naman akong matakaw nun.
Noong kumakain na kami para kaming hindi magkakilala para bang naki seat-in lang sya sa table ko o vice versa, merong konting kwentuhan at tanungan pero halos walang saysay ang nangyayaring nung kumakain kami. Pagtapos naming kumain sakto maguumpisa na ang matinding “Superman” syempre kailangan merong mangangata sa loob habang nanonood ng matinding “Superman”. As usual, tanong ulit ako sa kanya
“Anong gusto mong chichiria?”
“Kakakain lang natin e, kain na naman” sagot nya saken at napapangiti pa
“Hindi para may nginangata lang tayo sa loob” sagot ko
“Wag na, busog pa ako e.”
“Popcorn na lang saka softdrinks” suggest ko.
“Wag na nga” sagot nya.
Pero nagpumilit parin akong bumili ang sabi ko sa kanya para sakin na lang. Pagdating sa counter umorder agad ako ng popcorn, ang isa sa nakakatawa noong araw na yun dinagdagan nya ng asin yung popcorn na binili ko (ayaw mo pala huh) Sabay pasok na sa loob.
Halos parehas din ang nangyari nung kumakain kami. Hindi kami masyadong nag uusap o nagkwentuhan sa madaling salita nagkahiyaan talaga kami madalas kasi sa text lang kami naguusap kaya ilang pa kami sa isa’t isa tapos biglang aalis at manonood ng sine.
Naulit pa yung paglabas naming iyon. Pero ngayon iba na hindi na kami masyadong naiilang sa isa’t-isa. Naguusap na kami at mejo may kaunting tawanan at ang pinakamaganda habang nanonood kami ng sine nagsusubuan na kami ng popcorn. :)
Hindi ko alam kung Date na matatawag ang pag-alis naming iyon hindi naman kasi ako nanliligaw at talagang hindi ako marunong manligaw at hinding hindi ako kailanman nanligaw nang kahit na sinong babae. Rason ko? Simple lang. Kapag nanliligaw ang isang lalake, papakita nya sayo lahat ng magagandang paguugali nya halos lahat ng ayaw mo hindi nya ginagawa at yung mga gusto mo lagi ang nasusunod sobrang sweet rin nya sayo at hinding hindi ka aawayin kahit anong mangyari pero kapag naging kayo na tapos na ang maliligayang araw mo. Basahin mo na lang itong ligaw-ligaw-din para maintindihan mo ng lubusan :)
Next year ko na itutuloy ung part 4. “Dream girl? Not anymore, Dream come true.”
College picture ko :) GANGSTER! hahahaha :)
No comments:
Post a Comment