Monday, 30 May 2011

Ba't ganun?

Marami akong katanungan sa aking mga kababayan, hindi ko alam kung ano ang dahilan at isasagot nila sa mga katanungan ko. Ito ang mga tanong at listahan ng aking napupuna sa mga ginagawa o sinasabi ni Juan.

Bakit ba sa tuwing may nadapa o nadulas ng hindi sinasadya sa pampublikong lugar laging mayroon kang makikitang napangiti o napabungisngis sa kanyang pagdapa o pagdulas ; napansin ko ito noong naka sakay ako sa LRT meron isang lalaking maskulado at nakikipagkwentuhan sa isang babae nang biglang umandar ang sinasakyan naming tren, at dahil hindi sya nakakapit sa kung saan bigla syang lumagapak sa sahig at talaga namang pinagtinginan, kahit ako mismo napangiti pero hindi ko pinahalata pero meron pumukaw ng aking pansin, si ale natawa ng malakas at galak na galak sa nangyari.

Bakit ba sa tuwing nasa pampublikong sasakyan ako at biglang may tumunog na cellphone marami ang naglalabas ng kani-kanilang cellphone - hindi ko alam kung anong dahilan ng karamihan dito gayong alam nila kung ano ang kanilang ringtone.

Maraming nagsasabi na mahirap ang Pilipinas, kabilang daw tayo sa 3rd world country - pero pumunta ka ng mga Mall tuwing may sales at kung anu-anong okasyon tulad ng pasko, bagong-taon, valentines-day o kahit semana-santa marami ang tao. Marami parin ang umiinom ng kape at kumukuha ng picture sa starbucks sabay upload sa facebook sa ibat-ibang social network.

Maangal ang Pilipino halimbawa na lang sa panahon, pag umuulan sana daw umaraw, kapag maaraw naman sana daw umulan.

Sinisisi ang madalas ang Gobyerno pero ang Kumpanyang pinasukan ang nagpapasahod sa mga trabahador at ang ibat-ibang klaseng unos at trahedya ang nagiging dahilan ng pagtaas ng bilihin. Pero tanungin mo yung mga taong umaangal kung paano sila nakakatulong sa bayan. Tanungin mo yung mga tambay kung ano ang kanilang mabuting nagawa. Bilib pa nga ako sa Gobyerno kasi kahit mangurakot ng milyon gumagastos parin ng libo para sa bayan.

Karamihan ng OFW sinasabing hindi sila mangingibang-bansa kung malaki lang ang sahod sa pinas - pero hindi ba nila na isip na marami ang nabubuhay ng masaya at naiiraraos ang pamilya sa sinasabi nilang maliit na sahod, sadya sigurong hindi sila kuntento sa perang kanilang natatanggap.
Talaga bang si Manny Villar ay talagang galing sa hirap? at totoo nga bang naka-ligo na sya sa dagat na basura? pero paanong nangyaring naging milyonaryo sya ng ganung kabilis? at may ari pa ng ibat-ibang malalaking subdivision sa Pinas.

Thursday, 19 May 2011

Ang kontrobersyal na RH Bill

Ang kontrobersiyal na panukalang "Reproductive health and Population and Development Act of 2010"o mas kilala natin sa tawag na RH Bill na akda ni Cong. Edcel Lagman.

Tutol ang Simbahang katoliko sa panukalang ito, dahil mapaniil umano ang RH bill na kontrolin ang populasyon sa iligal na paraan.

Ang RH bill ay maituturing na "ultimate decision maker" para sa "responsible parenthood" sa isang mag-asawa. Sila ang may karapatan na magdesisyon kung ilan ang nais nilang maging bilang ng anak.
Ano ba ang  Reproductive Health Bill?

Ang Reproductive Health Bill ay isang panukalang batas na naglalayong magbigay ng serbisyong pangreproduktibo  para sa lahat, kabilang ang family planning o pagpaplano ng pamilya, para sa mga mag-asawa lalo na ang mahihirap. Ang kakayahang makagamit ng mga kontraseptibo na makatutulong sa pag-aagwat ng mga anak at angkop na impormasyon ukol sa mga paraan ng pagpaplano ng pamilya na ligtas, epektibo at abot-kaya. Sa ngayon, tanging ang mga may pambili ng kontraseptibo lamang ang epektibong nakapagpaplano ng kanilang pamilya.

Layunin ng RH bill na matulungan ang mga mag-asawa na maabot ang nais nilang laki ng pamilya habang isinasaalang-alang ang kalusugan ng ina at anak upang matigil na ang maagang pagbubuntis ng kabataan at bigyan ng kakayahan ang pamahalaan na maabot ang isang balanseng distribusyon ng populasyon.

Ang pag gamit ng kontraseptibo ay hindi nangangahulugan ng aboryon ito ay naglalayong maiwasan ang mga kaso ng aborsyon na dulot ng hindi planadong pagbubuntis. Lahat ng kontraseptibo ay magiging epektibo kung gagamitin ng maayos. Kinakailangan lamang na mamili ang mag-asawa ng pamamaraang angkop sa kanila, alinsunod sa kanilang kalusugan at nais na bilang ng mga anak.

Parami ng parami ang mga kabataang magnanakaw, pusher/user ng ibat ibang uri ng droga kasama na ang pag singhot ng rugby, namamalimos sa kalsada, mga nagbebenta ng laman, nasasangkot sa aborsyon dahil sa kahirapan at hindi planadong pagbubuntis ng mag-asawa.

Ang iniisip na iba na ang layunin ng RH Bill ay kontrolin ang populasyon. Hindi layon ng RH bill  na magkaroon ng population development o pagpapaunlad ng populasyon. Ang pagkontrol ng populasyon ay nangangahulugan ng paggamit ng pwersa o sapilitang pagpapagamit ng mga polisiyang pangpopulasyon na labag sa mga kagustuhan ng mga tao.

