Monday, 12 December 2011

WAG KANG TANGA! PLEASE LANG!

Hindi ko alam kung nag-tatanga-tangahan o sadyang tanga lang talaga ang ibang Pilipino. Sa araw-araw na buhay mo paglabas mo palang ng bahay makakakita kana ng TANGA! ( hindi ko gagamitin ang salitang “bobo” dahil wala daw taong bobo). Ito ang mga halimbawa ng mga tanga na alam kong madalas mo rin nakikita pero dedma ka lang.

“BAWAL TUMAWID NAKAMAMATAY” Bakit ba parang ang tatamad na ng taong maglakad papunta sa tamang tawiran? ilang milya ba ang layo ng overpass o pedestrian lane mula sa pinagtawiran nila? Baka naman gusto lang nilang laging may thrill, yung tipong para kang si 007  habang nakikipag-patintero sa rumaragasang mga sasakyan. Wag mo sa aking idahilan na hindi mo napansin na bawal palang tumawid dun. Oh lol mo po, kulay pink na nga, hindi mo parin napansin? Mag-bigti ka ng engot ka.

“BAWAL MAG-TAPON NG BASURA DITO, MULTA 1000” Saan bang parte ng Pilipinas walang tangang nagtatapon ng basura kung saan-saan? Parang bawat kanto na ng Maynila makakakita ka ng mga basura. Sobrang yaman naba ng tao at hindi na silang takot mag-multa? Sa palagay ko hindi, kahit kasi may makakita sa kanila baliwala lang sa kanila ‘yon at kahit na sobrang laki na ng nakasulat sa pader magtatapon parin sila doon. Sa totoo lang wala pa akong nabalitaan na tao na nagmulta dahil nagtapon sya ng basura.

Dati napanood ko sa tv yung mga dinadakip na iresponsable sa mga pagtapon ng kanilang mga basura hindi ko alam kung anong parusa ang gagawin nila sa mga mahuhuli. Kalamitan ng nahuli ay bandang Monumento at kalamitan na basurang tinatapon ay ang upos ng sigarilyo at balat ng kendi. Pero merong isang pumukaw ng atensyon ko sa balitang iyon, si Ate na higit 40 anyos na ay dumura sa estero, tama sa estero. Dahil naka televised via GMA SAKSI hinuli si ate sa salang pag-dura. Pero pumalag si ate at sinabing “Wala ba kayong mga utak? Masama ba ang pagdura sa estero? Babarado ba ang estero na iyan dahil sa dura ko? Anong gusto nyo? Lunukin ko plema ko? Bakit hindi nyo hulihin yung mga taong nagtatapon ng basura sa kanal? Ito nga oh iniipon ko nga sa bag ko yung mga balat ng kendi at pag-uwi ko ng bahay sya kong itatapon sa tamang basurahan” (sabay pakita ni ate sa bag nyang may laman na kendi)

Kung sino man ang nagpatupad ng batas na bawal dumura sa kanal, Isa ka pong TANGA!

                                “BAWAL MAG-DALA NG DROGA SA CHINA, NAKAMAMATAY PROMISE!”  Bakit ba ang hilig natin sa mga instant? Yung isang minuto, oras o araw milyonaryo kana. Kakabitay lang sa tatlong Pilipinong nahulihan ng drugs sa bansang China at bali-balita na naman na may nagpuslit na naman ng droga. Please lang wag na kayong magdahilan ng kung anu-ano, Wag kang TANGA, please lang. Sinabi na kasing delikado at bitay ang parusa sa mga mahuhulihan ng drugs pilit parin ng pilit. Malakas naman kayo at pwede pang kumayod, hindi yung pag-nahuli kayong may bitbit na droga sa ibang bansa ay sisisihin nyo ang GF nyo dahil stress kayo o ginawa nyo lang yun kasi may sakit ang nanay, tatay, kapatid, asawa, anak at yung alaga mong aso At bandang huli manghihinge kayo ng tulong sa Gobyerno natin na baka pwedeng wag kayong bitayin. HOY! TANGA! batas nila iyon, kaya magdusa kang tanga ka. Ilan pabang Pilipino ang kailangan bitayin at makulong sa ibang bansa para maisip nyong na “BAWAL ANG MAG PUSLIT NG DROGA”

                Bakit nga ba parang sarap na sarap sila sa bawal? Lahat na lang ng bawal syang ginagawa. Pero meron namang bawal na hindi talaga masarap lalo na kung ikaw ay mapapahiya sa karamihan ng tao o ikakapamahak mo. Sa totoo lang kailangan sa ganitong maliliit na bagay kailangan natin ng  Gobyerno  yung tatayong Ama sa mga anak na iresponsibilidad, yung Ama na magdidisiplina sa bawat pagkakamali ng kanyang mga anak. Kaso marupok at kulang sa pukpok ang ating taga-disiplina walang ibang ginawa ang ating Ama kundi ang nakawin at kamkamin ang pera ng kanyang mga anak. Kung meron lang tamang parusa at hindi binabalewala ang mga ganitong usapin, magiging maayos ang buhay ng lahat.

                Kasi tayo namang mga anak wala ng ginawa kundi suwayin ang ating ama, na kahit alam na nating mali ay ginagawa parin. Walang disiplina sa sarili, alam na alam naman natin ang mga nagiging sanhi ng lahat ng kamalian na ginagawa natin. Ang mga baha, mapanghi na amoy ng kalsada at kung anu-ano pang sanhi ng iba’t ibang katangahan.      

                Sa aking pananaw, hindi na magbabago ang Pilipinas. Kung yang mga maliit na bagay ay hindi magawan ng solusyon, paano na lang yung mga malalaki tulad ng kurapsyon? Yung mga nagsasabing aangat ang Pilipinas mag-bigti na kayo.

No comments:

Post a Comment