Saturday, 16 July 2011

ang teenager!

Masarap ang mga alaala sa ganitong edad lalo na 'pag tuntong mo ng High School. Lahat ng magaganda at masasamang pag-uugali ay dito natututunan, minsan kasi kahit anong strikto ng magulang mo at kahit anong awat sayo na "wag mong gawin ito, wag mong gawin yan, dahil walang magandang maidudulot sayo" itatago mo ito sa kanila dahil mayroon kang sariling dahilan na hindi nila maintindihan.

lahat ng "first time" dito na rin nag uumpisa tulad ng mga ito:

first time uminom ng alak - gin pomelo pa nga uso nun e

first time humitit ng sigarilyo - winston sa una para hindi masyadong matapang pag daw kasi menthol ang hinihitit mo muka ka daw "construction worker pag lalaki" at "pokpok  pag babae"

first time manood ng porno kasama ng barkada -  meron akong barkadang mahilig sa hentai o yung cartoons na porn weirdo masyado at hindi ko masakyan ang trip nya, pero syempre barkada e, dragon balls pa nga un e hanggang ngayon tandang tanda ko pa. hahaha

first time mag bulakbol sa iskwela - hindi naman kasi uso ito noong nasa elementarya ka palang

first time magka-boypren o gelpren - o mas kilala bilang "shota - short time" para sa akin may maganda at pangit na dulo't ito sa aming mga lalaki. Maganda dahil may inspirasyon ka sa pag-pasok, kinikilig ka pa habang papasok ng gate dahil makikita mo na ulit sya, hindi ka rin magbubulakbol dahil exited ka ng i-holding hands sya sa balcony o kahit saang sulok ng iskwelahan. Ang pangit lang dito ay magiging magastos ka dahil sa mga katagang "hatid kita mamayang uwian ah" patay na! syempre dahil ikaw ang lalaki dapat ikaw ang magbayad ng inyong pamasahe at dahil high school kapa lang hindi pa ganoon kalaki ang baon mo unless mayaman ang pamilya mo.

first time  magki pag labing-labing :)  - alam mo na ibig kong sabihin kaya wag ka ng magtanong (ngumiti ka na lang at sariwain ang iyong perstaym)

Ang pinakamaganda sa pagiging teenager ay ang pagiging malaya mo, wala kang iniintinding bayarin, wala kang iniintinding papakainin, wala kang iniintinding problema, malaya at puro sarap lang ng buhay ang iyong gagawin. Saka mo na maiisip ang lahat ng ito kapag ikaw ay may pamilyado na o nagtatrabaho na, manghihinayang ka sa binili mong sapatos sa halagang limang libo o sa damit mong halagang isang libong piso, manghihinayang karin sa pinang-gimik mo sa bar at nagbayad ng dalawang libo, manghihinayang ka rin sa araw na iyong ginugol sa paglalaro ng counter-strike at iba pang bisyo mo sa katawan. Pero ako? hindi ako nanghihinayang sa mga oras at pera, kasayahan o kalungkutan man ang naidulot sa akin nito dahil ginusto ko iyon, doon ako naging masaya.

Ngayon kung ikaw ay nagtatrabaho na saka mo lang iisipin na, sana pala nung gusto mong matulog ng hapon natulog kana lang kesa nagpunta ka sa kompyuteran. Sana pala nung weekends nagpahinga na lang ako at nag relax kesa gumimik at napagastos pa. Nalaman mo na rin ang halaga ng salitang "weekends" at ang pinakamasarap sa pakiramdam ang "matanggap ang iyong sahod". Syempre kung ikaw ay binata at walang masyadong iniintindi sa bahay, pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo sa iyong pera i-enjoy ng husto dahil pinagpaguran mo naman yan.

Siguro para akong nananalangin na tumaya sa lotto pero hindi naman ako tumataya, isang kagustuhan na hinding hindi mabibigay sayo, isang hiling na hinding hindi matutupad. Ang maganda lang dito ay kahit papaano may maikwe-kwento mo sa iyong anak ang mga kalokohan at magagandang nangyari sa buhay mo noong teenager kapa

No comments:

Post a Comment