Maipasa man o hindi ito sa kongreso nasa mag-asawa parin ang desisyon kung ilan ang dami ng anak na gusto nila.

Saturday, 14 May 2011

Limang paraan para sa matagumpay na Relasyon

Hindi ako si Joe D. Mango  lalong hindi rin ako si Papa Jack, pero para sa akin itong limang  paraan na ito ay makaka-tulong tungo sa isang matagumpay na relasyon.

1. Mag-patawad / Mang-hinge ng tawad sa mga maling ginawa - Hindi mo man sinasadya ang mga nangyari mahalaga parin sa relasyon ang salitang " Sorry ". Itapon ang pride sa mga ganitong pagkakakataon, pero kung mahal mo talaga ang isang tao maging tama ka man o mali, kailangan mo syang amuhin at sabihing kalimutan na lang ang nangyari para sa ikakabuti ng relasyon.

2. Alamin ang Ayaw at Gusto ng isat-isa - Mahalaga sa relasyon na alam mo ang ayaw at gusto ng iyong minamahal. Ito ang madalas pag awayan ng dalawang mag-syota, mag-asawa palibhasa'y hindi pa kabisado ang isat-isa kaya madalas nauuwi sa hiwalayan. Hindi porke gwapo, macho, mayaman, maganda, sexy, mahal mo na agad mas makaka-buti sa inyong dalawa kung kabisado nyo ang pag-uugali ng isat-isa.

3. Huwag ng maghanap ng iba - Kung talagang mahal mo ang iyong asawa o syota hindi mo na kailangan mag hanap ng pagkukulang nya, matuto kang makuntento kung ano siya at kung ano ang kaya niyang ibigay pa sa iyo. Kadalasan ang palusot ng iba palakaibigan sila, iba ang palakaibigan sa lumalandi.

4. Magkaroon ng oras para sa isat-isa - Hindi dahilan ang pagiging busy. Kailangan nyong mag-laan ng oras para sa isat-isa, kadalasan ito ang nagiging dahilan kaya't nababaling ang pagtingin ng isang tao sa kanyang minamahal naghahanap ng ibang kaligayahan sa iba. Kahit magkalayo kayo, marami paring paraan para kayo ay makapagusap  at alamin ang sitwasyon ng isat-isa

5. Kapag dumating ang Problema i-daan sa mabuting usapan - Mahalagang pag usapan ang problemang dumating, walang perpektong relasyon darating ang ibat-ibang uri ng pagsubok sa inyong relasyon huwag itong baliwain maging maliit o malaki man ito, mas makakabuti rin kung alimin ang puno't dulo ng naging problema. Hindi kailangan mag sigawan, hiyawan, sisihan ang kailangan lang ay ang magbigayan.


                                       Sana maka-tulong ito sa inyong relasyon kahit papaano.

Friday, 13 May 2011

FOOLitika

Makapangyarihan, nagpapasya ng buwis,  gumagawa ng batas, pasan ang problema ng buong bansa. Pero bakit nga ba marami ang nakikipag-patayan para maging Foolitka? Ano ba talaga ang mapapala ng isang tao kapag siya ay naging miyembro ng Foolitika?

Ayon kay Pareng Google ang pinakamataas na sahod ay 60,000 plus at 25,000 plus ang pinaka mababa, walang bayad ang overtime, araw-araw may trabaho walang day-off walang christmas bonus. Pero marami ang nagkakandarapa dito, marami ang guma-gastos ng milyong-milyon piso para maging Foolitika.

Yung “PLUS” ay KURAKOT na tinatawag,kaya maaring plus 2 million, 3 million depende yan sa tigas ng pagmumukha ng mga Foolitikong gustong bumawi sa puhunan nya sa eleksyon. Kaya pwede na rin pala!

Kumento ko ito, tutal libre naman e, wala rin naman akong  masamang sasabihin.

Bwitre, timawa,  buwaya ganyan dapat ang  ilarawan ang mga Foolitiko. Hindi ko sinisisi ang mga Foolitika sa Pilipinas pero talamak talaga ang nakawan mula sa Kagawad hanggang sa Presidente. Sasabihin ng ilan "Hirap sa Pinoy e, sinisisi lahat sa Gobyerno natin". Hindi ko sinisisi ang Gobyerno natin natutuwa ako dahil kaya nilang gumastos ng isang milyon sa isang hapunan lamang habang ang ilan ay walang makain, kaya nilang bumili ng magagarang sasakyan habang ang ilan ay natutulog sa kariton, kaya nilang mag ambagan ng pera at magdiwang sa pagka-panalo ni pakyaw, kaya nilang magnakaw ng Bilyon habang ang kalsada ay sira-sira.

Naglipana na rin ang mga bobo, inutil, tanga, engot na artistang nanalo sa pagka-FOOLitika. Palibhasa ini-idolo nila ito, kaya minsan nakaka-lusot ang mga ito. Sa amin sa Valenzuela mistulang Binibining Pilipinas ang kumakandidato sexy, maganda, matangos ang ilong, maputi, mabango at talaga namang maakit ka, syempre nananalo parin sila.

Kahit sino sigurong umupo sa Gobyerno walang mangyayari sa Pilipinas hayaan na lang natin ang panahon ang makapag sabi kung kelan talaga mauubos at mamamatay ang mga MAGNANAKAW ng kaban ng bayan !

Sana ito na nga ang pagkakataon nating mabago ang kapaligiran o ang bansa natin. Mahirap pa ring umasa at mahirap pa ring mangarap. Pero mas mahirap naman na wala tayong gagawin para mabago ito di ba? Kaya maging maingat tayo sa iboboto natin, maging mapili tayo kung sino ang bibigyan natin ng manibela para paandarin ang naghihingalong bansa natin. Hindi man para sa atin kundi para na lang sa mga anak natin at apo.



Wednesday, 11 May 2011

Why i blog?

mag handa na kayo at madugong labanan ito. Pasintabi ho sa mga kumakain dyan at mag i-Ingles na ako ng tuluyan.

