Friday, 22 July 2011

Kung pwede lang hindi maging Pilipino, matagal ko ng ginawa!


Kailan mo ba ipinagmalaki sa ibang tao na ikaw ay Pinoy? Noong nanalo si Pacquiao? at naging pound-for-pound king sa boxing?, noong naging vocalist ng bandang Journey si Arnel Pineda? Noong sumikat si Charice Pempengco at lumabas sa show na Oprah? o noong bigla na lang sumulpot si apl de ap at nalaman nating Pinoy dahil narinig natin ang salitang KKK sa kantang “where is the love”?
Oo masarap ipagmalaki ang mga taong yan na Purong dugong Pinoy hindi yung mga half-pinoy-half-ewan na magaling sa boxing, magaling kumanta, magaling mag laro ng soccer pero kausapin mo ng tagalong ang mga mokong nay an, malamang hindi kau magka-intindihan dahil hindi naman talaga sila lumaki sa Pinas. Ang tanong ba e, saka  ka lang magiging Pilipino kung malapit na ang laban ni Pacquiao at ang buong mundo ay nakatutok sa kanya? o dahil mayroong bagong album si Charice? o baka naman meron kasing Concert ang Journey at BEP.
Pero aminin mo apat lang na tao yan, kumpara sa mga daang libong magnanakaw sa Gobyerno at ahensya nito, kumpara sa kahihiyang dinulot ng kung sinu-sinong mga tanga at bobong Pinoy.
Nasan na ang DANGAL ng Pangulo nyo?(hindi ko pangulo yan dahil hindi ko binoto yan, at hindi ako botante dahil alam kong walang kwenta ang botohan) noong nag sorry sa pagpapadeport sa China ng mga Alien sa atin? At bago mang-yari ang pag-so-sorry pinapunta pa nya ang tuta nya doon na nagngangalang  Mr. Palengke at pinangalandakan at paulit-ulit pa nyang sinabing “hindi mag so-sorry” ang aming bansa (si Gloria lang ata ang makapal ang mukang mag “I am sorry”). Naawa “daw” si Pnoy dahil ide-deport ang milyong OFW sa bansa natin(WOW! awa? o baka natakot kang magkulang ang paghahatian nyong kaban ng bayan at baka mag patayan kayong mga bwitre dyan sa gobyerno?)
Anong katarantaduhan ba ang ginawa ng mga Pulis kotong noong may hostage taking na ikinamatay ng 9 na Hong Kong nationalist sa Rizal Park? Maraming tao, maraming usisero, meron pa ngang makakapal ang mukang nagpa-picture pa sa crime scene. Dahil sa maraming taong “usi” nagpakitang gilas ang ating mga bochog na Pulis, pinakita nila ang kanilang angking galing laban sa nag-iisang ex-Pulis At para maganda ang bakbakan kailangan mayroon mga SWAT na animoy isang batalyon ang kalaban. Syempre dahil puno ang media ang crime scene kitang-kita ng buong mundo ang ginawang kabalbalan ng mga mokong nayan sumatutal 9 ang patay. Pagkatapos kaya ng pangyayaring iyon? pinagmalaki kaya nung mga OFW natin sa Hong-kong na sila ay Pinoy? ano kaya sinabi ng kanilang mga amo?  Mayroon pa ngang ginawang video ang kung sinong tao na nagpapakita kung ano talaga ang “dapat” ginawa ng mga Pulis. Kung di ako nagkakamali pagkatapos ng pangyayari pinakuha ulit ng training ang mga magagaling at matatalinong SWAT na binansagang “Sorry Wala Akong Training” kapwa pinoy ang nagbansag nyan.
Pero kahit papaano naman ay magaling naman ang ating mga bochog na Pulis, napanood nyo ba ung pagdakip kay Jason Ivler noong binaril nya ang kung sinong anak ng tuta ni Gloria? ang bilis diba? wala pa atang dalawang buwan case-close na. Tapos magaling din mang-raid yan ng mga drug factory sa bansa, pero tignan mo kung may nahuhuling Master Mind o yung mismong may ari ng drug factory, kadalasan wala diba? Yung warrant of arrest kay Ping Lacson sa kanyang Daser Corbito murder case? ano na ang nangyari doon? hindi ba’t hindi rin nila nahuli si Ping? dahil hindi na mahuli si Ping, ang huli kong balita ay i-di-dismiss na daw ung kaso (Ayos naman pala Ping e, pwede kana pumatay ulit ng kung sino tapos taguang-pung na lang ulit kayo ng mga tuta mo) hindi na rin ito bago sa Pinas, milyon ang may kasong murder pero nagpapagala gala lang sa atin.  At yung paglaya ni Hubert Webb matapos makulong sa kasong multiple murder and rape? syempre dahil naging Senador ang tatay marami ang koneksyon sa loob kaya lumaya, pero nakakaawa si Mang Lauro sa nangyari. Sa atin basta may koneksyon ka sa loob at may pera ka kayang kaya mong paikutin ang lahat ng tao.
