Thursday, 29 December 2011

Si Dream Girl, part 3 - Texting and Dating?

                Hindi ko alam kung “date” na matatawag ang mga susunod na mangyayari. Basahin mo na lang at ikaw na ang humusga kung “date” nga ang nangyari sa amin o baka pang-palipas oras lang ako nitong babaeng ito. Mahaba-haba ang susunod na kwento kaya kung nagsasaing ka tapusin mo muna baka maging tutong ang kanin nyo.

                Ayos, kilala na ng papa mo si Dream Girl kaso ang problema isang “Hi” at walang kakwenta-kwentang “Hello” lang ang nangyari. Para bang nagkabanggan lang kami habang may hawak syang libro nya sa balcony sabay nalaglag lahat ang hawak niyang libro, syempre dahil gentleman ang papa mo tinulungan kong pulutin ang mga libro nya nung dadampot na ako nagkatinginan kami at biglang simnambit ang mga katagang “Hi, Hello”. Ganun ka simple, ganun kadali. Pero okey na rin yun kahit papaano alam ko na ang pangalan nya. Ang problema ay hindi ko pa nakukuha ang number nya, papaano ko syang yayayain kumain ng kwek-kwek at uminom ng sago sa labas ng campus?(wala pang budget kaya doon muna).

                Ilang araw ulit ang lumipas sa sobrang kagustuhan kong kuhanin ang number nya kinulit ko ng kinulit si Glenn kaso matigas si mokong gusto nya talaga akong rumekta kay Dream Girl. Dahil ayaw nya talaga umisip ako ng ibang paraan para makuha ang number ni Dream Girl ng patago. Hiniram ko cp nya at kunwaring manonood lang ng scandal  pero binanatan agad ako ng

“Kahit anong kalkal mo dyan hindi mo makikita number ni Emily. Iba ang inistor kong name nya dyan” sabay ngiting aso na may kasamang taas ng kaliwang kilay.
“Gago magpapasa lang ako ng scandal alam ko kasing malibog ka at marami kang bago. Tungkol naman sa number ni Emily, wag kang mag-alala ako kukuha nun!”
“IKAW?! Kukunin mo? Tantanan moko ah, nung magpapakilala nga kung san san ka ang tatago eh number pa kaya?”sagot nya sakin sabay tawa .
Alam kong hindi ko makukuha kay Glenn ang number ni Dream Girl, kaya kailangan talagang kumayod magisa. Maya-maya pa’y niyaya ko na lang mag yosi si Glenn sa labas.
“Pre yosi tayo sa labas” yaya ko sa kanya.
“Tara” sagot nya.

Habang busy kami sa paninigarilyong dalawa, bigla nyang sinabi sa akin na.

“Mamayang uwian tetxt ko si Emily at na makipagkita satin para makuha mo ang number nya. Torpe”
“Yunnnnnnnnnn, Yosi lang pala katapat mo eh. Hahaha salamat pare asahan ko yan ah”

Mejo maagang umalis ang Prof. namin sa last subject, may date ata si mokong kaya nagmamadaling umuwi. Dahil mejo napaaga ang labas namin nag-antay kami ng konti ni Glenn tinext nyan na rin si Dream Girl noon na at sinabing nag-aantay kami sa labas kaya nagkwentuhan muna kami ni Glenn.
Maya-maya pa’y dumarating na si Dream Girl tinanong agad ni Glenn kung pwede daw bang ibigay sakin yung number nya. Si Dream Girl naman parang nagmamadali rin noong araw na ‘yun, isipin mo sinabi lang saken yung number nya at bigla na lang umalis (Hindi kaya may crush din sya saken? Halos hindi rin sya mapakali kapag nakikita ako e at parang ilang na ilang din sya. Pogi talaga ng papa mo). Pero ayos parin baka pagdating dito sa text hindi na ako torpe. Baka dito na umamin sakin si Dream Girl na gustong gusto nya rin ako kaya kinagabihan ding iyon nag-text na ako at nagpakilala sa kanya.

Kahit papaano’y alam kong hindi ako torpe at napatunayan kong malakas ang loob ko sa text parang wala atang umaga na hindi ako nag “good morning” sa kanya, walang tanghali na hindi ako nagtanong kung “kumain kanba?” at walang gabi na hindi ako nag “sweetdreams” sa kanyam sa madaling salita, maganda ang relasyon namin sa “text” dahil kahit papaano naman ay nagrereply sya sa mga text ko.

Meron akong hindi makalimutang sitwasyon noon. Uwian na noon mga 5pm, halos magkasabay kaming lumabas ng Gate ni Dream Girl (napapangiti nga ako nung mga oras na iyon gusto ko sanang kalabitin eh baka mamaya biglang magulat at masampal pa ako). Huminto sya sa tindahan syempre nagpacute ang papa mo hinto rin ako sa tindahan. Sigarilyo muna. Hindi ko alam kung nagpapa-xerox ba sya noong mga oras na iyon o may binibili lang, nagulat na lang ako nung nagkatinginan kami.

Sa totoo lang wala naman kakaiba sa tinginang iyon ang di ko lang malaman bakit hindi nya ako binati o nginitian man lang (anak ng tokwa) hindi ko rin sya binati baka isnabin pa ako at sabihan pa akong “feeling close” mahirap ng mapahiya. Pagtapos nyang magabot ng bayad sa kung anong ginawa nya sa tindahan ay pumara na ng jeep. Sasabayan ko sana sya sa jeep kaso hindi ko na ginawa kaya tinext ko na lang sya.

