Monday, 29 August 2011

Sino ba ang nagsabi?


Sinong nagsabing mahirap ang Pilipinas?
Gayon meron kaming 13 milyong OFW at patuloy na lumolobo gawa ng mababang pasahod ng mananalapi sa aming bansa.
Gayon isa ang bansa namin sa tourist attraction na dinarayo ng libo-libong porener.
Gayon meron kaming pork barrel at nagkakawindang windang na ang aming Gobyerno kung paano ito gagastahin.
Gayon gumagastos kami ng $20,000 para sa isang hapunan.
Gayon marami parin ang tao sa aming malls lalo na kung may sale.
Gayon 80% ng aming populasyon ay may cellphone.
Gayon ang aming bansa ay binubuo ng kagubatan, sari-saring tubigan, at iba’t ibang uri ng lupa ang na malimit angkop sa agrikultura, minahan, agham at napakarami pang iba.
Gayon nababayaran naman namin pati ang “system loss” na tinatawag buwan-buwan.
Gayon 12% naman ang aming binabayaran na tax.
kaya wag mong sabihing mahirap ang Pilipinas dahil mayaman kami. Siguro swerte lang ang bansang Japan dahil kahit na 80% ng kanilang teritoryo ay bundok at hindi maaring sakahin e nagawa parin nilang maging pangalawa sa ekonomiya sa buong mundo na parang lumulutang na pabrika. Swerte rin siguro ang Switzerland na hindi nagtatanim cocoa pero gawaan ng pinaka-bantog na tsokolate sa buong mundo. Apat na buwan lang sa isang taon natatamnan o napapastulan ang lupa, pero nangunguna ito sa dairy industry.
Siguro swerte lang din sila sa kanilang Gobyerno at kung sinong ponsyo pilatong namamahala sa kanilang bansa. Hinubog ng maayos ang kanilang edukasyon, tradisyon at leksiyon ng kasaysayan. Kung susuriin ang mamamayan sa mauunlad na bansa, mapapansin na tumatalima ang mayorya sa ilang prinsipyo sa buhay: Gumawa ng tama, malinis, responsable, respeto sa batas at alituntunin, respeto sa karapatan ng iba, masipag, matipid at namumuhunan, buo ang loob gumawa nang malaki, tapat sa oras, at siyempre disiplinado. Malas ba tayong mga Pilipino o hindi? Sinisikap ba nating ilatag ang sistema na magpapabuti sa atin, o sumasabay lang tayo sa agos?
Swertihan lang siguro sa buhay.

No comments:

Post a Comment