Maikwento ko lang ang aking karanasan dyan sa mga Pulis na yan, meron akong computer-shop sa Pilipinas noon, Dec 16 2010 pinasok ng holdaper ang aming shop at kinuha lahat ng computer pasado 12 ng gabi (24 hours kasi ang aming shop at kuya ko ang bantay sa gabi) matapos ang 10-15 minutes tumakbo na sila sa malapit na Police station sa aming lugar (kung hindi ako nagkakamali mga 50-100 meters lang ang distansya nito mula sa aming shop) Unang dating nila maraming tanong si Pulis, saan, kelan, nakilala nyo ba, ilan ba sila, ano ang dala nila (Tinamaan ka ng Lintek! imbes na puntahan agad yung pangyayari or rumonda para mahuli at madakip ang mga magnanakaw, nagtanong pa ng kung anu-anong bagay?) Sumatotal, umabot ng mga 10 minuto ang pagtatanong ng Pulis at ang ending “Balik na lang kayo sir, wala kasi yung Police Car namin” (@#$% bawat minuto sa ganitong pangyayari mahalaga, tapos sasabihing bumalik na lang? WOW!) walang nagawa ang kuya ko at umuwi sa bahay para sabihin sa akin ang nangyari.
Galit na galit ako sa pangyayaring iyon, imbes na tulungan kami at asikasuhin (balik ka na lang, di pa luto ung fries e) pagdating ko ng Police station halos magmura na ako doon, itong si police officer tawag sa munisipyo namin at magpadala daw ng SOCO. Yun naman pala e, sana umpisa palang ginawa na nya yun, dating si SOCO tanong dito tanong doon(ayos mabilis ang responde) pag dating ni SOCO nagsama ng isang taong nakakita sa pangyayari para lumibot at hanapin ang sasakyan, kaso bigo sila. Kami naman ay dumerecho sa crime scene, at nang papunta na kami ng munisipyo para mag file ng blotter di ko malilimutan ang sinabi sakin ni SOCO ” Sir mamaya, pagtapos ng blotter picturan nyo ung crime scene. (period) (napaisip tuloy ako kung pano ko i-se-send sa kanya, via email ba o kukunin ko ba ang facebook nya at i-ta-tag ko sa matapos kong picturan? grabehan ang utak nitong si SOCO)
Okey, mabalik tayo sa topic ko, alam mo bang pang International na talaga ang beauty ng Pinas, akalain mong ma-featured ang Maguindanao Masacre sa CNN at ituring tayong Most dangerous place on Earth. Wow! sarap maging Pinoy noh? sarap ipagmalaking nakatira ka sa bansang delikado, mapanganib, peligroso at hindi ligtas na bansa. Naku baka may travel ban na sa Pinas, pero hayaan mo na makakalusot naman kahit sinong gustong maglabas-masok sa bansa natin e, basta meron ka lang pangpadulas o pera. Hindi ba’t nakalusot sa Pinas ang tatlong tatanga-tangang binitay dahil sa pagpuslit ng droga papuntang Hong Kong saka si Ronald Singson (akala siguro niya ganoon din kabobo ang mga Chinese). Yung tatlong engot nag dahilan pa, “hindi daw nila alam na droga ang laman ng bagahe na yun” ANO?! hindi nyo alam?! (dapat kasi gumamit sila ng katagang “I am sorry”). Si Ronald naman ay bigo lang daw sa pag-ibig kaya sya nagdala ng droga(dapat kasi kumunsulta muna sya kay Papa Jack para hindi sya napahamak at napayuhan pa sana siya) Nagtataka ka kung papaano nakalusot? simple lang, nilalahat ko na! Ang mga ahensya ng Gobyerno ay pwede mong suhulan.
At syempre ang Pangulong nanungkulan ng 9 na taon, ang Pangulong nagpahirap sa bansang Pinas, ang pangulong nagpauso ng katagang ” I am Sorry “, ang Pangulong nagpauso ng ringtone na “Hello Garci”, ang Pangulong nagpasikat kay Ronald ” Jun ” Lozada, ang Pangulong maraming kinasangkutang kurakot tulad ng ZTE-NBN scandal, Fertelizer scam, kikbak scandal. “President Gloria Arroyo may indeed be the most corrupt president the country has ever had, based on amounts lost to the Filipino people in just six corruption scandals over her seven years in office” ayon sa article na nabasa ko dati. At ang kauna-unahang Pangulo sa Buong Mundo na tumakbo sa pagiging Congressman matapos ang kanyang termino sa pagiging Presidente (masipag naman palang manungkulan sa bayan e.) pero bilib din ako sa mga Pinoy, matapos ang kaliwa’t-kanang scandal at harapang pangungurakot ni Gloria may bumuboto parin sa kanya. Hindi ko na alam kung gaano kabobo yung mga Pinoy na ‘yon.
Sarap maging Pilipino noh? sarap ipagmalaki sa buong bansa lalo na’t ikaw ay isang OFW  at mapapanood ng barkada, amo, kakilala, katrabaho, kapit-bahay mo yung mga anumalya sa Pinas, kaysarap sabihing. Okey lang, kahit kurakot bansa namin, kahit tanga at bobong mga Pilipinong laging nahuhulihan ng droga sa ibang bansa para daw sa pamasahe, kahit na ang bansa natin ay tinatawag na Modern Day Slave. Kapal na siguro ng muka mo pag sinabi mo pang Pinoy ka sa kabila ng pinapakita ng kapwa mo Pilipino