“Good pm, san ka punta?”
“Hi, good pm din. Pupunta ako ng SM Valenzuela may bibilin lang sa National Bookstore”
“Ahh. Nakita kasi kita ngayon ngayon lang kakasakay mo lang ng jeep, sasabayan nga sana kita e”
“Sabay lang pala eh, bakit hindi ka sumabay?”
“Anak ng tokwa, paano akong sasabay sayo, nakatayo ako dito sa tindihan ni hindi mo man lang ako pinansin.”
“Sang tindahan ba?”
“Ako yung nasa labas, yung naninigarilyo, nagkatinginan pa nga tayo eh”
“Huh?! Ikaw ba yun? Ay sorry, hindi kita namukaan e.Hehehe”

Sa totoo lang hindi ko malimutan yang eksena na yan. Grabehan kasi ang pagka-torpe ko sa kanya. Nakakahiya mang sabihin o aminin pero totoo. :)

Ilang araw rin kaming mag textmate ni Dream Girl. Nagkakapansinan na rin kami sa School, tanguan at batian. Sa wakas magkakilala na talaga kami at sa wakas kilala nya rin ako. Pero meron isang araw, biglang dumating si “Rustan” isa nya daw manliligaw hindi ko alam kung anong okasyon sa skwelahan noon pero nakapasok sya dun (hindi naman kasi dun nagaaral si Rustan) wala rin naman akong karapatang mag selos kasi nga “friends” lang kami. Sinabi nya rin saken na nanliligaw sa kanya si Rustan (hindi naman kasi ako nanliligaw sa kanya). Hindi ko malaman kung dahil ba sa shampoo na commercial kaya kami nagtawagan “Pare” yan ang unang tawagan namin ni Dream Girl (tawagan ng “friends”) syempre matagal tagal na rin kaming magkaibigan kaya tinanong ko sya kung pwede ba kaming manood ng sine, pumayag naman sya.

July 5, 2006 pupunta ako ng School para sunduin si Dream Girl, hindi ako pumasok noong araw na iyon nalimutan ko na kung bakit. Mga 11am tinext ko si Dream Girl sabi ko alis na kami wag na syang pumasok at dun narin sa bahay mananghalian (hahaha kinikilig pa ako habang inaantay ang reply nya) pumayag ulit sya. Mga tanghali sinundo ko sya sa School para sabay kaming kumain ng tanghalian hiniram ko ang motor ng tito ko para sunduin sya(yung pampasadang tricycle pero wala pang sidecar kasi bago pa ito “BARAKO” yung pangalan ng motor) bago palang ako sa pagmamaneho ng motor noon, wala pa nga akong lisensya e kaya mejo kabado ako noong mga oras na iyon, salamat sa diyos at nakauwi kami ng kumpleto ang bahagi ng katawan.

Kaso pagdating namin dun sa bahay nahiya si Dream Girl at ayaw kumain. Kaya nag-ready na lang ako, sinuot ang pangmalakasang damit at malupit na sapatos sabay pumunta na ng SM North

Pag dating sa SM North derecho kami sa bilihan ng ticket.

“Good Morning Sir.”
“Dalawang Superman nga po” sabay tanong kung magkano.
“Sa taas po ba o baba?”
“Sa taas po, Anong oras po ba ang susunod na start?”

Nalimutan ko na kung magkano yung presyo noong ticket na yun, punyeta ang tagal na kaya nun pati ang oras ng susunod na umpisa ng palabas. Dahil nasa kalagitnaan palang yung palabas. Tinanong ko sya kung san nya gusto kumain syempre ang tipikal na sagot ng babae lalo na sa tanong na yun  “Ikaw na bahala”. Isip... isip.. isip.. ang papa mo habang naglalakad sa iba’t ibang fastfood tinatanong ko sya kung gusto nya ba doon na lang kumain habang tinuturo ang iba’t ibang klaseng fastfood “Ikaw bahala” sagot parin nya. Punyeta baka mamaya dalhin ko to sa paborito kong chow-king tapos hindi nya pala gusto kaya wag na lang doon. Hindi naman sa no-choice kaso sa mga ganitong pagkakataon wala kang ibang maasahan kundi ang walang kamatayang pang masang fastfood ng mga Pinoy si “Pareng Jollybee” at syempre ang hindi matatawarang “Chicken joy”

Unang alis, unang date, unang nood ng sine, unang beses nyong kakain sa labas kaya kailangan “galante” dapat ang papa mo. Nakahanap na ng upuan wala ng problema kaya tinanong ko sya kung ano ang gusto nyang kainin, sagot sya uli ng  “ikaw na bahala”

Pagbalik ko may dala na akong Jollybee chickenjoy at syempre dahil bigtime nga ako 2pis with matching extra rice. Alam kong hindi kami pareho ng kaha ni Dream Girl kaya mejo nabigla ata sya sa inorder ko, pangit naman kung naka 2pis + extra rice ako tapos sya naka 1 pis lang sya at walang extra rice magmumuka naman akong matakaw nun.

Noong kumakain na kami para kaming hindi magkakilala para bang naki seat-in lang sya sa table ko o vice versa, merong konting kwentuhan at tanungan pero halos walang saysay ang nangyayaring nung kumakain kami. Pagtapos naming kumain sakto maguumpisa na ang matinding “Superman”  syempre kailangan merong mangangata sa loob habang nanonood ng matinding “Superman”. As usual, tanong ulit ako sa kanya

“Anong gusto mong chichiria?”
“Kakakain lang natin e, kain na naman” sagot nya saken at napapangiti pa
“Hindi para may nginangata lang tayo sa loob” sagot ko
“Wag na, busog pa ako e.”
“Popcorn na lang saka softdrinks” suggest ko.
“Wag na nga” sagot nya.

