Monday, 29 August 2011

Sino ba ang nagsabi?


Sinong nagsabing mahirap ang Pilipinas?
Gayon meron kaming 13 milyong OFW at patuloy na lumolobo gawa ng mababang pasahod ng mananalapi sa aming bansa.
Gayon isa ang bansa namin sa tourist attraction na dinarayo ng libo-libong porener.
Gayon meron kaming pork barrel at nagkakawindang windang na ang aming Gobyerno kung paano ito gagastahin.
Gayon gumagastos kami ng $20,000 para sa isang hapunan.
Gayon marami parin ang tao sa aming malls lalo na kung may sale.
Gayon 80% ng aming populasyon ay may cellphone.
Gayon ang aming bansa ay binubuo ng kagubatan, sari-saring tubigan, at iba’t ibang uri ng lupa ang na malimit angkop sa agrikultura, minahan, agham at napakarami pang iba.
Gayon nababayaran naman namin pati ang “system loss” na tinatawag buwan-buwan.
Gayon 12% naman ang aming binabayaran na tax.
kaya wag mong sabihing mahirap ang Pilipinas dahil mayaman kami. Siguro swerte lang ang bansang Japan dahil kahit na 80% ng kanilang teritoryo ay bundok at hindi maaring sakahin e nagawa parin nilang maging pangalawa sa ekonomiya sa buong mundo na parang lumulutang na pabrika. Swerte rin siguro ang Switzerland na hindi nagtatanim cocoa pero gawaan ng pinaka-bantog na tsokolate sa buong mundo. Apat na buwan lang sa isang taon natatamnan o napapastulan ang lupa, pero nangunguna ito sa dairy industry.
Siguro swerte lang din sila sa kanilang Gobyerno at kung sinong ponsyo pilatong namamahala sa kanilang bansa. Hinubog ng maayos ang kanilang edukasyon, tradisyon at leksiyon ng kasaysayan. Kung susuriin ang mamamayan sa mauunlad na bansa, mapapansin na tumatalima ang mayorya sa ilang prinsipyo sa buhay: Gumawa ng tama, malinis, responsable, respeto sa batas at alituntunin, respeto sa karapatan ng iba, masipag, matipid at namumuhunan, buo ang loob gumawa nang malaki, tapat sa oras, at siyempre disiplinado. Malas ba tayong mga Pilipino o hindi? Sinisikap ba nating ilatag ang sistema na magpapabuti sa atin, o sumasabay lang tayo sa agos?
Swertihan lang siguro sa buhay.