Sa mga mambabasa : hindi ko alam kung maraming mali o tama sa aking mga sinulat, base lang yan sa aking napanood/nakita sa ating bansa, kung may mga mali man akong detalye, pagpasensyahan nyo na. saloobin ko yan at yan ang gusto kong ipahiwatig dahil sa bulok na sistema na alam nating HINDING HINDI na magbabago.

Close Family ties


Isang kaugalian nating mga Pinoy.  Noong bata pa ako pinag-aralan namin ito sa skwelahan. Ayos pala ang “close family ties ng mga Pilipino”. Magkikilala mo ang pinsan ng pinsan ng pinsan ng pinsan mo sa sobrang laki ng pamilya nyo. Sa reunion mo lang nalaman na niligawan mo na pala ang isa sa kamag-anak mo o naging syota mo pa. Tuwing Pasko, Bagong taon, Piyesta, Birthday, Wedding, Graduation, Baptism at Funeral sa mga ganitong okasyon nagtitipon, nagkakasiyahan, nagkwekwentuhan at walang sawang kamustahan.
Pero sa panahon ngayon parang sumobra na sa Close Family ties ang Pinoy. Kahit may asawa’t anak sa Magulang parin nakatira at walang trabaho maging ang asawa nito at ang nagiging kawawa walang iba kundi ang Magulang mo dahil sa mahal nya kayo at ang tinatawag na “Close Family ties”. Masarap talaga ang feeling ng magkakasama kayo sa iisang bubong ang nagiging problema sa mga anak na ganito, nagiging tamad na at nawawalan ng pangarap para sa kanilang mga anak. Hindi habang-buhay magta-trabaho ang magulang mo, tapos na rin ang responsibilidad nya para sayo dahil may sarili ka ng pamilya, hindi ba’t ikaw naman dapat ang tumulong sa Magulang mo?
Sa ibang bansa pag nakatuntong ng 18 ang isang anak, hinahayaan na ng mga Magulang na tumayo sa sarili nyang mga paa kumbaga kailangan nyang mag-trabaho at mag-ipon kung gusto nyang makapag aral ng kolehiyo o may gusto syang bilin. Dito sa bansang tinutuluyan ko ang mga lalake halos 30+ y/o  kung sila ay mag-asawa, dahil ang lahat ng bayarin sa pagpapakasal ay inaako nila. Dapat may sarili kang bahay, may trabaho, may konting ipon dahil hindi ka na makikitira sa iyong Magulang.
Parang sa mga hayop lang yan e, ang ibon pag nakakalipad na ang kanyang mga anak na sisiw hindi nya na ito kinukuhanan ng pagkain. Ang aso kapag malaki na at hindi na ito dumedede sa magulang hinahayaan na nya rin ito.
Hindi ko sinasabing pabayaan ng mga Magulang ang kanyang mga anak. Gusto ko lang maisip ng ibang Magulang na sila mismo ang nagtuturo sa kanilang mga anak kung paano maging TAMAD!

