Kailan mo ba ipinagmalaki sa ibang tao na ikaw ay Pinoy? Noong nanalo si Pacquiao? at naging pound-for-pound king sa boxing?, noong naging vocalist ng bandang Journey si Arnel Pineda? Noong sumikat si Charice Pempengco at lumabas sa show na Oprah? o noong bigla na lang sumulpot si apl de ap at nalaman nating Pinoy dahil narinig natin ang salitang KKK sa kantang “where is the love”?
Oo masarap ipagmalaki ang mga taong yan na Purong dugong Pinoy hindi yung mga half-pinoy-half-ewan na magaling sa boxing, magaling kumanta, magaling mag laro ng soccer pero kausapin mo ng tagalong ang mga mokong nay an, malamang hindi kau magka-intindihan dahil hindi naman talaga sila lumaki sa Pinas. Ang tanong ba e, saka ka lang magiging Pilipino kung malapit na ang laban ni Pacquiao at ang buong mundo ay nakatutok sa kanya? o dahil mayroong bagong album si Charice? o baka naman meron kasing Concert ang Journey at BEP.
Pero aminin mo apat lang na tao yan, kumpara sa mga daang libong magnanakaw sa Gobyerno at ahensya nito, kumpara sa kahihiyang dinulot ng kung sinu-sinong mga tanga at bobong Pinoy.
Nasan na ang DANGAL ng Pangulo nyo?(hindi ko pangulo yan dahil hindi ko binoto yan, at hindi ako botante dahil alam kong walang kwenta ang botohan) noong nag sorry sa pagpapadeport sa China ng mga Alien sa atin? At bago mang-yari ang pag-so-sorry pinapunta pa nya ang tuta nya doon na nagngangalang Mr. Palengke at pinangalandakan at paulit-ulit pa nyang sinabing “hindi mag so-sorry” ang aming bansa (si Gloria lang ata ang makapal ang mukang mag “I am sorry”). Naawa “daw” si Pnoy dahil ide-deport ang milyong OFW sa bansa natin(WOW! awa? o baka natakot kang magkulang ang paghahatian nyong kaban ng bayan at baka mag patayan kayong mga bwitre dyan sa gobyerno?)
Anong katarantaduhan ba ang ginawa ng mga Pulis kotong noong may hostage taking na ikinamatay ng 9 na Hong Kong nationalist sa Rizal Park? Maraming tao, maraming usisero, meron pa ngang makakapal ang mukang nagpa-picture pa sa crime scene. Dahil sa maraming taong “usi” nagpakitang gilas ang ating mga bochog na Pulis, pinakita nila ang kanilang angking galing laban sa nag-iisang ex-Pulis At para maganda ang bakbakan kailangan mayroon mga SWAT na animoy isang batalyon ang kalaban. Syempre dahil puno ang media ang crime scene kitang-kita ng buong mundo ang ginawang kabalbalan ng mga mokong nayan sumatutal 9 ang patay. Pagkatapos kaya ng pangyayaring iyon? pinagmalaki kaya nung mga OFW natin sa Hong-kong na sila ay Pinoy? ano kaya sinabi ng kanilang mga amo? Mayroon pa ngang ginawang video ang kung sinong tao na nagpapakita kung ano talaga ang “dapat” ginawa ng mga Pulis. Kung di ako nagkakamali pagkatapos ng pangyayari pinakuha ulit ng training ang mga magagaling at matatalinong SWAT na binansagang “Sorry Wala Akong Training” kapwa pinoy ang nagbansag nyan.
Pero kahit papaano naman ay magaling naman ang ating mga bochog na Pulis, napanood nyo ba ung pagdakip kay Jason Ivler noong binaril nya ang kung sinong anak ng tuta ni Gloria? ang bilis diba? wala pa atang dalawang buwan case-close na. Tapos magaling din mang-raid yan ng mga drug factory sa bansa, pero tignan mo kung may nahuhuling Master Mind o yung mismong may ari ng drug factory, kadalasan wala diba? Yung warrant of arrest kay Ping Lacson sa kanyang Daser Corbito murder case? ano na ang nangyari doon? hindi ba’t hindi rin nila nahuli si Ping? dahil hindi na mahuli si Ping, ang huli kong balita ay i-di-dismiss na daw ung kaso (Ayos naman pala Ping e, pwede kana pumatay ulit ng kung sino tapos taguang-pung na lang ulit kayo ng mga tuta mo) hindi na rin ito bago sa Pinas, milyon ang may kasong murder pero nagpapagala gala lang sa atin. At yung paglaya ni Hubert Webb matapos makulong sa kasong multiple murder and rape? syempre dahil naging Senador ang tatay marami ang koneksyon sa loob kaya lumaya, pero nakakaawa si Mang Lauro sa nangyari. Sa atin basta may koneksyon ka sa loob at may pera ka kayang kaya mong paikutin ang lahat ng tao.
