Sino ba naman sa atin ang hindi nakaranas ng niligawan o nanligaw. Di ba’t ang sarap ng feeling? yung tipong ganado kang pumasok sa skwelahan, trabaho o lumabas ng bahay para lang makita sya? Inspired ka sa mga ginagawa mo o kaya naman lutang lagi ang isip mo kakaisip sa kanya.
Pero ako yung lalakeng hindi naniniwala sa salitang “pangliligaw”
Ito nalang isipin mo, kapag nanliligaw ang lalake ipapakita niya sa iyo yung lahat ng magagandang pag-uugali, maalahanin, malambing at napaka-gentleman para sagutin mo siya.
Si lalake sobra pa sa nanay mo kung mag alala at dinaig pa ang tatay mo sa pag protekta sayo.
tulad ng mga ito.
“tulog kana, wag kang mag puyat baka magkasakit ka”
“kain kana, wag kang mag pa lipas ng gutom, sige ka, baka mag kasakit ka”
magkasama sa trabaho o skwelahan o sa isang lugar, ginabi dahil sa hindi ko alam na dahilan.
“tara hatid na kita, baka kung anong mangyari sayo e. concern lang naman ako sayo”
Umuulan, malayo si lalake. Magte-txt o tatawag para alamin kung nasan ka upang dalhan ka ng payong o ihatid ka ulit pauwi. Minsan pag bawal pang mag BF si babae, sa kanto lang niya ito ihahatid, pero aantayin nya munang makapasok ng pinto bago ito tumalikod pauwi.
Si babae naman pag nililigawan mo, todo ang pakipot ( wag mo saking idahilan na hindi mo kasi gusto si lalake at sadyang makulit lang ito, kaya pinayagan mong manligaw sayo.) yung tipong buwan o taon na ang lumipas di ka parin sinasagot at kung sinu-sinong ponsyo pilatong tinatanong kung “okey lang ba kung sagutin ko si…..) papahirapan ka rin at gagawing P.A. o personal alalay hindi mo rin napapansin na ginagawa ka niyang tanga (meron pang babaeng proud sa ganito e)
Dahil nanliligaw ka marami ang bawal. Bawal uminom ng alak, bawal manigarilyo, bawal gabihin sa pag-uwi, bawal hindi mag reply sa text, bawal gabihin sa pag-uwi, bawal mag dota at kung anu-ano pang bawal, na kapag sinuway mo’y katapusan mo na!
Ok, dahil pogi si lalake pero walang pera, o kaya’y pangit si lalake pero may kotse at makapal ang bulsa, o di kaya’y inlove kana rin kaya sinagot mo na.
Maghanda kana sa ganitong pangyayari!
Sa unang tatlong buwan masaya kayo pag magkasama at lagi pa kayong may ngumingiti at kinikilig bago matulog. Madalas ka rin ayain ni lalake na manood ng Sine o kumain sa jollybee, mcdo o kay chowking. Sobrang keso rin ni lalake sayo at hindi nyo namamalayan na nilalanggam na rin kayo sa sobrang ka-sweeetan nyo, kada monthsarry nyo babatiin ka nito kung mapera si lalake may roses and chocolates pa itong kasama.
Sa pang 3-6 na buwan wala na yung kilig, hindi kana rin masyadong dine-date ni lalake dahil nagtitipid na ito at magastos ka daw masyado. Nagkakasawaan na kayo, lalo na kung araw-araw kayong nagkikita. Sinusuway kana rin ni lalake ngayon at nagiging seloso na ito, may makita lang na kausap o nag text sayong ibang lalake, away na agad ito.
Sa pang 6-3 taon, wala na yung ngiti at kilig. Napapadalas na rin ang inyong away, hindi kana talaga dine-date ni lalake. kung dati rati pag hinahatid ka nya sinasagot nya lahat ng ang gastos sa pamasahe, ngayon hindi na hati na kayo ngayon at minsan ikaw pa mismo ang nagbabayad lahat. Kung na-ikama kana nya napaka-malas mo, dahil pag nagaway kayo, siya na mismo ang makikipag hiwalay sayo. Kung hindi naman *apir tayo* dahil hawak mo parin ang alas, kahit maghiwalay kayo marami paring lalake dyan wag kang manghinayang.
Kapag nabuntis ka sa hindi inaasahang panahon. Impyerno na! kawawa kana ngayon, magiging losyang ka, kakaalaga ng anak mo habang ang asawa mo ay tumo-toma lang sa kanto at payosi-yosi lang sa bahay nyo.
Walang perpektong relasyon, dahil walang perpektong tao. Nagkakamali lahat at natutukso. Kaya hanggat maari, magtulungan para sa ikakabuti ng relasyon, pagusapan ang bawat problema, kayanin lahat ng darating na pagsubok ng magkasama. Pero paka-tandaan, hindi nakakabusog ang “pagmamahal” kailangan nyong magtulungan para sa ikakaunlad ng inyong relasyon at bu-buo-ing pamilya.
No comments:
Post a Comment