Why you blog?




Before i blog i'm a murderer, yes a murderer simply because i kill time. At first i would say this is just the result of my boredom, its driving me crazy when im doing nothing but facebook, Definitely Filipino give me idea what should i do "Are you interested in writing?" ok let me try, i have nothing to lose. I already send 3 articles in a day at Definitely Filipino and finally after 2 days, 1 of my article posted on their website. Its a pleasure, no words can describe what i feel that day, a beginner writer with 200+ like, woah ! priceless.


Today marks one week since i started this blog, so i decided to take a minute and reflect on what i’ve learned in 1 week.  I’ve posted every day since i started, which i find amazing.  Quite a few people read what i write, which i find even more amazing.  And some even share what i write with their friends, which i find amazingly amazing.  Mostly, i’m shocked at how easily i’ve fallen into this process and how much i value it.

When i started this blog, i said it was about taking action.  The action being the writer of blog posts.  i said it would be okay if nobody read them because i wanted to concentrate on the action of expressing myself.  Well, i still value the process of expressing myself but I also care if you read what i write.  I love the feeling that something i wrote, spoke to someone, made them think about something in a new way, helped them know that someone else feels the same way, or made them laugh.  It’s a form of connection.  And i like it.  i especially like it when you let me know what you think.  So if you have a minute, leave  comments, don't worry its free!


So thank you for spending the whole week with me.  Thank you for reading.  Thank you for sharing with your friends.  Thank you for your comments and feedback.  I’m not sure if this blog has met your expectations.  I’m not sure if it’s met mine.  But that’s another lesson in itself, isn’t it?  Why would this need to meet anyone’s expectations? as long as were both happy what we're doing.


It feels great to write down an awesome thought and put it out here for people to read.  Even if you don’t think it’s as awesome as i do. So, as long as i have thoughts in my head, I’m going to have something to write about. 



"i think, therefore i blog"

Tuesday, 10 May 2011

Pangako sayo !

Puputi, kikinis ang balat, papayat, tatangkad, tatalino, gaganda ang daloy ng dugo, lilinaw ang paningin at kung anu-ano pang kalokohan ang ipapangako para bumili ka ng kanilang produkto. sa kanilang mga ads sa tv o billboard nakasulat ang " No therapeutics claims "  na ang ibig sabihin sa tagalog ay walang kasiguraduhang mabisa ang produkto o epektibo ba talaga ito kapag ininom /ginamit mo ito. Mautak din ang mga may-ari ng produkto, sa halip nga naman ilagay nila na "Walang kasiguraduhang epektibo ang produkto na ito" ilalagay nila sa mismong kahon ay " No therapeutics claims " syempre hindi lahat ng Pilipino marunong sa salitang Ingles.

Lumalabas na rin ang mga ice tea, powder juice at iba-ibang pang inumin na nagsasabing nakakapayat ito. Kailangan mo daw mag dyeta, ehersisyo at uminom ng kanilang produkto para sa mas magandang resulta. Hindi ba parang tinatarantado ka na lang nila? papayat ka naman talaga, hindi dahil sa kanilang produkto dahil ito sa iyong pag dye-dyeta na kahit hinang-hina at hilong-hilo kana sa gutom. Ang pag gawa ng iba't ibang klaseng ehersisyo at papagod sa sarili. sinong hindi papayat nun? 

Chin-chan-su, maxi-peel, eskinol ito ay ilan lang sa mga pang-paputi. Marami-rami narin anga kakilala kong gumagamit nito.maganda naman ang kinalabasan. pumuti muka nila pero maitim ang katawan, daig pa ang sumali sa hipan-harina-kuha-piso tuwing piyesta, at ang kagandahan dito ang maging multong bakla, halos 2 linggo siyang  hindi lumalabas, para daw sa magandang epekto nito. Tinuro rin nila saken ang proseso, maghihilamos ka gamit ang maxi-peel pagkatapos mag pupunas ka ng eskinol, at ang huli hayaang nakababad sa muka ang chin-chan-sung pinahid. Lumipas na ang araw, daig pa nya ang may na aagnas na muka, nagbabalat na kasi dahil sa maxi-peel umeepek na daw, woah!  Pero meron ng isang mabisa at walang kapagod-pagod, gumamit ka ng glutatayon ! 

Siguro matuto tayong makuntento kung ano ang binigay sa atin ng diyos. Marami na rin ang napapahamak sa kaka-asam nating mabago ang ating buong katawan. Mababago mo ang iyong pagkatao hindi ang pag-uugali mo. Pero ang pinaka mabisa at walang ka-hirap-hirap at nakakasigurado akong ikaw makakamtan mo ang inaasam-asam mong katawan at kutis sa tulong ng photoshop :)

may isang half-cast na nag email sakin ! WHAT !?

May isang Filipina,British ang nag send sakin. nabasa nya daw ang aking wikang banyaga at humanga daw sya sa ginawa ko, magaling daw at kahit papaano ay may natututunan sya sa blog ko (ewan ko baka inuuto lang ako nito) at maya maya nanghinge ng favor, baka daw matulungan ko sya sa thesis nila na "Taglish" (kaya naman pala) 

Pasintabi muna sa mga kumakain at perstaym ko lang mag-susulat ng english.

ito ang mga tanong nya na sinagutan ko

1.       I am   :                  male
2.       My age :                23               years old
3.       I live in:                The Philippines   
4.       I was born in:       The Philippines   
5.       What language(s) do you speak the most?
         Mostly Tagalog, our national language

6.       What language(s) do you speak at home?
         My mom is Working overseas before I born. But when we’re talking at home   we usually use our “tagalog”


7.       Do you speak Taglish?  

No, because for me if you can’t speak English very well why use it? Be yourself and don’t try things that will give you a hard time.