Pero nagpumilit parin akong bumili ang sabi ko sa kanya para sakin na lang. Pagdating sa counter umorder agad ako ng popcorn, ang isa sa nakakatawa noong araw na yun dinagdagan nya ng asin yung popcorn na binili ko (ayaw mo pala huh) Sabay pasok na sa loob.

Halos parehas din ang nangyari nung kumakain kami. Hindi kami masyadong nag uusap o nagkwentuhan sa madaling salita nagkahiyaan talaga kami madalas kasi sa text lang kami naguusap kaya ilang pa kami sa isa’t isa tapos biglang aalis at manonood ng sine.

Naulit pa yung paglabas naming iyon. Pero ngayon iba na hindi na kami masyadong naiilang sa isa’t-isa. Naguusap na kami at mejo may kaunting tawanan at ang pinakamaganda habang nanonood kami ng sine nagsusubuan na kami ng popcorn. :)

Hindi ko alam kung Date na matatawag ang pag-alis naming iyon hindi naman kasi ako nanliligaw at talagang hindi ako marunong manligaw at hinding hindi ako kailanman nanligaw nang kahit na sinong babae. Rason ko? Simple lang. Kapag nanliligaw ang isang lalake, papakita nya sayo lahat ng magagandang paguugali nya halos lahat ng ayaw mo hindi nya ginagawa at yung mga gusto mo lagi ang nasusunod sobrang sweet rin nya sayo at hinding hindi ka aawayin kahit anong mangyari pero kapag naging kayo na tapos na ang maliligayang araw mo. Basahin mo na lang itong ligaw-ligaw-din para maintindihan mo ng lubusan :)

Next year ko na itutuloy ung part 4. “Dream girl? Not anymore, Dream come true.”


College picture ko :) GANGSTER! hahahaha :)




Friday, 23 December 2011

Si Dream girl, part 2 – Hi, Hello.

                 Alam kong inip na inip na kayong ilabas ko ang part 2. Matagal tagal ko rin pinag-isipan kung kelan ko ilalabas ang part 2 dahil sobrang busy ako sa trabaho. Ok matapos ang 86400 na segundo ng buhay ko ito na ang part-2.

                Ok balik na sa kwento. Sobrang exited talaga ang papa mo habang papalabas classroom daig pa ang sasalubong sa tatay na 10 taon ng hindi umuuwi galing saudi, exited pero may halong kaba.
Pag labas ng papa mo, hindi nakita si Dream girl.

“Pare, tagal mo naman eh babalik na lang daw sya may bibilin lang daw” sabi ni Glenn sa akin.
“ Tangna kita mong nagpapogi pa ako e, antayin na lang natin mas exited kapa sakin ah?” sagot ko habang pumupunas ng muka dahil feeling ko nasobrahan ata sa pulbo ang muka ko.

                Minuto ang lumipas hindi parin bumabalik si Dream girl mukang sa tuguegarao pa ata namili. Habang nag kwe-kwentuhan kami sa labas, napansin ng isang ka-klase ko si Dream girl.

“Pare, ayun yung crush ni ejay oh” habang nakaturo kay dream girl.
“Ready kana? Tatawagin ko na ulit? Papakilala na ba kita?” tanong saken ni Glenn.
“ I was born READY!” sagot ko na may halong pagyayabang.

                Dumating na ang oras na pinakahihintay ko, ang makilala ang dream girl ko. Kaso noong oras na bumaba at tinawag ni Glenn si dream girl dali-dali agad akong pumasok (tunay ito hahaha) kinabahan talaga ng husto ang papa mo. Maya maya pa’y napansin ko si dream girl sa labas, pinapakilala ni Glenn sa buong tropa, Punyeta! Lalo akong kinabahan nung nakita ko sya. Senyas ng senyas sa akin si Glenn noong oras na yon, pero dedma ako kunwaring may ginagawa para bang kabayong may takip yung dalawang gilid ng mata. Ilang minutong kamayan at pakilala, pumasok na ang mga mokong. Unang bumanat saken si R.A.

“Puta! Puro yabang, natorpe ampota” sabay tawa ng malakas
“Gago  may naalala lang akong gagawin, nasan naba? Bakit hindi nyo man lang ako tinawag?”  at kunwaring hinahanap-hanap si dream girl.
“WOW ah! Ikaw tong pumasok pasok dyan e, ano gusto mo? Papasukin ko pa dito para pakilala sayo?” sagot ni Glenn sakin na may halong pang-aasar

Syempre kapag kayabangan hindi papatalo ang papa mo, lumabas ako noon at hinahanap ko si dream girl.

“Nasan na ba? Relax ka lang, pag nakita ko yun ako ang magpapakilalang mag-isa” habang hinahanap si dream girl mula sa labas ng room.
“Nandun lang sa baba yun, teka tawagin ko” sabay baba ni Glenn sa hagdan.

Yabang-yabangan at lakas-lakasan lang ako noong mga oras na iyon, syempre ayaw ko mapahiya. Narinig ko na lang na may tumatawag ng pangalan ko mula sa baba.

“Ejjjjjjjayyyyyyyyyyyyyyyyyy!” sigaw ni Glenn mula sa baba.
“Ow?”  sagot kong kunwari’y nagtataka.

 Alam ko na kung bakit ako tinatawag ni Glenn noong oras na yun pero patay malisya lang ako.

“Baba kana dito, Nandito si Emily.” Sabay sumesensyas ng “halika dito”
“Teka, sabihin mo nagpapa-gwapo pa” sagot ko habang papalapit na pababa ng hagdan.