Wednesday, 10 August 2011

ligaw ligaw din


Sino ba naman sa atin ang hindi nakaranas ng niligawan o nanligaw. Di ba’t ang sarap ng feeling? yung tipong ganado kang pumasok sa skwelahan, trabaho o lumabas ng bahay para lang makita sya? Inspired ka sa mga ginagawa mo o kaya naman lutang lagi ang isip mo kakaisip sa kanya.
Pero ako yung lalakeng hindi naniniwala sa salitang “pangliligaw”
Ito nalang isipin mo, kapag nanliligaw ang lalake ipapakita niya sa iyo yung lahat ng magagandang pag-uugali, maalahanin, malambing at napaka-gentleman para sagutin mo siya.
Si lalake sobra pa sa nanay mo kung mag alala at dinaig pa ang tatay mo sa pag protekta sayo.
tulad ng mga ito.
“tulog kana, wag kang mag puyat baka magkasakit ka”
“kain kana, wag kang mag pa lipas ng gutom, sige ka, baka mag kasakit ka”
magkasama sa trabaho o skwelahan o sa isang lugar, ginabi dahil sa hindi ko alam na dahilan.
“tara hatid na kita, baka kung anong mangyari sayo e. concern lang naman ako sayo”
Umuulan, malayo si lalake. Magte-txt o tatawag para alamin kung nasan ka upang dalhan ka ng payong o ihatid ka ulit pauwi. Minsan pag bawal pang mag BF si babae, sa kanto lang niya ito ihahatid, pero aantayin nya munang makapasok ng pinto bago ito tumalikod pauwi.
Si babae naman pag nililigawan mo, todo ang pakipot ( wag mo saking idahilan na hindi mo kasi gusto si lalake at sadyang makulit lang ito, kaya pinayagan mong manligaw sayo.) yung tipong buwan o taon na ang lumipas di ka parin sinasagot at kung sinu-sinong ponsyo pilatong tinatanong kung “okey lang ba kung sagutin ko si…..) papahirapan ka rin at gagawing P.A. o personal alalay hindi mo rin napapansin na ginagawa ka niyang tanga (meron pang babaeng proud sa ganito e)
Dahil nanliligaw ka marami ang bawal. Bawal uminom ng alak, bawal manigarilyo, bawal gabihin sa pag-uwi, bawal hindi mag reply sa text, bawal gabihin sa pag-uwi, bawal mag dota at kung anu-ano pang bawal, na kapag sinuway mo’y katapusan mo na!
Ok, dahil pogi si lalake pero walang pera, o kaya’y pangit si lalake pero may kotse at makapal ang bulsa, o di kaya’y inlove kana rin kaya sinagot mo na.
Maghanda kana sa ganitong pangyayari!
Sa unang tatlong buwan masaya kayo pag magkasama at lagi pa kayong may ngumingiti at kinikilig bago matulog. Madalas ka rin ayain ni lalake na manood ng Sine o kumain sa jollybee, mcdo o kay chowking. Sobrang keso rin ni lalake sayo at hindi nyo namamalayan na nilalanggam na rin kayo sa sobrang ka-sweeetan nyo, kada monthsarry nyo babatiin ka nito kung mapera si lalake may roses and chocolates pa itong kasama.
Sa pang 3-6 na buwan wala na yung kilig, hindi kana rin masyadong dine-date ni lalake dahil nagtitipid na ito at magastos ka daw masyado. Nagkakasawaan na kayo, lalo na kung araw-araw kayong nagkikita. Sinusuway kana rin ni lalake ngayon at nagiging seloso na ito, may makita lang na kausap o nag text sayong ibang lalake, away na agad ito.
Sa pang 6-3 taon, wala na yung ngiti at kilig. Napapadalas na rin ang inyong away, hindi kana talaga dine-date ni lalake. kung dati rati pag hinahatid ka nya sinasagot nya lahat ng ang gastos sa pamasahe, ngayon hindi na hati na kayo ngayon at minsan ikaw pa mismo ang nagbabayad lahat. Kung na-ikama kana nya napaka-malas mo, dahil pag nagaway kayo, siya na mismo ang makikipag hiwalay sayo. Kung hindi naman *apir tayo* dahil hawak mo parin ang alas, kahit maghiwalay kayo marami paring lalake dyan wag kang manghinayang.
Kapag nabuntis ka sa hindi inaasahang panahon. Impyerno na! kawawa kana ngayon, magiging losyang ka, kakaalaga ng anak mo habang ang asawa mo ay tumo-toma lang sa kanto at payosi-yosi lang sa bahay nyo.
Walang perpektong relasyon, dahil walang perpektong tao. Nagkakamali lahat at natutukso. Kaya hanggat maari, magtulungan para sa ikakabuti ng relasyon, pagusapan ang bawat problema, kayanin lahat ng darating na pagsubok ng magkasama. Pero paka-tandaan, hindi nakakabusog ang “pagmamahal” kailangan nyong magtulungan para sa ikakaunlad ng inyong relasyon at bu-buo-ing pamilya.

Ang kaibahan


Anyare bakit mahirap ating bansa? May nagsasabi dahil ito sa sobrang bilis ng pagdami ng tao habang mabagal ang pag-unlad ng ekonomiya. Ang iba nauubos ang yamang bayan sa katiwalian ng opisyales. Sa totoo lang, walang simpleng sagot. sabi nga nila “Ang Kaibahan” di ko alam ang paliwanag eh, pero ito na lang ang nakita kong kaibahan..

ayon kay pareng google.

Ang kaibahan ng mahirap o mayamang bansa ay hindi rin sa likas na yaman. Sa Japan 80% ng teritoryo ay bundok, hindi maaring sakahin o pastulan ng baka, pero ikalawang pinaka-sulong na ekonomiya sa mundo. Tila isang lumulutang na pabrika ang Japan, umaangkat ng raw materials at nagluluwal ng manufactured goods sa buong mundo. Parehas ng Switzerland, na hindi nagtatanim ng cocoa pero gawaan ng pinaka-bantog na tsokolate sa mundo. Apat na buwan lang sa isang taon natatamnan o napapastulan ang lupa, pero nangunguna ito sa dairy industry. Maliit na bansa pero matatag, maayos at matahimik.

Wala rin naman tayong pinag kaiba sa ibang expatriates mula sa mayayamang bansa na nakakasalamuha natin sa ibat ibang sulok ng mundo at isa rin tayo sa tinitingala pag dating sa trabaho sa labas ng bansa. Ang bansa rin natin ay binubuo ng kagubatan, sari-saring tubigan at iba't ibang uri ng lupa na malimit angkop sa agrikultura, minahan, turismo, agham, at iba pa.


Nasaan ang kaibahan kung gan’un? Ang kaibahan ay nasa ugali ng tao, hinubog ng edukasyon, tradisyon at leksiyon ng kasaysayan. Kung susuriin ang mamamayan sa mauunlad na bansa, ma­papansin na tumatalima ang mayorya sa ilang prin­sipyo     sa buhay: Gumawa ng tama, malinis, respon­sable, respeto sa batas at alituntunin, respeto sa kara­patan ng iba, masipag, ma­tipid at namumuhunan,   buo ang loob gumawa nang malaki, tapat sa oras, at siyem­pre disiplinado. Gan’un ba tayong mga Pili­pino o hindi? Sinisikap ba nating ilatag      ang sistema na magpapabuti sa atin, o sumasabay lang tayo sa agos?