The following questions are about Taglish in the Philippines.
8.       Do you regard Taglish as an acceptable language variety? Why (not)?
          I don’t think its acceptable as our language. The good example is, not all of the Filipino can afford to go to school, and I don’t blame our people, business man or even our own Politics. I’m just wondering how about the other people who can’t understand what the other people said? I know that English is the international language, so if you can speak it fluently why you do taglish?

9.       In what kinds of situations would you speak Taglish
          NEVER !
10.     In what kinds of situations would you never use Taglish?
          I’m here at Nigeria now. When we Filipino people talking each           other we usually use our language although they are more           professional using English as their second language
11.     Do you mind if people from the government use Taglish?
          That’s the big, big, big PROBLEM.  Everytime they having ; SONA (state of the nation), Hearing some cases or call a media. They usually use Taglish/English. I just wondering why? What about other people? What about those people who can’t understand what they say? I think they just using Taglish/English to make them Cool or to prove to Filipino People that they are Educated.

12.     Would you say Taglish is used in the classroom by pupils?
          Every now and then.
13.     Would you say Taglish is used in the classroom by teachers?
          Yes, that’s why pupils is copying them.
14.     How do you feel about the use of Taglish in the educational surroundings?
          They just teaching another person to be a moron.
15.     Can you briefly describe what you think Taglish is?
          Taglish is for the IDIOT people who can’t fluently Speak/Write           English/Tagalog 



16.     Can you give 2 examples of Taglish sentences?
          These are the common
          In telephone…
          Pare, how are you na? last time nakita kong sumemplang ka sa           motor ah
          Buddy, how are you now? Last time I saw you, you’ve got a           motor accident.

        Sa wakas Christmas na, ano kaya ang regalo sa akin ng         boyfriend ko ngayon? Well I don’t care kahit wala siyang regalo.
          At last it’s Christmas. I wonder what present my boyfriend will           give to me? Well I don’t care if he will not give me a present.

The following questions are about the grammar of Taglish.
17.     According to you, are there any rules that tell you when to switch from Tagalog (or any other Philippines language) to English and vice-versa?
          I think there are no rules, as long as you mix Tagalog/English word to make a sentence.its already called Taglish

18.     If so, could you mention these rules?
          No rules J


19.     While using Taglish, which word order do you use most: VSO (Verb-Subject-Object) or SVO (Subject-Verb-Object)?
           They usually use Verb as English, tagalog as subject, English/tagalog as object
20.     Could you make acceptable Taglish sentences from the following sentences?

1.        Matulog ka na. Antok na me ! hirap you gisingin in the morning e

               Go to sleep already ! im sleepy ! you’re giving me a hard time               when I woke you up

2.        Magkaaway sila. Wag kang makikialam sa kanila or else ikaw pa ang sasaktan nila

               They are enemies. Don’t bother them, or else you they will                hurt you more

3.        Ang Amerikana ang titser- this is wrong sentence

“Amerikana ang titser” natin sa English ngayon don’t make him mad papaluin ka nya sa ass

               The American is the teacher in our English subject don’t                make him mad she will spank you in the ass

4.        “Gusto ko nun”. Can you bili one para sa akin?

I like that       . Can you buy one for me?   



Marami parin akong alinlangan sa taglish. Gayunman hindi na maawat ang pagpasok ng taglish sa kumbersasyon  maging sa text o dagliang pag susulat. Sa katotohanan malaking bahagi ng karanasang pang araw-araw ang pag gamit ng "taglish"

Hindi ko alam kung mali ako. Pero parang Pilipino lang ata ang naghahalo ng kanilang salita sa Ingles o mas kilala natin bilang "taglish" wala pa kasi akong naririnig na ibang lengwahe na hinaluan ng Ingles.

kaka-send ko lang sa kanya. syempre salamat daw sabi ni porener :) 
           

Monday, 9 May 2011

Mga bagay-bagay na hindi dapat paniwalaan

Sandamakmak ata ang mga pinaniniwalaan ng Pilipino,.

Ito ang ilan sa mga pinaniniwalaan ng Pilipino na walang ka kwenta-kwenta at dapat hindi paniwalaan.

1. Kapag hindi sinasadyang nakagat ang iyong dila, may naka alala sayo - Tatanungin mo pa yung kasama mo "pare numero nga nakagat ko dila ko e" si tanga-tangang kumpare sasagot "5 pare" ang pang limang letra sa alpabeto, dun daw nagsisimula ang letra ng naka-alala sayo. Paano na lang kung milyon na ang binigay mong numero? baka nakagat na ulit ung labi nya kakabilang ng alpabeto, di parin nya alam kung sino ang naka alala sa kanya

2. Habang umuulan at biglang umaraw may kinakasal na Tikbalang -  Sino naba ang naka-attend sa kasalan ng tikbalang at nasabi ang ganitong bagay? hindi ko alam kung saan nauso yan.

3. Nakahiga yung tao.. nahakbangan mo siya, kailangan mo balikan baka hindi na siya lumaki/tumangkad - Bakit? Papaano? kung ganyan nga ang nangyari baka hindi na binalikan ng nakahakbang sa kanya si Dagul.

4. Panliligaw - Ako mismo hindi ko pinaniniwalaan ito, Bakit? isipin mo manliligaw sayo ng taon, buwan, linggo, araw susuyuin ka, i te-txt/tatawagan ka gabi't araw, bibigyan ka ng flowers at chocolates tuwing valentines day, susunduin/ihahatid ka sa trabaho, papakita lahat ng magandang paguugali, maporma, mabango, malambing. Ok na ! nagpa uto ka! sa wakas nag-bunga na ang pang-uuto nya sayo mag syota/asawa na kayo asahan mo, isa-isa ng mawawala yan at bandang huli ikaw pa mumurahin nyan lalo na kapag nakama ka na nya.

