Napakalaki ng utang na loob natin sa ating mga Magulang. Sila ang nagtaguyod at nagpalaki sa atin. Sila ang nagsikap para mabigyan tayo ng magandang buhay. Sila ang gumagawa ng paraan para tayo ay may makain, matulugan, maibihis at kung anu-ano pang mga pangangailangan natin para sa mundong ito. Sila din ang gumagabay at nagtuturo kung pano tayo maging isang ganap na anak at tao sa bawat isa. Sila din ang nagtuturo kung paano tayo mamumuhay hanggang sa paglaki natin. Napaka laki ng utang loob ko sa aking mga Magulang sapagkat hangga't nabubuhay ako sila ang siyang dahilan kung bakit ako narito sa mundong ito. Kaya karapatan ng magulang na ingatan at gabayan ka sapagkat walang magulang ang gustong ipahamak ang anak.
Isa ako sa pinakamaswerteng tao na binigyan ng mabait at mapagmahal na Magulang, bata palang ako at hindi pa uso ang salitang OFW sa mga Pinoy nag ta-trabaho na sa labas ng bansa ang aking Magulang. Hindi mahirap at hindi rin kami mayaman kumbaga sapat lang. Pero ano ba talaga dapat ang ibigay ng magulang sa kanyang mga anak? ang materyal ba na bagay o ang pagmamahal?
Minsan may naikwento sa akin ng ermat ko, yung isang tita ko ay pinapatigil na si ermat sa pagtatrabaho sa ibang bansa at alagaan na lang daw kami pero ang sagot nya "sige ba! sino bang magulang ang gustong mawalay sa kanyang mga anak? basta ba ibibigay mo lahat ng aming pangagailangan e, walang problema" napatahimik at napaisip ang aking tita.
Hindi nakakain ang pagmamahal, hindi nakakabayad ng buwanang bayarin ang pagmamahal, hindi nakaka bili ng pangangailangan ng isang pamilya ang pagmamahal. Para sa akin ang pagmamahal ay isang lamang pondasyon para sa matatag na Pamilya.
Isa na rin akong Magulang ngayon at nagbabakasakali rin ako dito sa labas ng bansang aking sinilangan dahil hindi makaka-buhay ng isang pamilya ang minimum na sahod sa Pinas. Mahal ko ang aking Pamilya, gusto ko silang bigyan ng magandang buhay mahirap bumuo ng pamilyang puro problema sa kadahilanang kapos sa pera.
Hindi lahat ng Magulang ay nagiging swerte sa anak pero lahat ng Anak maswerte dahil binuhay sila ng kanilang Magulang.

No comments:
Post a Comment