Wednesday, 10 August 2011

Ang kaibahan


Anyare bakit mahirap ating bansa? May nagsasabi dahil ito sa sobrang bilis ng pagdami ng tao habang mabagal ang pag-unlad ng ekonomiya. Ang iba nauubos ang yamang bayan sa katiwalian ng opisyales. Sa totoo lang, walang simpleng sagot. sabi nga nila “Ang Kaibahan” di ko alam ang paliwanag eh, pero ito na lang ang nakita kong kaibahan..

ayon kay pareng google.

Ang kaibahan ng mahirap o mayamang bansa ay hindi rin sa likas na yaman. Sa Japan 80% ng teritoryo ay bundok, hindi maaring sakahin o pastulan ng baka, pero ikalawang pinaka-sulong na ekonomiya sa mundo. Tila isang lumulutang na pabrika ang Japan, umaangkat ng raw materials at nagluluwal ng manufactured goods sa buong mundo. Parehas ng Switzerland, na hindi nagtatanim ng cocoa pero gawaan ng pinaka-bantog na tsokolate sa mundo. Apat na buwan lang sa isang taon natatamnan o napapastulan ang lupa, pero nangunguna ito sa dairy industry. Maliit na bansa pero matatag, maayos at matahimik.

Wala rin naman tayong pinag kaiba sa ibang expatriates mula sa mayayamang bansa na nakakasalamuha natin sa ibat ibang sulok ng mundo at isa rin tayo sa tinitingala pag dating sa trabaho sa labas ng bansa. Ang bansa rin natin ay binubuo ng kagubatan, sari-saring tubigan at iba't ibang uri ng lupa na malimit angkop sa agrikultura, minahan, turismo, agham, at iba pa.


Nasaan ang kaibahan kung gan’un? Ang kaibahan ay nasa ugali ng tao, hinubog ng edukasyon, tradisyon at leksiyon ng kasaysayan. Kung susuriin ang mamamayan sa mauunlad na bansa, ma­papansin na tumatalima ang mayorya sa ilang prin­sipyo     sa buhay: Gumawa ng tama, malinis, respon­sable, respeto sa batas at alituntunin, respeto sa kara­patan ng iba, masipag, ma­tipid at namumuhunan,   buo ang loob gumawa nang malaki, tapat sa oras, at siyem­pre disiplinado. Gan’un ba tayong mga Pili­pino o hindi? Sinisikap ba nating ilatag      ang sistema na magpapabuti sa atin, o sumasabay lang tayo sa agos?

No comments:

Post a Comment