Wednesday, 20 July 2011

45 minutes

Siguro lahat naman ng nagta-trabaho sa labas ng bansa ay nagkakaisa sa iisang pangarap, yun ang bigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya. Oo isa na ako sa milyong-milyong OFW. Dahil na rin siguro sa kahirapan ng buhay at sa mga punyetang nangloob at nangholdap sa aming Computer-shop kaya nagpasya akong umalis ng bansa. Noong nasa Pilipinas pa ako, ayaw kong tumambay sa bahay kahit alam kong paalis na ako ng bansa sa susunod na buwan. Ang rason ko? ayaw ko silang ma-miss at ayaw ko ring sanayin ang sarili ko na kasama sila. Kaya madalas inuman at dota ang ginagawa kong libangan noon, mayroon pa ngang pagkakataon na nagaaway kami ni misis nun "aalis ka na nga lang e, barkada pa kasama mo!" yan ang madalas saking isumbat ni misis habang tumatagay ng alak. Pero ayaw ko kasing isiping aalis na ako at iiwan ang aking pamilya, pero kahit ayaw ko man, wala akong magagawa.

2 months old palang ang aking panganay na anak ng lisanin ko ang Pilipinas dahil hindi rin naman gaanong kadali ang humanap ng trabaho sa labas ng bansa 3 months akong naging tambay dito syempre dahil wala pa akong trabaho noon, madalas ang usap namin ni misis salamat sa facebook, ym at skype. Pero nagbago ito ng makahanap ako ng trabaho, may araw pang hindi kami nagkakausap ng asawa ko dahil sinoli ko na sa nanay ko ang laptop nya. Ang malaking problema pa ay ang hour gap ng Pinas at Nigeria 7 hours. kumbaga 7am dito 2pm sa pinas.

Ngayon napakalaking halaga sa akin ng 45minutes kong break dito sa trabaho, yun lang kasi ang pagkakataong nakikita ko at nakakausap ang aking mag-ina at madalas bitin pa. Pero syempre wala naman din akong magagawa, hindi naman pwedeng mag extend baka mahuli ng amo at masisante pa ako. Ngayon ko lang nalaman na sayang ang mga oras kong nilaan sa pagtagay ng alak, sayang ang mga oras na nilaro ko ng dota, sayang ang mga araw na hindi ko man lang inasikaso ang aking anak, sayang ang linggong hindi kami nakapag simba kasama sila, sayang, sayang, sayang...


Ganoon pa man kuntento na ako sa 45minutes, 45minutes na kwentuhan, 45 minutes na tawanan, 45 minutes na balitaan, 45 minutes na kamustahan at 45minutes na makikita ang mga ngiti at iyak ng aking anak, ang 45minutes katumbas ng  pagpawi ng pagod sa buong maghapong trabaho.