Napakaganda ng unang eksena ng unang kita namin. Pakiramdam ko habang papalapit ako kay Dream girl unti-unting nagiging slow-mo ang mundo ko, Yung parang napapanood mo sa kung anong love-story-movie na tumatakbo ang dalawang magkasintahan sa tabing dagat at akmang magyayakap mula sa malayo. Pero noong mga oras na yon parang ang na weirduhan ata sakin si dream girl, napapangiting aso kasi ang papa mo dahil sa muka at senyas ni Glenn habang nasa likod ni Dream girl at nangaasar.

Ten tenen ten ten tenenenen! Sa wakas. Nagkasalubong na ang aming landas ni dream girl.

“Emily si Ejay, Ejay si Emily” pakilala ni Glenn
“Hi, Hello” sagot naming dalawa sa isa’t isa habang naka-shakehands, hindi ko na matandaan kung sino ang nag “hi” at sino ang nag “hello”.

Yun lang, tapos na agad ang papakilala, maya-maya pa’y umalis na rin agad si dream girl kasi may pupuntahan pa daw sya.

ANO?! Isang Hi at Hello lang? tapos na yun? Nagpaligo ako ng bench kong pabango na halagang isang daan para lang humalimuyak at maakit ka sa akin tapos ganun na lang? Nag pulbo pa ako noong mga oras na yun at hindi ko alam kung titigyawatin ako sa pulbo na yun dahil hindi naman talaga ako nagpupulbo, tapos iiwan nya na lang ako ng ganun na lang? Muntik na akong himatayin sa mga nangyayari tapos Hi at Hello lang? Punyeta! Ni hindi ko man lang nakuha ang kanyang number para sa ganun naman ay maging textmate ko sya. Bwisit naman oh.

Nagdaan ang ilang mga araw.

Habang nagkwekwentuhan ang barkada noong break time namin biglang napagusapan si dream girl. Anak ng mga kunehong mga malilibog oh, hindi lang pala ako ang may gusto kay dream girl tatlo kaming may gusto sa kanya.




Si R.A. isang Basketball Varsity- matangkad, maputi, mejo may laman at talagang magaling maglaro ng basketball. At dumi-deny na wala daw syang gusto kay dream girl.













 Si Ron isang taong tahimik, kalapit-bahay ni dream girl, gitarista ng tropa, maganda ang boses.(di ako makahanap ng picture ni Ron.. wala atang FB si gago)




Si Rustan Isang taga-labas na tao, hindi ko alam kung anong katangian ng taong ito pero nameet ko na sya dati. Video-oke lover, dancer, maputi, mejo chubby at maporma.






Dahil napagkwekwentuhan na si dream girl, binanatan ako ni R.A.
“Pre pag naging syota ko si Emily walang samaan ng loob ah, tropa tropa parin tayo ah.” Sabi nya sa akin habang naka-akbay sa aking balikat.
“Seryoso kaba sa hinahamon mo pre, kung kamachuhan lang at sex appeal ang usapan, tapos na ang boxing!.” Sagot ko na talaga namang may halong yabang.









Ito si Glenn... salamat kay Glenn :)






Ok sa susunod na ulit ang Part 3. Next part Txtmate and Dating with my Dream girl

Ang pinaka-mahabang Alamat sa balat ng lupa.

This is ART!



Wag mong tawanan yan, ganyan ka rin mag drawing noon sa papel o nung una mong hawak ng personal computer.

Nasa taas ang araw at may sinag na akala mo kamay ng gagamba
May ibon na kulay black na hugis M
May bundok na kulay brown 
May bahay at pintuan ( minsan pag sinipag ka, nag do-drawing kapa ng stick human)
Ang walang kamatayang puno at damo

Thursday, 22 December 2011

Si Dream Girl :)

               





         First year College ako noong una kong makita ang  “dream girl ko”. Hindi naman dahil sa hindi pa ako nagkaka-gf, dahil imposible kong maging GF o magustuhan niya ako. Maganda, maputi, sexy at talaga namang malakas ang appeal (na love at first sight nga ako e).
  Dahil ahead saken ng 1 taon ang aking dream girl minsanan lang kami kung magkita. Classmate ko siya sa isang subject na tumatagal lang na 40 minuto at yung 39 na minuto ko ay nauubos kakatingin ko sa kanya, inlababo na talaga ang papa mo. Pero ang pinagtataka ko lang, bakit ba sa tuwing may groupings nangyayari (yung may gagawin kayong project at kukuha kayo ng ka-grupo nyo o minsan random, si teacher ang pipili) napakailap talaga saken ng tadhana hindi man lang kami pagsamahin sa isang grupo, kahit isang beses lang, malas talaga! . Paano ko kaya makikilala itong si dream girl e, yung 40 minuto na yan ay sobrang ikli at walang kapag-a-pag-asang makausap sya dahil busy masyado sa pag-aaral at malamang sa malamang hindi ko rin sya makaka-kausap kahit gustong gusto ko na. Meron kasing malaking problema, palakaibigan ako at madali kong ma-approach ang sinumang babae saan man ako mag punta, hindi dahil sa gwapo ako, dahil ito sa aking sense of humor at pakikisama. Pero bakit ba kapag gustong gusto ko na sya kausapin at lapitan para tanungin ang kanyang number eh lagi akong  inuunahan ng kaba at hiya na baka isnabin ako at hindi pansinin. Oo, sa madaling salita natotorpe ang papa mo sa kanya. Kaya wala ng ginawa ang papa mo, kundi ang sumulyap at tumanaw-tanaw na lang.

