First year College ako noong una kong makita ang “dream girl ko”. Hindi naman dahil sa hindi pa ako nagkaka-gf, dahil imposible kong maging GF o magustuhan niya ako. Maganda, maputi, sexy at talaga namang malakas ang appeal (na love at first sight nga ako e).
Dahil ahead saken ng 1 taon ang aking dream girl minsanan lang kami kung magkita. Classmate ko siya sa isang subject na tumatagal lang na 40 minuto at yung 39 na minuto ko ay nauubos kakatingin ko sa kanya, inlababo na talaga ang papa mo. Pero ang pinagtataka ko lang, bakit ba sa tuwing may groupings nangyayari (yung may gagawin kayong project at kukuha kayo ng ka-grupo nyo o minsan random, si teacher ang pipili) napakailap talaga saken ng tadhana hindi man lang kami pagsamahin sa isang grupo, kahit isang beses lang, malas talaga! . Paano ko kaya makikilala itong si dream girl e, yung 40 minuto na yan ay sobrang ikli at walang kapag-a-pag-asang makausap sya dahil busy masyado sa pag-aaral at malamang sa malamang hindi ko rin sya makaka-kausap kahit gustong gusto ko na. Meron kasing malaking problema, palakaibigan ako at madali kong ma-approach ang sinumang babae saan man ako mag punta, hindi dahil sa gwapo ako, dahil ito sa aking sense of humor at pakikisama. Pero bakit ba kapag gustong gusto ko na sya kausapin at lapitan para tanungin ang kanyang number eh lagi akong inuunahan ng kaba at hiya na baka isnabin ako at hindi pansinin. Oo, sa madaling salita natotorpe ang papa mo sa kanya. Kaya wala ng ginawa ang papa mo, kundi ang sumulyap at tumanaw-tanaw na lang. Isang araw, pagtapos ng subject namin sinundan ko palabas si dream girl, kunwari'y tatambay lang ako sa balcony ng skwelahan(manyakis nga!). Habang naglalakad sa corridor si dream girl nagulat na lang ako noong binati sya ng isa naming kaklase sabay ankla ni dream girl sa kanya. Patay! may boyfriend na pala si dream girl hanggang dream na nga lang talaga siguro ako. Habang titignan ko sila parang may iba akong naramdaman, yung parang nalugi ka sa negosyo tapos namatayan ng alagang aso tapos tatlong araw ka ng hindi kumakain pag dating mo wala pa palang ulam sa bahay at gutom na gutom kana yung tipong para kang binagsakan ng langit, lupa, impyeron-im-im-impyerno saksak puso tulo ang dugo (wag mong kantahin huh) na parang gusto mo ng tapusin ang iyong buhay dahil wala ng dahilan at katuturan para mabuhay kapa (joke lang, hindi naman ako emo eh.) pero syempre nakakalungkot parin yung nangyari na parang sinampal nya ako saba’y sabing “wala kang pag-ASA may bf na ako”.
Kinabukasan, bigo sa pag-ibig ang papa mo malungkot, yamot, walang-gana mag-aral, mag-dota pero ganado parin kumain. Lumipas ang ilang mga araw, kinalimutan ko na si dream girl at ibinaling na lang sa paglalaro ng DOTA ang aking puso at isipan. Isang araw habang nagigitara ang isa kong barkada at ako ang papa mo ang matinding vocalist ng banda na mala Francis M. na boses at kumakanta ng pangmalakasang "kalaedascope world". Syempre bago palang ang klase hindi pa magkakakilala ang lahat, para bang nagkakapaan pa sa madilim na kwarto. Pero nagulat na lang ako nang biglang lumapit ang bf ng dream girl ko. Nagandahan ata sa boses ko at naki-jamming sa aming kantahan. Syempre dahil concern parin ako kay dream girl, binanatan ko sya ng tanong.
“Pre, ilang taon na kayo ng gf mo?”
“Wala akong gf tae” sagot nya.
“huh?! Anong wala? Hindi mo ba gf yung isang ka-klase natin sa isang subject?” tanong ko habang may ngiting dimonyo sa aking mga labi.
“Si Emily? Hindi, barkada ko lang yun” sagot nya sabay kamot sa ulo.
Magandang balita, ayos na ayos, naging musika sa pandinig ko ang sagot nyang 'yon balik na ulit sa kantahan, ganado na ulit kumanta ang papa mo at parang mandudurog na naman mamaya pag naglaro ng DOTA.
Kinabukasan tropa na kami ni Glenn "ang taong dahilan kung bakit madaragdagan ng isang user/pusher ng shabu sa valenzuela, ang taong magiging dahilan ng aking pagkalugmok sa alak, ang taong magiging dahilan kung bakit ako naging suwail na anak at tinuring na blacksheep ng pamilya, ang taong magiging dahilan sa pagkitil ko ng sarili kong buhay. Sya yung ka-ankla ng dream ko nung araw na iyon at sya yong barkada ni Emily my dream girl. Syempre dahil tropa na kami ni Glenn at interesado talaga ako kay dream girl kaya habang nakatambay kami sa corridor kasama ang tropa lumapit si Glenn sa amin (kasi nga tropa na kami). Pero yung intensyon kong makausap si dream girl ay biglang nagkaroon ng kulay. Mga ilang minutong pag-tambay sa labas, kinausap ko si Glenn.
“Pare, meron kabang number ni Emily? Baka pede kong syang maging txtmate.” Habang naka-akmang pipindot sa cellphone.
“Ikaw na lang kumuha sa kanya, baka kasi magalit sakin e, wag kang mag-alala papakilala kita mamaya sa kanya mamaya.” sagot nya.
Nung mga oras na yon nanginginig na ako sa kaba, isipin mo marinig ko lang yung pangalan nya kinakabahan at natatameme na ako, yun pa kayang ipakilala ako? Juice kopo, wag naman sana akong himatayin.
Nung mga oras na yon nanginginig na ako sa kaba, isipin mo marinig ko lang yung pangalan nya kinakabahan at natatameme na ako, yun pa kayang ipakilala ako? Juice kopo, wag naman sana akong himatayin.
Tapos na ang isang subject namin at inaasahan kong tutupad sa pangako si Glenn, syempre sinundan agad ni Glenn palabas si dream girl para tawagin at ipakilala ako, maya-maya pa ay sumenyas na si Glenn sa akin at pinapalabas na ako. Kinakabahan ang papa mo, kumbaga sa lotto nakuha mo na ang limang numero at isang number na lang inaantay mo at jackpot kana agad.
Itutuloy ko ang Part 2. Relax ka lang :)
No comments:
Post a Comment