Wednesday, 21 December 2011

Kailangan bang laging may kapalit?

Bakit ba parang lahat ng iyong ginagawa ay humahanap ka ng kapalit?

Halimbawa:
1.     1. Kapag inutusan ka ng Magulang mo na mamalengke o bumili lang ng suka sa tindahan hihinge ka ng piso, kapag hindi ka binigyan ni Inay malamang sa malamang mas maasim pa yung muka mo kesa sa bibilin mong suka.
2.     2. Ikaw sana ang maghuhugas ngayong tanghali pero hindi ka pinayagan ng Tatay mong maglakwatsa mamayang hapon kaya hindi kana nag-hugas ng pinggan.
3.      3. Sa stasyon ng mga Pulis hindi ba’t mayroong mga litrato ng mga kriminal doon at may nakalagay na “Pabuya kung sino man ang makakapagturo sa kanila” paano na lang kung walang pabuya doon? Kung magkakabanggan ba kayo sa Mall noon ay hindi mo sya papansinin?
4.       4.Yung mga noontime tv show na “tumutulong daw sa kapwa” pero para makasali ka at manalo, kailangan mo munang magtext o bumili ng produktong ine-endorso nila na nagmimistulang ticket mo para manalo ng libo-libong piso. Paano naman pala yung mga pamilyang walang cellphone? Yung Pamilyang walang extrang pera pambili ng produkto at nagbabakasakali ring manalo tulad ng iba.
5.       5.Yung mga nakakairitang facebook page’s na “magbibigay daw ng 5 piso sa blah blah blah sa bawat like ng kanilang page. Sa madaling salita kung walang “facebook” hindi na sila tutulong. Mga siraulo po kayong mga may ari ng page.

                Kailangan ba talaga lahat kapalit? Alam kong may mangilan-ngilan parin dyan na handang tumulong ng hindi naghahangad ng anumang kapalit o pagpuri mula sa ibang tao. Sa totoo lang, talaga namang mas ganado ka sa lahat ng bagay kung alam mong may kapalit ang lahat ng ginagawa mo pero hindi ba’t mas magaan sa pakiramdam kung makakatulong ka sa isa o libong tao na hindi naghahangad ng anumang kapalit? Bakit kailangan pang maging Senador ang isang kampyon kung ang balak lang ay tumulong sa sambayanan? Bakit kailangan pang ilagay ang muka ng kung sinong ponsyo pilatong Presidente hanggang sa Kapitan ng barangay kapag may ginagawang kalsada at ilalagay na “PROYEKTO ni MANLOLOKO” hindi ba’t pera rin ng taumbayan ‘yon? Bakit kailangang pang umiyak at ipahiya sa ka sa buong mundo sa libong piso? Hindi nya ba pwedeng makuha ito nang hindi sya kinakaawaan o tinatawanan ng mga audience? Bakit kailangan pang i-Like ang page nyo, bago kayo mag bigay ng tulong sa nasalanta ng unos? Alam kong hindi mahirap at ultimo batang marunong magbasa ay pwedeng makatulong sa pamamagitan ng pag like ng page, pero sa palagay nyo ba lahat ng tao may panahong mag-facebook magdamag o makikita ba nila lahat yang advertisement nyo?

                Hindi kailangan ng kapalit sa lahat ng bagay na iyong ginagawa basta masaya ka at alam mong tama ang iyong gagawin, saludo ako sayo. Tandaan mo hindi lahat ng ginagawa mo ay nagbubunga ng magandang kapalit, minsan kahit ikaw na ang tumulong, ikaw pa rin ang lalabas na masama

No comments:

Post a Comment