                Isang araw, pagtapos ng subject namin sinundan ko palabas si dream girl, kunwari'y tatambay lang ako sa balcony ng skwelahan(manyakis nga!). Habang naglalakad sa corridor si dream girl nagulat na lang ako noong binati sya ng isa naming kaklase sabay ankla ni dream girl sa kanya. Patay! may boyfriend na pala si dream girl hanggang dream na nga lang talaga siguro ako. Habang titignan ko sila parang may iba akong naramdaman, yung parang nalugi ka sa negosyo tapos namatayan ng alagang aso tapos tatlong araw ka ng hindi kumakain pag dating mo wala pa palang ulam sa bahay at gutom na gutom kana yung tipong para kang binagsakan ng langit, lupa, impyeron-im-im-impyerno saksak puso tulo ang dugo (wag mong kantahin huh) na parang gusto mo ng tapusin ang iyong buhay dahil wala ng dahilan at katuturan para mabuhay kapa (joke lang, hindi naman ako emo eh.) pero syempre nakakalungkot parin yung nangyari na parang sinampal nya ako saba’y sabing “wala kang pag-ASA may bf na ako”.

                Kinabukasan, bigo sa pag-ibig ang papa mo malungkot, yamot, walang-gana mag-aral, mag-dota pero ganado parin kumain. Lumipas ang ilang mga araw, kinalimutan ko na si dream girl at ibinaling na lang sa paglalaro ng DOTA ang aking puso at isipan. Isang araw habang nagigitara ang isa kong barkada at ako ang papa mo ang matinding vocalist ng banda na mala Francis M. na boses at kumakanta ng pangmalakasang "kalaedascope world". Syempre bago palang ang klase hindi pa magkakakilala ang lahat, para bang nagkakapaan pa sa madilim na kwarto. Pero nagulat na lang ako nang biglang lumapit ang bf ng dream girl ko. Nagandahan ata sa boses ko at naki-jamming sa aming kantahan. Syempre dahil concern parin ako kay dream girl, binanatan ko sya ng tanong.

“Pre, ilang taon na kayo ng gf mo?”
 “Wala akong gf tae” sagot nya.
“huh?! Anong wala? Hindi mo ba gf yung isang ka-klase natin sa isang subject?”  tanong ko habang may ngiting dimonyo sa aking mga labi.
“Si Emily? Hindi, barkada ko lang yun” sagot nya sabay  kamot sa ulo.

                Magandang balita, ayos na ayos, naging musika sa pandinig ko ang sagot nyang 'yon balik na ulit sa kantahan, ganado na ulit kumanta ang papa mo at parang mandudurog na naman mamaya pag naglaro ng DOTA.

                Kinabukasan tropa na kami ni Glenn "ang taong dahilan kung bakit madaragdagan ng isang user/pusher ng shabu sa valenzuela, ang taong magiging dahilan ng aking pagkalugmok sa alak, ang taong magiging dahilan kung bakit ako naging suwail na anak at tinuring na blacksheep ng pamilya, ang taong magiging dahilan sa pagkitil ko ng sarili kong buhay. Sya yung ka-ankla ng dream ko nung araw na iyon at sya yong barkada ni Emily my dream girl. Syempre dahil tropa na kami ni Glenn at interesado talaga ako kay dream girl kaya habang nakatambay kami sa corridor kasama ang tropa lumapit si Glenn sa amin (kasi nga tropa na kami). Pero yung intensyon kong makausap si dream girl ay biglang nagkaroon ng kulay. Mga ilang minutong pag-tambay sa labas, kinausap ko si Glenn.

 “Pare, meron kabang number ni Emily? Baka pede kong  syang maging txtmate.” Habang naka-akmang pipindot sa cellphone.
 “Ikaw na lang kumuha sa kanya, baka kasi magalit sakin e, wag kang mag-alala papakilala kita mamaya sa kanya mamaya.” sagot nya.

                Nung mga oras na yon nanginginig na ako sa kaba, isipin mo marinig ko lang yung pangalan nya kinakabahan at natatameme na ako, yun pa kayang ipakilala ako? Juice kopo, wag naman sana akong himatayin.

                Tapos na ang isang subject namin at inaasahan kong tutupad sa pangako si Glenn, syempre sinundan agad ni Glenn palabas si dream girl para tawagin at ipakilala ako, maya-maya pa ay sumenyas na si Glenn sa  akin at pinapalabas na ako. Kinakabahan ang papa mo, kumbaga sa lotto nakuha mo na ang limang numero at isang number na lang inaantay mo at jackpot kana agad.

Itutuloy ko ang Part 2. Relax ka lang :)

Wednesday, 21 December 2011

Kailangan bang laging may kapalit?

Bakit ba parang lahat ng iyong ginagawa ay humahanap ka ng kapalit?

Halimbawa:
1.     1. Kapag inutusan ka ng Magulang mo na mamalengke o bumili lang ng suka sa tindahan hihinge ka ng piso, kapag hindi ka binigyan ni Inay malamang sa malamang mas maasim pa yung muka mo kesa sa bibilin mong suka.
2.     2. Ikaw sana ang maghuhugas ngayong tanghali pero hindi ka pinayagan ng Tatay mong maglakwatsa mamayang hapon kaya hindi kana nag-hugas ng pinggan.
3.      3. Sa stasyon ng mga Pulis hindi ba’t mayroong mga litrato ng mga kriminal doon at may nakalagay na “Pabuya kung sino man ang makakapagturo sa kanila” paano na lang kung walang pabuya doon? Kung magkakabanggan ba kayo sa Mall noon ay hindi mo sya papansinin?
4.       4.Yung mga noontime tv show na “tumutulong daw sa kapwa” pero para makasali ka at manalo, kailangan mo munang magtext o bumili ng produktong ine-endorso nila na nagmimistulang ticket mo para manalo ng libo-libong piso. Paano naman pala yung mga pamilyang walang cellphone? Yung Pamilyang walang extrang pera pambili ng produkto at nagbabakasakali ring manalo tulad ng iba.
5.       5.Yung mga nakakairitang facebook page’s na “magbibigay daw ng 5 piso sa blah blah blah sa bawat like ng kanilang page. Sa madaling salita kung walang “facebook” hindi na sila tutulong. Mga siraulo po kayong mga may ari ng page.

