Wednesday, 29 June 2011

Kailangan ba talaga kita?

Ang subject na Rizal, Science, Araling Panlipunan at kung anu-ano pang subject na kailangan mong maipasa para makatapos ng elementary, high-school at college.

Ang tanong ko lang, kailangan ba talaga ang mga ito sa kursong iyong kinuha? halimbawa ikaw ay isang nars sa ospital, tatanungin ba ng iyong paseyente kung kilala mo si rizal o kung alam mo ang buong pagkatao ni rizal?

Kung ikaw ay isang I.T. sa isang company kapag ba na-virusan ang pc mo gumagamit kaba ng biology anti-virus ? o tatanungin kba ng computer mo kung alam mo ang ibig sabihin ng H2O?

Napakaraming subject sa skwelahan ang hindi naman kailangan sa iyong kurso, pampalaki lang ito sa tuition na binabayaran mo. OO hindi ako naka graduate ng 2 year course dahil kay rizal masyado na akong naiirita sa kanya. Natapos ko na ang el fili at noli noong ako’y nasa high school pero kailangan parin daw kaming mag tagpo sa College. 1st day of school Tinanong ko ang teacher ko noon sa Rizal noong nasa college pa ako, “Ma’am bakit kailangan pa ng subject na rizal gayong natapos ko na ito nung high-school ako” , simple lang sagot sakin “Kung ayaw mo ng subject na rizal, dalawa ang pintuan makakalabas kana”. Ganoon nga ang ginawa ko dahil sa mga WALANG KWENTANG SUBJECT at alam ko namang hindi ito makakatulong sa kurso kong Computer Science, nilayasan ko siya.

After 2 years yung mga ka batch ko naka graduate na at karamihan nag ta-trabaho sa SM bilang sales-lady or waiter. Nasan na ngayon yung mga subject na ipinasa nila? nakatulong ba ito sa kanila? tinulungan ba sila ng PE 1,2,3,4 para magkaroon ng trabaho?

Isa akong OFW ngayon at nagtatrabaho sa isang Factory sa labas ng bansa bilang IT, peke rin ang mga diploma ko. Maraming salamat sa aking experience at aking kumpare na si Patrick at natuto ako sa computer ng hindi tinapos ang subject na Rizal. Hindi ako nagsunog ng kilay at konti lang din ang natutunan ko sa skwelahan noon tungkol sa computer ni hindi nga kami tinuruan kung paano ang mag format ng pc.

Ngayon tanging Manual at self-study ang ginagawa ko para matutunan ang program na binili ng company namin sa kung sinong hindi ko kilala. Pero kung marunong ka naman umintindi at meron ka namang konting kaalaman sa computer madali mo itong matututunan.

Dapat na sigurong alisin ang mga subject na hindi naman talaga kailangan sa iyong kurso, dagdag assignment, project, exam, recitation at tuition lang ito para sa isang mag-aaral. Hindi ko alam kung sinong tanga ang naglagay ng mga subject na ito.

No comments:

Post a Comment