Akala mo madali lang? akala mo porket nakaka-kain ka ng tatlong beses sa isang araw, okey na? porket may bagong gadget ka at angat ka sa mga kaibigan mo ayos na? nakaka-nood ka ng sine, nakaka-kain sa jollybee at meron kang makapal na wallet, maligaya kana? Pero saan ba galing yan? Sa Tatay mong 10-taon ng nasa Saudi at hindi makauwi matustusan lang ang luho mo? O sa Nanay mong 60+ na ay nagtatrabaho parin bilang Caregiver/Nanny sa ibang bansa upang sa ganoon naman ay hindi magutom at maging maganda ang kinabukasan ng kanyang mga apo dahil sa tamad kang anak at wala kang ginawa kundi mag DOTA kahit tatlo na ang anak mo.
Mahirap maging sila dahil kapalit ng dolyares na pinapadala sa inyo ay ang “pangungulila” sa inyo na hindi masyadong iniintindi ng ilan, makapagpadala ka lang ng pera maligaya na sila. Mahirap maging sila masarap lang maging anak o maging kamag-anak nila dahil sa mga natatanggap na kasaganahan sa buhay o regalo mula sa kanila, pero tanungin mo ang kahit sinong OFW na kakilala mo, kung gustong-gusto nya at sobrang ligaya nya sa ginagawa nya. Ang sumagot sayo ng “OO” babatukan ko!
Swerte ka kung ang isang miyembro ng pamilya mo ay may OFW, bakit? 90% hindi ka makakaranas na magutom, 70% mabibili mo ang mga “kailangan” mo (magagarang damit, pantalon, sapatos atbp) 50% mabibili mo ang “luho” mo (cellphone, gadget atbp).
Bakit nga ba para silang si Sen. Enrile na “Gusto ko Happy ka!” ang laging nasa isip? Pero hanggang kailangan nga ba ang paghihirap ng isang OFW? Unli ba ito parang text o rice sa Mang Inasal o till death do us part parang sa kasal? Iba kasi ang pagmamahal ng Isang magulang kahit na magkanda kuba na sa trabaho dahil sa katandaan, magtatrabaho parin ito para sa mga anak. Kahit na halos buong buhay nya ay alagaan ang anak ng iba imbes na sarili nyang anak, titiisin nya. Kahit na sinisigawan, minumura o sinasaktan tatanggapin nya parin ito kapalit ng perang ipapadala sa pamilyang naiwan sa Pinas.
Mahirap maging sila. Nakakaranas ng homesick yung tipong gustong gusto ng umuwi para makita at mayakap ang pamilya, pero hindi pwede dahil gutom ang aabutin sa Pinas. Nakakaranas kumain ng mag-isa at pawang kutsara at tinidor lang ang maririnig mo dahil wala kang ka-kwentuhan sa lamesa. Sinisigawan ng amo o minumura pero hindi makapag-resign dahil umaasa sa kanya ang kanyang limang anak na lalake at kanyang sampung apo. Pero kinakaya parin at tinitiis ang lahat para lang sa pamilya.
No comments:
Post a Comment