                Kailangan ba talaga lahat kapalit? Alam kong may mangilan-ngilan parin dyan na handang tumulong ng hindi naghahangad ng anumang kapalit o pagpuri mula sa ibang tao. Sa totoo lang, talaga namang mas ganado ka sa lahat ng bagay kung alam mong may kapalit ang lahat ng ginagawa mo pero hindi ba’t mas magaan sa pakiramdam kung makakatulong ka sa isa o libong tao na hindi naghahangad ng anumang kapalit? Bakit kailangan pang maging Senador ang isang kampyon kung ang balak lang ay tumulong sa sambayanan? Bakit kailangan pang ilagay ang muka ng kung sinong ponsyo pilatong Presidente hanggang sa Kapitan ng barangay kapag may ginagawang kalsada at ilalagay na “PROYEKTO ni MANLOLOKO” hindi ba’t pera rin ng taumbayan ‘yon? Bakit kailangang pang umiyak at ipahiya sa ka sa buong mundo sa libong piso? Hindi nya ba pwedeng makuha ito nang hindi sya kinakaawaan o tinatawanan ng mga audience? Bakit kailangan pang i-Like ang page nyo, bago kayo mag bigay ng tulong sa nasalanta ng unos? Alam kong hindi mahirap at ultimo batang marunong magbasa ay pwedeng makatulong sa pamamagitan ng pag like ng page, pero sa palagay nyo ba lahat ng tao may panahong mag-facebook magdamag o makikita ba nila lahat yang advertisement nyo?

                Hindi kailangan ng kapalit sa lahat ng bagay na iyong ginagawa basta masaya ka at alam mong tama ang iyong gagawin, saludo ako sayo. Tandaan mo hindi lahat ng ginagawa mo ay nagbubunga ng magandang kapalit, minsan kahit ikaw na ang tumulong, ikaw pa rin ang lalabas na masama

Friday, 16 December 2011

Bakal na kamao


Hindi ito patungkol sa laban ni Manny Pakyaw dahil nabubunsol na ako sa mga balita tungkol sa karir nya at ng buong pamilya nya. Hindi rin ito patungkol sa Pinoy-Movies na naka-leather jacket ang bida at mayroong nakakairitang leading lady na wala ng gumawa kundi tumili ng tumili hanggang sa matapos ang palabas.

                Kapag kasi sinabi kong “kamay na bakal” alam mo na agad kung tungkol saan ito. OO isa na naman itong “wake-up-call” na matatawag sa lahat ng Pilipinong makakabasa nito. Ito na siguro ang kailangan ng bansang Pilipinas, Ang isang mamumunong may bakal na kamao ngunit di abusado. May bakal na kamao pero sumusunod sa batas. Walang-awa walang-puso  at bukod sa lahat walang patawad kumbaga walang sinu-sino batas ay batas yung parang sa linya ni Erap “Walang kapa-kapatid, Walang kama-kamag-anak, Walang kaibi-kaibigan” dapat din siguro lagi syang nakasubo ng sigarilyo at yung  mala Hari ng tondo ang 
pagkakakilanlan sa kanya para lalong katakutan yung tipong ubo pa lang ni President, nangangatog na lahat.

                Hindi yung Presidente na mahilig magsalita ng “I am Sorry”. Hindi yung Presidente na nanalo dahil sa pagkamatay ng kanyang Ina at ni isang batas wala man lang naipasa. Hindi yung Presidente na mahilig mag Casino habang suma-shot ng blue label.

                Bakal na kamao! Ito ang kailangan natin dahil sa totoo lang palubog na ng palubog ang bansang Pilipinas. Dahil lahat ng Government official ay wala ng ginawa kundi magnakaw, mga Pulis na wala ng ginawa kundi mangotong, mga ahensya ng Gobyernong wala mangurakot. Alam ko, walang bansang perpekto at walang bansang walang nangungurakot. Pero iba ang usapin sa Pinas, Alam na ng taumbayan na ninanakawan sila at binabalita ng Media ang lahat mula sa paglilitis ng kaso habang sa pagpapakamay ng isang General at pag may lumabas na bagong balita, limot na agad ang usapan, ibabaling na sa iba ang balita. Kaya sa mga MEDIA mga *(&%$##( mula sa aking puso. Kayo ho ang isa sa nagpapagulo ng Pilipinas. Walang iba kayo, kayo, KAYO!
               