Maikwento ko lang ang aking karanasan dyan sa mga Pulis na yan, meron akong computer-shop sa Pilipinas noon, Dec 16 2010 pinasok ng holdaper ang aming shop at kinuha lahat ng computer pasado 12 ng gabi (24 hours kasi ang aming shop at kuya ko ang bantay sa gabi) matapos ang 10-15 minutes tumakbo na sila sa malapit na Police station sa aming lugar (kung hindi ako nagkakamali mga 50-100 meters lang ang distansya nito mula sa aming shop) Unang dating nila maraming tanong si Pulis, saan, kelan, nakilala nyo ba, ilan ba sila, ano ang dala nila (Tinamaan ka ng Lintek! imbes na puntahan agad yung pangyayari or rumonda para mahuli at madakip ang mga magnanakaw, nagtanong pa ng kung anu-anong bagay?) Sumatotal, umabot ng mga 10 minuto ang pagtatanong ng Pulis at ang ending “Balik na lang kayo sir, wala kasi yung Police Car namin” (@#$% bawat minuto sa ganitong pangyayari mahalaga, tapos sasabihing bumalik na lang? WOW!) walang nagawa ang kuya ko at umuwi sa bahay para sabihin sa akin ang nangyari.
Galit na galit ako sa pangyayaring iyon, imbes na tulungan kami at asikasuhin (balik ka na lang, di pa luto ung fries e) pagdating ko ng Police station halos magmura na ako doon, itong si police officer tawag sa munisipyo namin at magpadala daw ng SOCO. Yun naman pala e, sana umpisa palang ginawa na nya yun, dating si SOCO tanong dito tanong doon(ayos mabilis ang responde) pag dating ni SOCO nagsama ng isang taong nakakita sa pangyayari para lumibot at hanapin ang sasakyan, kaso bigo sila. Kami naman ay dumerecho sa crime scene, at nang papunta na kami ng munisipyo para mag file ng blotter di ko malilimutan ang sinabi sakin ni SOCO ” Sir mamaya, pagtapos ng blotter picturan nyo ung crime scene. (period) (napaisip tuloy ako kung pano ko i-se-send sa kanya, via email ba o kukunin ko ba ang facebook nya at i-ta-tag ko sa matapos kong picturan? grabehan ang utak nitong si SOCO)
Okey, mabalik tayo sa topic ko, alam mo bang pang International na talaga ang beauty ng Pinas, akalain mong ma-featured ang Maguindanao Masacre sa CNN at ituring tayong Most dangerous place on Earth. Wow! sarap maging Pinoy noh? sarap ipagmalaking nakatira ka sa bansang delikado, mapanganib, peligroso at hindi ligtas na bansa. Naku baka may travel ban na sa Pinas, pero hayaan mo na makakalusot naman kahit sinong gustong maglabas-masok sa bansa natin e, basta meron ka lang pangpadulas o pera. Hindi ba’t nakalusot sa Pinas ang tatlong tatanga-tangang binitay dahil sa pagpuslit ng droga papuntang Hong Kong saka si Ronald Singson (akala siguro niya ganoon din kabobo ang mga Chinese). Yung tatlong engot nag dahilan pa, “hindi daw nila alam na droga ang laman ng bagahe na yun” ANO?! hindi nyo alam?! (dapat kasi gumamit sila ng katagang “I am sorry”). Si Ronald naman ay bigo lang daw sa pag-ibig kaya sya nagdala ng droga(dapat kasi kumunsulta muna sya kay Papa Jack para hindi sya napahamak at napayuhan pa sana siya) Nagtataka ka kung papaano nakalusot? simple lang, nilalahat ko na! Ang mga ahensya ng Gobyerno ay pwede mong suhulan.
At syempre ang Pangulong nanungkulan ng 9 na taon, ang Pangulong nagpahirap sa bansang Pinas, ang pangulong nagpauso ng katagang ” I am Sorry “, ang Pangulong nagpauso ng ringtone na “Hello Garci”, ang Pangulong nagpasikat kay Ronald ” Jun ” Lozada, ang Pangulong maraming kinasangkutang kurakot tulad ng ZTE-NBN scandal, Fertelizer scam, kikbak scandal. “President Gloria Arroyo may indeed be the most corrupt president the country has ever had, based on amounts lost to the Filipino people in just six corruption scandals over her seven years in office” ayon sa article na nabasa ko dati. At ang kauna-unahang Pangulo sa Buong Mundo na tumakbo sa pagiging Congressman matapos ang kanyang termino sa pagiging Presidente (masipag naman palang manungkulan sa bayan e.) pero bilib din ako sa mga Pinoy, matapos ang kaliwa’t-kanang scandal at harapang pangungurakot ni Gloria may bumuboto parin sa kanya. Hindi ko na alam kung gaano kabobo yung mga Pinoy na ‘yon.
