Halos labing limang taon sa iskwelahan, labing limang taong pakikisama sa ibat-ibang uri ng tao, labing limang taong pag-gising sa umaga at pag uwi ng hapon sa wakas naka-graduate kana rin. Pagkatapos ng pakikidigma kailangan mo ng gamitin ang natutunan mo sa iskwelahan.
Halos lahat ng kumpanya ngayon sa Pinas naghahanap na ng "working experince" mangilan-ngilan na lang ata ang hindi. Pero paano ka nga ba magkakaroon ng working experience kung hindi ka nila tatanggapin? Napaka-raming trabaho "daw" sabi ng Gobyerno, halos lingguhan din kung magkaroon ng job fair pero milyon parin ang unemployed sa bansa at daang libo parin ang nakatapos sa kolehiyo pero walang trabaho.
At madalas nagkakatalo sa working experience kaya dalawa lang ang bagsak ng nakatapos ng kolehiyo sa atin; fast food chain o call center. Ang normal naman na tao na nakatapos ng H.S. ay janitor, messenger, kasambahay at ang pinaka masaklap construction worker. Eh, papaano naman yung mga taong elementarya ang natapos? kawawa naman sila.
Isipin mo naman kasi ang isang Sales Lady sa Pinas kailangan ay naka tuntong sa kolehiyo o kaya tapos ng high skul at take note dapat with pleasing personality, gayong ang ibebenta mo naman ay produkto hindi ang sarili mo. Kaya rin naman mag-alok ng produkto ng isang taong hindi marunong bumasa at sumulat ah, as long as nagkakaintindihan kayo pwede na yun! bakit kailangan mo pang makatuntong sa kolehiyo? bakit kailangan pang maganda/gwapo ka kung tsinelas lang sa isang mall ang ititinda mo?
Ngayon pati narin ang kasambahay hinihigpitan narin, kailangan "daw" may working experience kana.. Anak ng tipaklong sa loob palang ng bahay itinuturo na sa karaniwang tao ang paglilinis, paglalaba, pamamalantsa, pagluluto hindi pa ba sapat na working experience yun?
Kaya patuloy na dumarami ang tambay sa kanto, patuloy na dumarami ang magnanakaw, snatcher, holdaper, patuloy na dumarami ang mga prostitute, patuloy na dumarami ang pusher, nagpapataya ng jueteng, patuloy na dumarami ang street vendor at namamalimos sa kalsada. Dahil ang mga ganyang trabaho hindi na kailangan ng working experience, hindi na rin dadaan sa katakot takot na interview.
Magtanong ka sa mga kakilala mong nasa ibang bansa, tanungin mo ang standard na kailangan sa isang fastfood chain o kahit sa janitor na lang. Malaki ang pagkakaiba, dito sa bansang aking tinutuluyan tinanong ko ang janitor namin kung nakapagaral sya simple lang sagot saken, "no sir". No read, no write pero janitor sya at maraming salamat sa kanya dahil napapanatili nyang malinis ang aming opisina.
Kalokohan kasi yang working experience na yan e, meron na nga silang interview at meron naman silang "training" na tinatawag, pero kailangan mo parin ng working experience? Bulok na sistemang nangangailangan ng pagbabago...
dito kahit walang experience pls visit http://www.unemployedpinoys.com
ReplyDelete