                Hindi ba’t kayong mga Media ang sumubaybay sa mga  samut-saring scandal na kinasangkutan ni GMA?  Sa Senate hearing ng Pabaon scandal hanggang sa pagkamatay at paglibing sa “libingan ng mga bayani” ng magnanakaw na General? (bilib din ako sa Pinas, kahit anong katarantaduhan ang gawin mo, kahit sukdulan na ang pagnanakaw mo basta may mataas kang naging posisyon sa Gobyerno, Libingan ng mga Bayani ang bagsak mo)

                Ang hirap kasi sa atin lahat na ng naka-upo sa Gobyerno, LAHAT MAGNANAKAW! Kung isusulat ko lahat ng mga lantarang pagnanakaw sa atin baka manawa kana kakabasa at abutin ako ng isang buwan kaka-type dito. Isa lang sana ang tanong ko, Yung “Pork Barrel” na pinagpapartehan nyo, may resibo ba lahat ng ginagastos o pinagkagastusan nyo dyan? Sigurado bang nauubos nyo ang binibigay sa inyong “Pork Barrel” Para wala na ata kayong ginawa kundi lustayin ang kaban ng bayan. Bakit hindi nyo kaya review-hin ang Batas. Yung karamihan ho ng kriminal napapawalang sala o hindi masyadong napaparusahan dahil “wala sa batas” ang nagawa nilang kasalanan tulad na lang ng mga “Sex scandal” na nagkalat sa cellphone hanggang internet. Yun bang batas patungkol sa basura meron na ho ba? Yun bang batas na manghuhuli ng “fixer” sa lahat ng ahensya ng Gobyerno tulad ng lantarang ginagawa ng LTO kung saan kahit bulag nagkakaroon ng lisensya. Yung batas natin parang kasabay ata inukit sa bato ng 10 commandments sa sobrang kalumaan. Pero sa totoo lang naman napapanahon naman ang mga batas na gusto nyo ipatupad mantakin nyo, gusto nyong ipasa ang “anti-planking law” at “anti-bullying law”. Grabehan ang mga utak nyo :)

                Kung meron lang sanang bakal na kamao ang Mamumuno sa atin, siguro maiiwasan ang kurapsyon, ung Presidente na mag-a-approve na “bitay” ang sino mang mahuhuling nagnakaw ng kahit sentimo sa kaban ng bayan. Pero alam kong imposible ng mawala ang kurapsyon sa atin, hindi man mawala, mabawasan man lang sana ng bakal na kamao. Dahil kung mababawasan lang sana ang kurakutan sa Gobyerno pwede na sigurong magdagdag pa ng classroom at teacher para sa mga kabataan. Magdagdag pa ng pampaayos ng sira-sirang kalsada para umonti ang dumadaan sa NLEX at SLEX lalo na yung mga nagtitinda ng kung anu-anong “Goods”. Magdagdagan pa ang mga Ospital para sa taumbayan. Kung mawawala lang sana, kung mawawala lang.

       
               
               Sabi ng ilan mahirap ang naging buhay nila noon kay Marcos. Pero sa palagay ko kahit hindi pa ako buhay noon, Mas mahirap NGAYON!

Monday, 12 December 2011

WAG KANG TANGA! PLEASE LANG!

Hindi ko alam kung nag-tatanga-tangahan o sadyang tanga lang talaga ang ibang Pilipino. Sa araw-araw na buhay mo paglabas mo palang ng bahay makakakita kana ng TANGA! ( hindi ko gagamitin ang salitang “bobo” dahil wala daw taong bobo). Ito ang mga halimbawa ng mga tanga na alam kong madalas mo rin nakikita pero dedma ka lang.

“BAWAL TUMAWID NAKAMAMATAY” Bakit ba parang ang tatamad na ng taong maglakad papunta sa tamang tawiran? ilang milya ba ang layo ng overpass o pedestrian lane mula sa pinagtawiran nila? Baka naman gusto lang nilang laging may thrill, yung tipong para kang si 007  habang nakikipag-patintero sa rumaragasang mga sasakyan. Wag mo sa aking idahilan na hindi mo napansin na bawal palang tumawid dun. Oh lol mo po, kulay pink na nga, hindi mo parin napansin? Mag-bigti ka ng engot ka.

“BAWAL MAG-TAPON NG BASURA DITO, MULTA 1000” Saan bang parte ng Pilipinas walang tangang nagtatapon ng basura kung saan-saan? Parang bawat kanto na ng Maynila makakakita ka ng mga basura. Sobrang yaman naba ng tao at hindi na silang takot mag-multa? Sa palagay ko hindi, kahit kasi may makakita sa kanila baliwala lang sa kanila ‘yon at kahit na sobrang laki na ng nakasulat sa pader magtatapon parin sila doon. Sa totoo lang wala pa akong nabalitaan na tao na nagmulta dahil nagtapon sya ng basura.

Dati napanood ko sa tv yung mga dinadakip na iresponsable sa mga pagtapon ng kanilang mga basura hindi ko alam kung anong parusa ang gagawin nila sa mga mahuhuli. Kalamitan ng nahuli ay bandang Monumento at kalamitan na basurang tinatapon ay ang upos ng sigarilyo at balat ng kendi. Pero merong isang pumukaw ng atensyon ko sa balitang iyon, si Ate na higit 40 anyos na ay dumura sa estero, tama sa estero. Dahil naka televised via GMA SAKSI hinuli si ate sa salang pag-dura. Pero pumalag si ate at sinabing “Wala ba kayong mga utak? Masama ba ang pagdura sa estero? Babarado ba ang estero na iyan dahil sa dura ko? Anong gusto nyo? Lunukin ko plema ko? Bakit hindi nyo hulihin yung mga taong nagtatapon ng basura sa kanal? Ito nga oh iniipon ko nga sa bag ko yung mga balat ng kendi at pag-uwi ko ng bahay sya kong itatapon sa tamang basurahan” (sabay pakita ni ate sa bag nyang may laman na kendi)

Kung sino man ang nagpatupad ng batas na bawal dumura sa kanal, Isa ka pong TANGA!

