Salamat kay Ninang Joy na tumulong sa akin para magkatrabaho ako. Chinese Company itong napasukan ko ngayon, syempre karamihan ng matataas ang rango dito ay mga insik muka rin kasi akong insik, kaya siguro na-tanggap.
Si Boss isang pamintang buo, bakit? bading kung magsalita, maglakad at laging naka lip-gloss pero ayaw umaming bading sya parang pamintang buo malalaman mo lang na maanghang pag nabuksan mo ang loob.
Si General Manager pangalawa kay Bossing, si Boy Sigaw, ang taong naka-lunok ng megaphone, pinaglilihan ang aming Janitor. Imba itong si GM araw-araw itong nakasigaw lalo na pag kausap ay mga itim, hindi ko alam kung bakit masamang masama ang loob nya sa mundo. Sa tatlong linggo kong pamamalagi dito di pa naman ako nasisigawan pero ok lang naman sakin ang masigawan ng Amo ko, pero pag hindi ito sumigaw ng isang buong araw mag re-resign na agad ako.
Si Mighty Mouse the Electrician yan ang binansag ni GM dyan kay electrician ewan ko kung bakit. Kinausap ako ni Mighty Mouse isang beses habang nasa stock room ako at nag au-audit doon, walang akong naintindihan na salita kundi "NO-DE"(pideon english) na ibig sabihin ay "not there". Masakit sa ulong kausap itong si Mighty Mouse pero naiintindihan ko naman yung gusto nyang iparating pero nabobobo ako, pag naman sinabi kong hindi ko sya maintindihan baka nman magalit sakin.
Master Gu model ng close up laging naka smile kabaliktaran ni GM. Kada may makakasalubong na ponsyo pilato itong si Master Gu laging naka "hi" sabay smile. Masyadong masayahin ito na dinaig pa ang abnormal sa kakangiti, Ang nakakabwisit kay master Gu minsan malayo kana naka-ngiti parin sayo daig pa ang naka mariwana o naka rugby nito lakas ng amats lagi
Master Xiang ito ang tirador ng ulam, ang taong may vetsin lagi sa bibig. Magana laging kumain itong si Master Xiang, masarap syang kasabay, sa sobrang gana nito sa pagkain parang nakasubsob lagi sa muka nya ang kanin hindi na ata humihinga ito pag kumakain e wala rin syang paki-alam kahit sabihin ng kapwa insik na may kanin ka sa noo sige parin ang ngasab nito.
Si Yu ang kasama ko sa Computer-Room. TAMAD naman itong taong to, nakaka bwisit kasama, habang ikaw ay busyng-busy sa pag gagawa ng kung ano-ano sya naman ay nag ba-Baiju (Google ng Chinese) walang alam itong hinayupak na ito pag dating sa computer, kya nag tataka ako paanong nahire itong lintek na ito, kaya madalas kapag may tanong ng kung ano sa computer aabalahin pa ako ng gago
Meron pang mga 10 chinese akong kasama dito mahigit 15 katao rin kami sa isang malaking lamesa at ako lang ang nagiisang Pinoy, kaya pag kumakain na kami hindi ko alam kung minumura na ako ng mga insik na to o ano e.
Mahirap makisama sa ibang lahi, lalo na kung hirap kayong magkaintindihan gawa ng "language barier" pero mahirap man gagawin ko at kakayanin wala nman kasing bagay na madali. Masarap ang may trabaho kahit papaano kasi may pinagkakaabalahan ako syempre kumikita pa ako.
haha ang aga naman napatawa ako nito... ayos... good luck jan at yngat sila sayo ay ikaw pala sa kanila hehe
ReplyDelete