Kaya daw maraming mahirap, naghirap, naghihirap at maghihirap palang dahil daw sa GOBYERNO. Pero hindi ba TAO mismo ang may pag-kukulang, TAO rin ang dahilan kung bakit sya mahirap, naghirap, naghihirap at maghihirap palang. Marami dyan talagang galing sa hirap at walang pera pero nagsumikap umahon sa buhay.
Bakit kailangan mong isisi sa Gobyerno ang iyong mababang sahod? gayong kumpanya ang mismong nagpapasahod sayo at hindi ang Gobyerno. Bakit kailangan isisi sa Gobyerno ang pag-taas ng presyo ng gasolina o nag iba't-ibang bilihin? Sisihin mo ang namamahal sa World Market at yung iba't-ibang unos na nagiging dahilan kung bakit nagmamahal ang gulay at isda. OO alam kong kurakot ang Gobyerno, pero kayang kaya mong umangat sa buhay ng hindi nangangailangan ng kahit sinong magnanakaw sa Gobyerno dahil IKAW mismo ang maghahanap ng trabaho at hindi sila, makikinabang lang sila sa buwis mong binabayaran.
Lagi mo rin sinasabi na kung nakapag-aral ka lang sana titulado kana sana at kumikita ng malaking pera, pero diba marami namang naka-tapos at yumaman dahil sa pagbabasura, pagtitinda ng pisbol, pagbebenta ng tingi-tinging sigarilyo sa kalsada at dahil sa kanilang sipag at tiyaga kaya wag mong sisihin na mahirap lang kayo kaya naging tambay, adik, pusher, prosti ka ngayon.
Lagi mo ring sinasabi na kaya ganyan ang nangyari sayo dahil Kapalaran mo yan, wag kang tanga ikaw ang pumili ng kapalaran mo hindi nangyari yan dahil nagkataon lang.
Walang mangyayari sa buhay mo sa kakasisi mo sa iba. Ang mga ginagawa mo ang siyang nagiging bunga ng mga nangyayari sayo.
No comments:
Post a Comment