Saturday, 16 July 2011

ang teenager!

Masarap ang mga alaala sa ganitong edad lalo na 'pag tuntong mo ng High School. Lahat ng magaganda at masasamang pag-uugali ay dito natututunan, minsan kasi kahit anong strikto ng magulang mo at kahit anong awat sayo na "wag mong gawin ito, wag mong gawin yan, dahil walang magandang maidudulot sayo" itatago mo ito sa kanila dahil mayroon kang sariling dahilan na hindi nila maintindihan.

lahat ng "first time" dito na rin nag uumpisa tulad ng mga ito:

first time uminom ng alak - gin pomelo pa nga uso nun e

first time humitit ng sigarilyo - winston sa una para hindi masyadong matapang pag daw kasi menthol ang hinihitit mo muka ka daw "construction worker pag lalaki" at "pokpok  pag babae"

first time manood ng porno kasama ng barkada -  meron akong barkadang mahilig sa hentai o yung cartoons na porn weirdo masyado at hindi ko masakyan ang trip nya, pero syempre barkada e, dragon balls pa nga un e hanggang ngayon tandang tanda ko pa. hahaha

first time mag bulakbol sa iskwela - hindi naman kasi uso ito noong nasa elementarya ka palang

first time magka-boypren o gelpren - o mas kilala bilang "shota - short time" para sa akin may maganda at pangit na dulo't ito sa aming mga lalaki. Maganda dahil may inspirasyon ka sa pag-pasok, kinikilig ka pa habang papasok ng gate dahil makikita mo na ulit sya, hindi ka rin magbubulakbol dahil exited ka ng i-holding hands sya sa balcony o kahit saang sulok ng iskwelahan. Ang pangit lang dito ay magiging magastos ka dahil sa mga katagang "hatid kita mamayang uwian ah" patay na! syempre dahil ikaw ang lalaki dapat ikaw ang magbayad ng inyong pamasahe at dahil high school kapa lang hindi pa ganoon kalaki ang baon mo unless mayaman ang pamilya mo.

first time  magki pag labing-labing :)  - alam mo na ibig kong sabihin kaya wag ka ng magtanong (ngumiti ka na lang at sariwain ang iyong perstaym)

Ang pinakamaganda sa pagiging teenager ay ang pagiging malaya mo, wala kang iniintinding bayarin, wala kang iniintinding papakainin, wala kang iniintinding problema, malaya at puro sarap lang ng buhay ang iyong gagawin. Saka mo na maiisip ang lahat ng ito kapag ikaw ay may pamilyado na o nagtatrabaho na, manghihinayang ka sa binili mong sapatos sa halagang limang libo o sa damit mong halagang isang libong piso, manghihinayang karin sa pinang-gimik mo sa bar at nagbayad ng dalawang libo, manghihinayang ka rin sa araw na iyong ginugol sa paglalaro ng counter-strike at iba pang bisyo mo sa katawan. Pero ako? hindi ako nanghihinayang sa mga oras at pera, kasayahan o kalungkutan man ang naidulot sa akin nito dahil ginusto ko iyon, doon ako naging masaya.

Ngayon kung ikaw ay nagtatrabaho na saka mo lang iisipin na, sana pala nung gusto mong matulog ng hapon natulog kana lang kesa nagpunta ka sa kompyuteran. Sana pala nung weekends nagpahinga na lang ako at nag relax kesa gumimik at napagastos pa. Nalaman mo na rin ang halaga ng salitang "weekends" at ang pinakamasarap sa pakiramdam ang "matanggap ang iyong sahod". Syempre kung ikaw ay binata at walang masyadong iniintindi sa bahay, pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo sa iyong pera i-enjoy ng husto dahil pinagpaguran mo naman yan.

Siguro para akong nananalangin na tumaya sa lotto pero hindi naman ako tumataya, isang kagustuhan na hinding hindi mabibigay sayo, isang hiling na hinding hindi matutupad. Ang maganda lang dito ay kahit papaano may maikwe-kwento mo sa iyong anak ang mga kalokohan at magagandang nangyari sa buhay mo noong teenager kapa