5. Ang ibat-ibang uri ng "byuti pradaks" na nangangakong ikaw ay papayat o puputi - madalas naka-sulat o pinapalabas nila na "no terapyutiks kleyms" pag dating sa wikang Ingles hindi lahat ay marunong bumasa at sumulat kung alam lang nila ang ibig sabihin ng "no therapeutic claims" ay walang kasiguraduhan na ang produkto ay mabisa sa tao, paano mo nga naman bibili kung alam mong hindi ka sigurado? Ang ibat'ibang klase rin ng pang-papayat, para makuha mo ang inaasam mong katawan kailangan mong mag dyeta, ehersisyo at gamitin ang kanilang produkto. Tantanan nyo nga ako ! papayat talaga sila kahit wala ang produkto nyo !

6. Horoscope - Sa dinami-dami ba naman ng tao sa mundo isa lang ang kanilang hula?

7. Manghuhula sa Kyapo - Napakarami nyan sa Quiapo magbabayad ka ng 50 pag palad lang ang huhulaan at 100 pag may kasamang tarrot cards. Bago umalis ng bansa si ermat nagsimba kami sa Quiapo pagkatapos nagpahula siya, sabi ng manghuhula "makaka-pag abroad ka" , "sa tanda kong ito makaka pag abroad pa ako?" ... "swe-swertihin ka sa anak mo, makakatapos lahat sila ng pag aaral" nagtinginan kami ni ermat O.o (baka naman kasi ang tinutukoy nya yung high-school), at ang pinaka nakakatawa "merong masamang ispiritu sa bahay nyo (sabay alok ng kung anong produkto pang taboy ng ispirito sa halagang 350)" ang manghuhula biglang naging promodayser.

8. May kutsa/tinidor na nahulog may bisitang darating - Paano na lang kung tuyo/asin ang ulam nyo, may bisita pang dadating, paano na lang kung bitin pa sa inyo at maki-kain. trahedya ang mangyayari. Likas na kasi sa ating mga Pilipino ang pag alok sa isang bisita habang kumakain na kahit alam nating hindi siya kakain.

9. Bago matulog mag-lagay ng libro sa ilalim ng unan para tumalino - Anong kinalaman ng libro sa pagtalino ng tao? Pero para sa akin kapag FHM/Playboy magazine ang nakalagay sa ilalim ng unan, may ginawang masama kagabi yan !

10. Sandamakmak na Chain Message - Mga siraulong nagte-text at nagpo-post ng chain message dahil ikaw ay swe-swertihin/mamalasin kapag pinutol mo daw ito. Ang hindi ko lang maisip bakit mabenta parin ito sa iba.

Bobo lang ako at hindi Tanga! hindi ko kailangan maniwala sa mga bagay-bagay na talagang hindi kapani-paniwala, napakarami pa dyan baka maubos ang buong araw ko kakasulat ng katangahan ng paniniwalang Pinoy.

Sunday, 8 May 2011

Tara, laro tayo !


Tumbang preso, trumpo, mataya-taya, tagu-taguan, agawang-base, piko, sipa, luksong baka/tinik at ang walang kamatayang langit-lupa. Noong panahon ko hindi kailangang gumastos ng malaking halaga para lang makapag-laro o mag-enjoy madalas yung mga patapong bagay gaya ng balat ng kendi, tansan, lata ng sardinas, pakete ng sigarilyo, goma, plastik, ting-ting at kung anu-ano  ay ginagawa noon na laruan.

"Ma-iba... taya","Gumaya saken... hindi taya" sino ba sa atin ang hindi alam ang prosesong ito.

Lahat siguro ng pinanganak noong 80's-90's alam ang karaniwang laro tulad nyan. Dahil sa mga larong gayan nauso rin ang salitang "burot" tumutukoy sa taong matagal naging taya. Ang mga ganitong laro ay hindi kailangan ng malaking pera, pakikipag-kaibigan at pakikisama lang ang kailangan maari ka ng maglaro at mag-libang.

Mababaw lang ang kaligayahan namin noon kahit ganyan lang ang laro namin, madalas sa Plaza kame nagkikita upang doon maglaro. Malawak at maganda kasi ang Plaza sa aming probinsya. Pawisan, madungis, amoy-araw, minsan nasusugatan pero kinabukasan balik ulit sa Plaza para mag laro. Hindi uso sa amin noon ang pera, kapag nauuhaw nakiki-inom kami sa karinderya malapit sa Plaza, hindi naman kasi purified/sterilized water noon kaya siguro pumapayag din ang may-ari ng karinderya.

Sa panahon natin ngayon bibiihira na akong maka-kita ng mga batang naglalaro sa kalsada, mas magastos rin ang mga bagay na pwede mong paglibangan. Di-remote control na kotse, eroplano at kadalasan computer ang pangunahing laro ng kabataan, nawala na rin ang pakiki-pagsalamuhasa kadahilanang naka kulong na lang sa lagi bahay, kulang na rin sa ehersisyo. Bisyo na rin ito kung ituring at hindi na maiwasan ang pag-lobo ng kabataang nahuhumaling sa mga Computer Games na nagiging sanhi ng kanilang pag-liban, pag-bagsak at tuluyang pagkasira ng Pagaaral.

Sugal !

Bata, matanda, may ngipin o wala basta meron kang pera kasali kana! Bakit nga ba ang hilig natin sa Sugal? nariyan ang tong-its, pusoy, lucky-9, lotto, jueteng, lotteng, jai-ala sa sobrang dami baka manawa ka na lang sa kakabasa

Pati ang mga hayop ay ginagawa ng libangan upang mapagbigyan lang ang hilig natin sa sugal manok, kalapati, gagamba, aso, kabayo. Sa kanilang laban isa lang ang patakaran matira ang matibay, patay kung patay! pero iba ang kalapati dadalin lang sa malayong lugar hahayaang lumipad at dapat maka-uwi sa bahay ng kanyang amo at kapag naligaw ng landas at sa ibang kamay bumagsak, dalawa lang ang pupuntahan nya ; kulungan o kaldero

Iba-iba ang pananaw natin sa sugal para sa iba libangan lang, para sa nakakarami bisyo na. Sa sugal dalawa lang din ang pupuntahan mo, ang manalo o di kaya'y matalo. Marami ang nagiging sanhi ng pagka-adik natin sa sugal yung ibang mayayaman bigla na lang maghihirap at yung mga mahihirap biglang yayaman. Sa sobrang humaling na ng iba sa sugal embes na ibili ng pang-kain tinataya pa nya ito, para lang mapunan ang kanyang bisyo.

