Friday, 22 July 2011

Close Family ties


Isang kaugalian nating mga Pinoy.  Noong bata pa ako pinag-aralan namin ito sa skwelahan. Ayos pala ang “close family ties ng mga Pilipino”. Magkikilala mo ang pinsan ng pinsan ng pinsan ng pinsan mo sa sobrang laki ng pamilya nyo. Sa reunion mo lang nalaman na niligawan mo na pala ang isa sa kamag-anak mo o naging syota mo pa. Tuwing Pasko, Bagong taon, Piyesta, Birthday, Wedding, Graduation, Baptism at Funeral sa mga ganitong okasyon nagtitipon, nagkakasiyahan, nagkwekwentuhan at walang sawang kamustahan.
Pero sa panahon ngayon parang sumobra na sa Close Family ties ang Pinoy. Kahit may asawa’t anak sa Magulang parin nakatira at walang trabaho maging ang asawa nito at ang nagiging kawawa walang iba kundi ang Magulang mo dahil sa mahal nya kayo at ang tinatawag na “Close Family ties”. Masarap talaga ang feeling ng magkakasama kayo sa iisang bubong ang nagiging problema sa mga anak na ganito, nagiging tamad na at nawawalan ng pangarap para sa kanilang mga anak. Hindi habang-buhay magta-trabaho ang magulang mo, tapos na rin ang responsibilidad nya para sayo dahil may sarili ka ng pamilya, hindi ba’t ikaw naman dapat ang tumulong sa Magulang mo?
Sa ibang bansa pag nakatuntong ng 18 ang isang anak, hinahayaan na ng mga Magulang na tumayo sa sarili nyang mga paa kumbaga kailangan nyang mag-trabaho at mag-ipon kung gusto nyang makapag aral ng kolehiyo o may gusto syang bilin. Dito sa bansang tinutuluyan ko ang mga lalake halos 30+ y/o  kung sila ay mag-asawa, dahil ang lahat ng bayarin sa pagpapakasal ay inaako nila. Dapat may sarili kang bahay, may trabaho, may konting ipon dahil hindi ka na makikitira sa iyong Magulang.
Parang sa mga hayop lang yan e, ang ibon pag nakakalipad na ang kanyang mga anak na sisiw hindi nya na ito kinukuhanan ng pagkain. Ang aso kapag malaki na at hindi na ito dumedede sa magulang hinahayaan na nya rin ito.
Hindi ko sinasabing pabayaan ng mga Magulang ang kanyang mga anak. Gusto ko lang maisip ng ibang Magulang na sila mismo ang nagtuturo sa kanilang mga anak kung paano maging TAMAD!

No comments:

Post a Comment