Sarap maging Pilipino noh? sarap ipagmalaki sa buong bansa lalo na’t ikaw ay isang OFW at mapapanood ng barkada, amo, kakilala, katrabaho, kapit-bahay mo yung mga anumalya sa Pinas, kaysarap sabihing. Okey lang, kahit kurakot bansa namin, kahit tanga at bobong mga Pilipinong laging nahuhulihan ng droga sa ibang bansa para daw sa pamasahe, kahit na ang bansa natin ay tinatawag na Modern Day Slave. Kapal na siguro ng muka mo pag sinabi mo pang Pinoy ka sa kabila ng pinapakita ng kapwa mo Pilipino
Sa mga mambabasa : hindi ko alam kung maraming mali o tama sa aking mga sinulat, base lang yan sa aking napanood/nakita sa ating bansa, kung may mga mali man akong detalye, pagpasensyahan nyo na. saloobin ko yan at yan ang gusto kong ipahiwatig dahil sa bulok na sistema na alam nating HINDING HINDI na magbabago.
I just read your blog/entry or should I say your lamented feelings about being a Filipino! OK I should write this in Tagalog! Title pa lang sa iyong entry ay isa nang patunay na hindi ka Proud na maging isang pinoy! para sabihin ko sayo din kung pwde ka lang isuka ng bansang PILIPINAS malamang ginawa na niya iyon pagkatapos mo itong maisulat ang entry na ito! alam mo bah? yang ugali na yan! yang ugali mo na panay sabi na bobo ang mga pinoy o panay hatak sa mga pinoy pababa ay isa sa mga rason kung bakit di tayo nakaka-usad! Alam mo yang pananaw mo ay mahahalintulad ko sa isang “tunnel” na wala kang ibang nakita kundi yong mga kapalpakan o mga negatibong pangyayari sa pilipinas pero kung tutuusin lahat naman ng bansa may kapalpakan hindi lang nga natin alam o nakikita kasi hindi tayo kabilang sa bansang iyon kundi kabilang tayo sa bansang PILIPNAS. aminado naman ako na pangit talaga ang sistema sa anting bansa pero wag mong i stereotype ang lahat ng pilipino na isang BOBO. paulit-ulit mong sinabi na bobo ang isang pilipino o mga pilipino. Alam mo that would be so unfair! uulitin ko kung pwde ka lang ISUKA ng bansang PILIPINAS ay matagal na niyang ginawa nun, pero reality hindi yan magagawa kasi ipinanganak kang Pilipino at mamamatay ka ng isang pilipino.
ReplyDeleteSa tanong mo kung kailang ko ipinagmamalaki pinoy ako? sagot ko sa iyo ay kada segundo, kada minuto, kada oras, kada araw, kada buwan.kada taon ko IPINAGMAMALAKI na ako ay isang PILIPNO.
alam mo bah anong ibg sabihin ng crabmentality ? yang ugali mo na yan pare!
Ok lanng na galalit sa sistema o sa mga palpak o sa ano mang bagay na hindi ko gusto sa bansang pilipinas pero wag naman yong lahat ng mga pinoy sabihan mo ng bobo!
hey wake up! bakit matalino ka bah?
note: this is just a personal comment on your entry. This is not a debate starter! peace and MABUHAY ANG MGA PILIPINO
Maraming salamat sa iyong pag-basa at pag kumento Leo tan Yu :)
ReplyDeleteIkaw na ho ang nagsabi "binasa mo" Ang problema lang ho, hindi mo siya inintindi.
tungkol naman dun sa pagsabi "bobo, tanga, inutil,engot atbp". Hindi ko naman sinabing "lahat ng Pilipino tanga,bobo,inutil" mapupuna mo yan pag inintindi mo ng husto ang aking article.
Sa totoo lang Ser Leo sa pagsulat ko ng article na ito ay hindi nangangahulugang ayaw kong maging Pinoy. Bakit kamo? kung talagang ayaw kong maging Pilipino uunahin ko ito sa sarili ko.. gagamit ako ng wikang ingles na syang sinasamba ng ilang tao. Ginamit ko yang title na yan para maisip ng ibang Pilipino ang kanilang mga ginagawang kapalpakan..
kung talagang hindi ako "proud maging Pilipino" papalitan ko ang tema ng aking blog.
muli salamat ng marami sa iyong pagbasa :)