Mahilig kasi tayo sa "instant" yung tipong lahat dinadaan natin sa pinaka-mabilis na paraan. Sa pag taya na lang natin sa sikat na sikat na sugal sa ating bansa ang Lotto. Marami ang nangangarap na makuha ang "jackpot prize" dito. Sino ba naman ang hindi maakit, sa kaunti mong barya kapalit ay milyong-milyon piso na kahit na limang metro ang pila magtitiis ka para makataya.

Sadya sigurong kabiyak na sa nakakarami ang sugal, sana naman swertihin kayo at wag nyo kong kalimutan kapag kayo ay milyonaryo na :)

Saturday, 7 May 2011

Pagmamahal mo aking Ina

Nagmamahal, nagpalaki, nagpapa-tawad sa mga mali mong nagawa, takbuhan sa oras ng kagipitan at walang sawang  nag aalaga. Sadya sigurong hindi mapapalitan ng materyal na bagay ang pagmamahal ng isang Ina

Sanggol ka palang hindi na alintana ang pagod sa pag-aalaga sa iyo, nariyan ang pag-gising sa madaling araw upang padedein ka, nagpapaligo at nagpapalit ng iyong lampin. Ang bawat tawa at iyak ay nagiging musika sa kanyang pan-dinig. Siya rin ang natutuwa sa una mong pag-dapa, pag-gapang, pag-tayo at madalas ipinagyayabang pa ito sa mga kakilala. Kahit hindi na maintindihan ang iyong pagkanta pati na ang iyong kang-karot na sayaw nariyan parin siya na handang pumalakpak at humanga sa iyong ginagawa.

Gigising ng maaga para mag-plantsa ng uniporme, magha-handa ng iyong baon, magpapaligo at  maghahatid sayo hanggang sa mismong pinto ng silid-aralan. Madalas mas exited pa sya sayo sa unang pasok mo sa iskwela. Hindi ka niya iiwan, mag aabang at mag-aantay habang galak na galak sa iyong ginagawa na kahit alam nyang wala.

Iba talaga ang pagmamahal ng isang Ina. Nagiging doctor sa tuwing nasusugatan, nagiging guro para ikaw ay turuan, nagiging pulis para ikaw ay protektahan pero kadalasan buong araw mong katulong na para bang napapagod sa ginagawa nya.

Malaki kana at marami ng nagbago sa buhay mo, natuto ka ng mag-mahal, makipag-barkada, mag-bisyo, at madalas sumasagot kana sa tuwing ikaw ay kanyang pinapagalitan, ang dahilan mo lagi masyado silang "over-protective" hindi mo lang alam na gusto niya lang na maging maayos ang buhay mo.

Pag dating ng panahon magiging Ina ka rin, naway huwag  mong kalimutan ang  sakripisyo niya para sa sayo. Maging mabuti ka rin sanang ehemplo para sa iyong magiging anak.

Love at first sight !

Sarap ng feeling pag sya na ang kasama ko, nasira rin ang buhay ko ng dahil sa kanya pero iba kasi ang ligaya ko pag sya na ang aking kasama para bang sa kanya na lang umiikot ang mundo ko.

Bata palang ako nung una ko syang makilala nung una minsanan lang kame tuwing mag kita pero noong nag laon para bang nabibighani na ako sa kanyang kakaibang karisma, madalas nga ginagabi pa ako sa kanila kaya naman tutol na tutol ang magulang ko nung nalaman nila ang ginagawa ko. Napagalitan at napalo na rin ako dahil madalas akong umuuwi ng gabi kayat nag pasya na akong kalimutan siya.

Dumaan ang ilang mga taon at naka-graduate na ako ng elementary muli ko siyang nakita, pero nagbago na sya mas lalo nya akong napa-ibig gamit ang kanyang mapang akit na salita. Balik sa dating gawain pero ngayon nag iingat na kame at hindi ko na rin pinapaalam sa magulang ko na nagkikita pa kame. Masaya ang bawat sandali na siya ay aking kasama, hindi sya marunong magalit, magselos, mag-demand ng kung ano ano ,kuntento na siyang mag kasama kaming dalawa.

Naka-graduate na ako ng high-school at salamat mag kokolehiyo na ako. Hindi parin nag bago ang tingin namen sa isat isa talagang na love at first sight ako sa kanya. Habang tumatanda sya ay lalong gumanda. Naging magastos ang naging pag-sasama namen nung kolehiyo kung saan na rin kame nagpupunta halos hindi na ako umuuwi ng bahay makasama lang sya. Dahil sa maliit ang allowance ko natuto na akong mangupit ayaw ko kasing mapahiya sa kanya. Sobrang humaling na ako sa kanya nalimutan ko na rin ang pag-aaral at lagi akong nasa kanila masayang masaya pa ang parents nya pag nandun ako, ewan ko ba kung bakit.

Tuluyan na akong napahinto sa kolehiyo, bagsak ako sa lahat ng subject pero nandyan parin sya para sumuporta at magpaligaya sa akin. Pakiramdam ko na adik na ko sa kanya. Natuto akong magmura, manigarilyo, uminom ng kasama sya hindi na rin kasi sya iba sa tropa ko at marami na rin akong naging tropa ng dahil sa kanya.

Tumanda na ako at nakapag asawa at nagka-anak kaya't napa-isip na rin ako na walang patutunguhan ang buhay ko kung maglalaro ako ng Computer Games tama na siguro yung naidulot nya sa aking kasiyahan at sa pag laon ng panahon naway tuluyan ko na syang makalimutan.

