Hindi ito patungkol sa laban ni Manny Pakyaw dahil nabubunsol na ako sa mga balita tungkol sa karir nya at ng buong pamilya nya. Hindi rin ito patungkol sa Pinoy-Movies na naka-leather jacket ang bida at mayroong nakakairitang leading lady na wala ng gumawa kundi tumili ng tumili hanggang sa matapos ang palabas.
Kapag kasi sinabi kong “kamay na bakal” alam mo na agad kung tungkol saan ito. OO isa na naman itong “wake-up-call” na matatawag sa lahat ng Pilipinong makakabasa nito. Ito na siguro ang kailangan ng bansang Pilipinas, Ang isang mamumunong may bakal na kamao ngunit di abusado. May bakal na kamao pero sumusunod sa batas. Walang-awa walang-puso at bukod sa lahat walang patawad kumbaga walang sinu-sino batas ay batas yung parang sa linya ni Erap “Walang kapa-kapatid, Walang kama-kamag-anak, Walang kaibi-kaibigan” dapat din siguro lagi syang nakasubo ng sigarilyo at yung mala Hari ng tondo ang
pagkakakilanlan sa kanya para lalong katakutan yung tipong ubo pa lang ni President, nangangatog na lahat.
Hindi yung Presidente na mahilig magsalita ng “I am Sorry”. Hindi yung Presidente na nanalo dahil sa pagkamatay ng kanyang Ina at ni isang batas wala man lang naipasa. Hindi yung Presidente na mahilig mag Casino habang suma-shot ng blue label.
Bakal na kamao! Ito ang kailangan natin dahil sa totoo lang palubog na ng palubog ang bansang Pilipinas. Dahil lahat ng Government official ay wala ng ginawa kundi magnakaw, mga Pulis na wala ng ginawa kundi mangotong, mga ahensya ng Gobyernong wala mangurakot. Alam ko, walang bansang perpekto at walang bansang walang nangungurakot. Pero iba ang usapin sa Pinas, Alam na ng taumbayan na ninanakawan sila at binabalita ng Media ang lahat mula sa paglilitis ng kaso habang sa pagpapakamay ng isang General at pag may lumabas na bagong balita, limot na agad ang usapan, ibabaling na sa iba ang balita. Kaya sa mga MEDIA mga *(&%$##( mula sa aking puso. Kayo ho ang isa sa nagpapagulo ng Pilipinas. Walang iba kayo, kayo, KAYO!
Hindi ba’t kayong mga Media ang sumubaybay sa mga samut-saring scandal na kinasangkutan ni GMA? Sa Senate hearing ng Pabaon scandal hanggang sa pagkamatay at paglibing sa “libingan ng mga bayani” ng magnanakaw na General? (bilib din ako sa Pinas, kahit anong katarantaduhan ang gawin mo, kahit sukdulan na ang pagnanakaw mo basta may mataas kang naging posisyon sa Gobyerno, Libingan ng mga Bayani ang bagsak mo)
Ang hirap kasi sa atin lahat na ng naka-upo sa Gobyerno, LAHAT MAGNANAKAW! Kung isusulat ko lahat ng mga lantarang pagnanakaw sa atin baka manawa kana kakabasa at abutin ako ng isang buwan kaka-type dito. Isa lang sana ang tanong ko, Yung “Pork Barrel” na pinagpapartehan nyo, may resibo ba lahat ng ginagastos o pinagkagastusan nyo dyan? Sigurado bang nauubos nyo ang binibigay sa inyong “Pork Barrel” Para wala na ata kayong ginawa kundi lustayin ang kaban ng bayan. Bakit hindi nyo kaya review-hin ang Batas. Yung karamihan ho ng kriminal napapawalang sala o hindi masyadong napaparusahan dahil “wala sa batas” ang nagawa nilang kasalanan tulad na lang ng mga “Sex scandal” na nagkalat sa cellphone hanggang internet. Yun bang batas patungkol sa basura meron na ho ba? Yun bang batas na manghuhuli ng “fixer” sa lahat ng ahensya ng Gobyerno tulad ng lantarang ginagawa ng LTO kung saan kahit bulag nagkakaroon ng lisensya. Yung batas natin parang kasabay ata inukit sa bato ng 10 commandments sa sobrang kalumaan. Pero sa totoo lang naman napapanahon naman ang mga batas na gusto nyo ipatupad mantakin nyo, gusto nyong ipasa ang “anti-planking law” at “anti-bullying law”. Grabehan ang mga utak nyo :)
Kung meron lang sanang bakal na kamao ang Mamumuno sa atin, siguro maiiwasan ang kurapsyon, ung Presidente na mag-a-approve na “bitay” ang sino mang mahuhuling nagnakaw ng kahit sentimo sa kaban ng bayan. Pero alam kong imposible ng mawala ang kurapsyon sa atin, hindi man mawala, mabawasan man lang sana ng bakal na kamao. Dahil kung mababawasan lang sana ang kurakutan sa Gobyerno pwede na sigurong magdagdag pa ng classroom at teacher para sa mga kabataan. Magdagdag pa ng pampaayos ng sira-sirang kalsada para umonti ang dumadaan sa NLEX at SLEX lalo na yung mga nagtitinda ng kung anu-anong “Goods”. Magdagdagan pa ang mga Ospital para sa taumbayan. Kung mawawala lang sana, kung mawawala lang.
Sabi ng ilan mahirap ang naging buhay nila noon kay Marcos. Pero sa palagay ko kahit hindi pa ako buhay noon, Mas mahirap NGAYON!
No comments:
Post a Comment