                                “BAWAL MAG-DALA NG DROGA SA CHINA, NAKAMAMATAY PROMISE!”  Bakit ba ang hilig natin sa mga instant? Yung isang minuto, oras o araw milyonaryo kana. Kakabitay lang sa tatlong Pilipinong nahulihan ng drugs sa bansang China at bali-balita na naman na may nagpuslit na naman ng droga. Please lang wag na kayong magdahilan ng kung anu-ano, Wag kang TANGA, please lang. Sinabi na kasing delikado at bitay ang parusa sa mga mahuhulihan ng drugs pilit parin ng pilit. Malakas naman kayo at pwede pang kumayod, hindi yung pag-nahuli kayong may bitbit na droga sa ibang bansa ay sisisihin nyo ang GF nyo dahil stress kayo o ginawa nyo lang yun kasi may sakit ang nanay, tatay, kapatid, asawa, anak at yung alaga mong aso At bandang huli manghihinge kayo ng tulong sa Gobyerno natin na baka pwedeng wag kayong bitayin. HOY! TANGA! batas nila iyon, kaya magdusa kang tanga ka. Ilan pabang Pilipino ang kailangan bitayin at makulong sa ibang bansa para maisip nyong na “BAWAL ANG MAG PUSLIT NG DROGA”

                Bakit nga ba parang sarap na sarap sila sa bawal? Lahat na lang ng bawal syang ginagawa. Pero meron namang bawal na hindi talaga masarap lalo na kung ikaw ay mapapahiya sa karamihan ng tao o ikakapamahak mo. Sa totoo lang kailangan sa ganitong maliliit na bagay kailangan natin ng  Gobyerno  yung tatayong Ama sa mga anak na iresponsibilidad, yung Ama na magdidisiplina sa bawat pagkakamali ng kanyang mga anak. Kaso marupok at kulang sa pukpok ang ating taga-disiplina walang ibang ginawa ang ating Ama kundi ang nakawin at kamkamin ang pera ng kanyang mga anak. Kung meron lang tamang parusa at hindi binabalewala ang mga ganitong usapin, magiging maayos ang buhay ng lahat.

                Kasi tayo namang mga anak wala ng ginawa kundi suwayin ang ating ama, na kahit alam na nating mali ay ginagawa parin. Walang disiplina sa sarili, alam na alam naman natin ang mga nagiging sanhi ng lahat ng kamalian na ginagawa natin. Ang mga baha, mapanghi na amoy ng kalsada at kung anu-ano pang sanhi ng iba’t ibang katangahan.      

                Sa aking pananaw, hindi na magbabago ang Pilipinas. Kung yang mga maliit na bagay ay hindi magawan ng solusyon, paano na lang yung mga malalaki tulad ng kurapsyon? Yung mga nagsasabing aangat ang Pilipinas mag-bigti na kayo.

Tuesday, 6 December 2011

Mahirap maging Sila

Akala mo madali lang? akala mo porket nakaka-kain ka ng tatlong beses sa isang araw, okey na? porket may bagong gadget ka at angat ka sa mga kaibigan mo ayos na? nakaka-nood ka ng sine, nakaka-kain sa jollybee at meron kang makapal na wallet, maligaya kana? Pero saan ba galing yan? Sa Tatay mong 10-taon ng nasa Saudi at hindi makauwi matustusan lang ang luho mo? O sa Nanay mong 60+ na ay nagtatrabaho parin bilang Caregiver/Nanny sa ibang bansa upang sa ganoon naman ay hindi magutom at maging maganda ang kinabukasan ng kanyang mga apo dahil sa tamad kang anak at wala kang ginawa kundi mag DOTA kahit tatlo na ang anak mo.

Mahirap maging sila dahil kapalit ng dolyares na pinapadala sa inyo ay ang “pangungulila” sa inyo na hindi masyadong iniintindi ng ilan, makapagpadala ka lang ng pera maligaya na sila. Mahirap maging sila masarap lang maging anak o maging kamag-anak nila dahil sa mga natatanggap na kasaganahan sa buhay o regalo mula sa kanila, pero tanungin mo ang kahit sinong OFW na kakilala mo, kung gustong-gusto nya at sobrang ligaya nya sa ginagawa nya. Ang sumagot sayo ng “OO” babatukan ko!

Swerte ka kung ang isang miyembro ng pamilya mo ay may OFW, bakit? 90% hindi ka makakaranas na magutom, 70% mabibili mo ang mga “kailangan” mo (magagarang damit, pantalon, sapatos atbp) 50% mabibili mo ang “luho” mo (cellphone, gadget atbp).

Bakit nga ba para silang si Sen. Enrile na “Gusto ko Happy ka!” ang laging nasa isip? Pero hanggang kailangan nga ba ang paghihirap ng isang OFW? Unli ba ito parang text o rice sa Mang Inasal o till death do us part parang sa kasal? Iba kasi ang pagmamahal ng Isang magulang kahit na magkanda kuba na sa trabaho dahil sa katandaan, magtatrabaho parin ito para sa mga anak. Kahit na halos buong buhay nya ay alagaan ang anak ng iba imbes na sarili nyang anak, titiisin nya. Kahit na sinisigawan, minumura o sinasaktan tatanggapin nya parin ito kapalit ng perang ipapadala sa pamilyang naiwan sa Pinas.

Mahirap maging sila. Nakakaranas ng homesick yung tipong gustong gusto ng umuwi para  makita at mayakap ang  pamilya, pero hindi pwede dahil gutom ang aabutin sa Pinas. Nakakaranas kumain ng mag-isa at pawang kutsara at tinidor lang ang maririnig mo dahil wala kang ka-kwentuhan sa lamesa. Sinisigawan ng amo o minumura  pero hindi makapag-resign dahil umaasa sa kanya ang kanyang limang anak na lalake at kanyang sampung apo. Pero kinakaya parin at tinitiis ang lahat para lang sa pamilya.