Friday, 6 May 2011

Yosi kadiri

Pagkatapos kumain, yosi. Habang tumatae, yosi. Habang nanonood ng tv, yosi. Nagaantay, naiinip, kinakabahan, nagagalit, yosi. Para bang kadikit na ng pamumuhay ng ilan ang pag hitit ng sigarilyo. Pero ano ba talaga ang dulot ng sigarilyo sa tao? maykaakibat ba itong ligaya sa bawat hitit mo? maisasabay ba sa pag buga ng usok ang mga problema mo?  sasarap ba ang kape mo kapag ika'y naninigarilyo? 

Sa bawat sulok ng mundo meron taong naninigarilyo. Malimit na perwisyo sa ibang pasahero ng jeep ang naninigarilyo kahit ba sabihin nating ibinubuga nya ito sa bintana, pwede mo ring sabihing "sir/ma'am pwede paki patay po yung sigarilyo" meron ibang papatayin at meron yung iba naman galit pa kapag nakiusap ka na sa kanila.

Ako mismo ay aminadong naninigarilyo, pero hindi ako kabilang sa taong walang disiplina na kahit nakitang "bawal manigarilyo dito" gagawin parin o kahit may nakitang taong nakatakip ng panyo ang ilong sige parin ang hitit. Mahirap maiwasan para sa akin ang pag pigil sa aking bisyo kaya't bilib na bilib ako sa mga taong sa isang iglap lang ay kayang itigil ang paninigarilyo.

Sa lahat ata ng produkto sa buong mundo Sigarilyo lang ata ang sumisira sa kanilang pangalan, Paano? Smoking is dangerous to your health, Smokers are liable to die young, Smoking can harm your kids pero mabentang mabenta parin kahit kaliwat kanan na pinapakita sa tv, youtube, social network na marami ang makukuhang sakit kapag ang tao ay naninigarilyo lalo na ang taong nakakalanghap nito.

Pinagtataka ko lang legal parin ang paninigarilyo.

Ang mariuwana ay isa ring uri ng sigarilyo pero iba daw ang tama nito. Nakatikim na rin ako, pero para sa akin pareho lang wala yung pinagmamalaki nilang tataba, laughing trip, high na high, hindi mo na alam ang ginagawa mo ng dahil sa mariwuana. Sa Pilipinas pag nahuli kang nagbebenta ng mariuwana bawal ang piyansa, pag nahuli kang nagbebenta ng drugs pwede ang piyansa. Bakit ulit? yun din ang pinagtataka ko sa atin, pero sa ibang sulok ng bansa legal ang pag gamit ng mariwuana. Ayon kay Kumpareng Google Australia, Argentina, Belgium, Columbia at Nepal ay kabilang sa bansang legal ang pag gamit ng mariwuana para sa pansarili lamang at dapat ay nasa tamang edad.

Sumatotal sigarilyo at mariuwana ay walang mabuting maidudulot sa iyo sa kahit anong aspeto ng iyong buhay kasabay ng pagsunog ng sigarilyo ay ang pagsunog ng iyong baga, pera at ang taong naka paligid sayo.

Ang bilis mong makalimot, dati rati ako lang ang kasama mo ngayon, nahuhumaling ka na sa iba

Computer, Cellphone, Ipod, Camera, Remote Control, DVD, LCD TV at kung ano ano pang mga bagay na pwede mong gamitin sa pang araw-araw na buhay.

Masaya na tayong nakaka paglaro sa Family Computer kahit na paulit-ulit mong ginagawa ang up,up,down,down,left,right,left,right B, A, START. ngayon ibat ibang klase na at ikaw na mismo ang manawawa sa sobrang dami mong pwedeng pagpilian nariyan na rin ang kabilaang sugal,tournament, puyat, pangungupit at masira ng tuluyan ang buhay mo ng dahil sa Computer Games.

 Dati sumusulat pa tayo sa ating mahal sa buhay na malayo sa atin,  ipapadala sa post office at mag aantay ka ng maraming araw bago nya ito matanggap, ngayon bumahing ka lang nabasa nya na agad ang iyong text dahil sa cellphone syempre hindi na ma re-receive yun kung wala kang load. Isa sa nakakatawang nakasanayan naten "sa LRT, nag ring ang cellphone or may nag text, pansinin mo ang tao sa paligid lahat yan ilalabas ang kanilang cellphone pero kabisado naman nila ang kanilang ringtone". tama diba?

Dati pag may walkman ka lang sikat kana noon, parang ang cool mo na tignan lalo na't naka subit sa sinturon mo ang iyong walkman, ngayon pag may nakita kang naka earphone at tawa ng tawa wag kang mag alala hindi ikaw ang tinatawanan nun nakikinig lang ng radio sa cellphone un. Malalaman mong Ipod ang gamit nya pag nilabas ito at pumili ng ibang kanta o di kaya nakatali ito sa leeg nya na parang sinasabi sayong " Naka Ipod ako, Bleh ! ".

Pag may okasyon lagi itong dala, may kuhang limitado lamang sa napili mong bala at pag minalas malas minsan pangit pa ang mga kuha, yan ang camera kailangan mo munang bumili ng film na may 24-32 shots ngayon kahit anong angulo o kahit anong gusto mong kuhanan wantusawa ka pede mong i zoom nag pag kalayo layo hindi ka na rin gagastos ng malaki para lang mapa develop ang iyong mga kuha. Kukuha ka ng I.D. pictures? para ka lang nanigarilyo at ibibigay na sayo yung picture mo.

