Suyang-suya na ako sa panglalait, pang-aasar, pag-huhusga at hindi magandang imahe ng Filipino at Pilipinas. Wala na akong nabasa, narinig o nakitang magandang balita tungkol sa Filipino at Pilipinas (Para sa akin kasi hindi magandang balita ang pagsoli ng taxi driver na Pinoy sa gamit o perang naiwan sa kanyang taxi at umay na umay na ako sa sumisikat na Half-Pinoy, Half-ewan sa labas ng bansa)
Noong bata ako sikat lang sa mga Porener ay ang ating Hagdang-Hagdang-Palayan hindi ko alam kung sino ang gumawa noon dahil wala akong panahon sa history. Ngayon sandamakmak na ang magagandang tanawin at pasyalan sa Pilipinas. Pero ano nga ba ang magandang naidulot sa Pilipinas ng 7th wonder of the world? parang wala naman, hindi ko rin ramdam ang pag-unlad ng Pilipinas dahil marami paring sira-sirang kalye, marami paring nakatambak na basura sa kalsada, marami paring krimen na nagaganap sa bansa at lalong dumadami pa ito.
Sa totoo lang masarap maging Pilipino kasi ito ang nakalakihan kong ugali. OO galit ako sa Gobyerno at Pulitiko sa bansa. Pero alam ko na kahit anong blog, tweet, tumbler, tag, tv news, radio news at kahit murahin mo sila ng harap-harapan wala na tayong magagawa, Ganoon na sila at tanggapin na lang natin ang katotohanang WALANG PAG-ASANG umangat at Pilipinas at bumaba kahit 20 php = 1$. Sa atin ito magsisimula, tayo ang bubuhay sa sarili nating mga pamilya, tayo mismo ang sasagip ng bansa ng hindi nangangailangan ng tulong. Kung marunong lang sana mag-kaisa ang bawat Pilipino, kahit sa simpleng pag tapon ng balat ng kendi sa basurahan o ang pag hiwalay ng nabubulok at di-nabubulok kahit sa kalinisan na lang IPAGMANALAKI MO MULI ANG PILIPINAS.
Proud parin naman ako sa pagiging Pinoy at hindi ko itatangging Pinoy ako sa ibang lahi sa kabila ng mga maling nagawa ng Pinoy, WALANG KASALANAN ANG PILIPINAS kaya PWEDE BA! wag nyo idamay ang Pilipinas sa inyong dahil maganda ang bansang Pilipinas, pumapangit lang ito dahil sa mga taong nakatira dito. Napaka-raming magagandang tanawin sa Pilipinas sa katunayan nga yan marami-rami parin ang mga porener na gustong bumisita sa Pilipinas, hindi ko lang alam kung ilan nga lang sila.
Pinoy ako, kayumanggi, pango, katamtaman lang ang laki at mahilig sa adobo. Maraming magagandang pag uugali tulad ng pag-galang sa nakatatatanda sa akin, mapagbigay sa pakikitungo maging sa ibang nasyon at napakarami pa, kung babanggitin ko lahat baka antukin kapa.
Kaya ikaw, mambabasa ka man o manunulat sa kahit anong paraan, wag mo na sirain ang bansang Pilipininas at kapwa mo Pilipino dahil bandang huli kahit sabihin mong nakatira ka sa ibang bansa o half-ewan ka may dugong Pinoy parin sayo. Itigil mo na ang pagsusulat o pagkwekwento ng masamang imahe ng Pilipino dahil isa karing Pilipino, alam ko kakarampot na lang ang magagandang balita tungkol sa Pilipino pero subukan mo ring ipagmalaki na Pinoy ka at lumaki ka sa Pilipinas kahit sa kakarampot na paraan.

No comments:
Post a Comment