Masaya na rin ako dati kapag nakikita kong umaandar ang aking kotse kotsehan na may ibat ibang ilaw meron pa nga yung tuma tumbling kinikilig kilig pa ako at kunwaring hinahabol ako ng kotseng di-baterya ngayon ikaw na mismo ang magpapatakbo ng kotse-kotsehan mo at kung may alaga kayong hayop at natakot sa kotse madalas sya nman ang pinapatakbo mo. Saranggola lang ang napapalipad ko noon, madalas nababatukan pa ako dahil inuubos ko ang walis ting-ting sa pag gawa ng sarangola, ngayon maliit na helicopter na ang uso hindi ka na rin mababatukan dahil ubos na ang walis tingting nyo malamang dahil lagi mo itong china-charge.

Dati kapag may tv kayo sa bahay at ang kapit bahay nyo wala araw-araw makikinood sa bintana nyo na parang nililinis ang bintana dahil na kakapit pa sa rehas mistulang mga presong nanonood mula sa kanilang selda ngayon karamihan na ng bahay may tv na.

Nightmare on Elm Street ang kauna unahan kong napanood na horror sa betamax mula noon naging matatakutin ako dahil kay Fred Kruger at madalas nauutusan pang i rewind yung bala dahil isosoli na sa may ari ngayon play,stop,pause napaka simple at napaka konbinyente ng panonood kung may pera ka sa sine kapa manonood at naka shades kapa. Cool ! wag kalimutan ang picture taking at i upload sa social network para malaman nilang nakapanood kana sa 3D at hindi ka inosente pag dating sa ganoon.

Binigay ko sayo ang lahat, kulang parin ba?

Mahirap ang mawalay sa iyong minamahal, ngunit wala na sigurong mas hihirap pa sa lahat ay ang mga taong hindi kuntento sa binigay mo, maging materyal na bagay o pagmamahal.

Sa panahon natin ngayon nag kalat na sa buong mundo ang Pilipino. Gumaganda na rin ang emahe ng kapwa nating pinoy sa mga nagtatrabaho dahil na rin sa tawag natin dito meron dyang
Caregiver - taga-alaga ng matatandang mayaman malapit ng mamatay na ayaw alagaan ng kanilang pamilya gawa ng trabaho/negosyo,
Entertainer - na kung tawagin dati ng nakakarami ay Japayuki at ibat-ibang klase ng OFW. Madalas sa atin kapag naririnig na ang isang miyembro ng iyong pamilya ay OFW mataas na ang tingin nila o ikaw na mismo ang nag taas ng tingin sa sarili mo. O.F.W. masarap pakinggan, unang iisipin ng normal na tao ay malaki ang sahod, nakarating ng ibang bansa, naka sakay sa eroplano pero hindi nila alam ang kapalit ng lahat ng ito. Mag isa mong ipagdidiwang ang Pasko, bagong-taon, araw ng mga puso, kaarawan at kung ano ano pang idinaraos sa buhay mo. Kapag ikaw ay nag kasakit walang ibang mag aalaga sa sarili mo kundi sarili mo lang din.

Marami na rin siguro sa atin ang nakapanood ng " Anak " ni Vilma Santos, perpekto ang pag kakagawa ng buong istorya. Hindi na rin ito nalalayo sa tunay na buhay ng mismong pangunahing karakter sa palabas isang inang iniwan ang pamilya, nangarap iahon ang pamilya sa hirap, nagtiis sa pag aalaga ng ibang tao pero ang sarili nya mismong anak ay hindi maalagaan kapalit ng Pera ipapadala sa pamilyang iniwanan.

Noong bata ako nasaktan ko na rin ang damdamin ng aking mahal na ina, hindi pa ako tao at hindi pa rin uso ang salitang OFW nag tatrabaho na sya sa labas ng bansa. Hindi ko rin alam kung ilan taon siya bago umuwi. Madalas sulat at tape recorder pa ang kumyunikasyon noon. Sabik ako sa nanay dahil bihirang bihira kaming magkita, magkasama, magkayakap sa madaling salita Mama's boy. Minsan pinalo ako ng aking ina sa hindi nya rin alam na dahilan walang pakundangan ko daw syang sinigawan ng " Bumalik kana nga sa ibang bansa, pinapalo mo lang ako kapag nandito ka e " nasa unang baitang pa lang ako noon kaya masasabi kong hindi ko pa talaga alam ang tama at mali.

Meron pang na-ikwento sa akin ang isang OFW, isang buwan syang nag bakasyon sa Pilipinas para makita at makasama ang kanyang Pamilya habang namimili sila sa isang mall kalong kalong nya ang anak, binili nya lahat ng gusto nito maya-maya nagtanong sa kanya ang bata. "Sino ka nga po pala?" hindi ko alam pero kahit ako mismo parang nasaktan sa narinig ko, ayaw ko rin kasing marinig sa anak ko na tanungin ako ng ganoon.

Walang ibang hinangad ang isang OFW sa kanyang anak kundi ang " makatapos ng pag-aaral " mananakaw, masusunog, mawawala, mauubos lahat ng perang hawak mo ngayon pero ang karunungang taglay mo ay hindi.

Sa ngayon medyo hindi narin ganon kahirap ang maging OFW gawa ng ibat ibang paraan para makausap o makita ang iyong mahal nariyan ang social network, chat, cellphone, telephone at kung ano ano pa. Salamat ng marami sa taong nag imbento ng mga ito

Tuesday, 3 May 2011

Wikang Banyaga

Kahit saan ka ata lumingon, mag-punta sa Pilipinas ay makakabasa o makakarinig ng Wikang Banyaga.  Sadya sigurong mas maganda kasing pakinggan o basahin ang wikang banyaga susyal daw kasi pag wikang banyaga ang ginagamit mo. Ewan ko bakit ba mas gusto natin gamitin ang Ingles ng ibang tao sa halip na gamitin ang sarili nating Wika?

Simulan na lang natin sa maliit na bagay. Sa damit na lang na iyong sinusuot madalas tawag mo ay T-shirt embes na kamiseta, Pants embes na Pantalon.

Karamihan ng Paaralan, Pasilidad ng Gobyerno, Pamilihan, Karinderya ay pinapalitan na rin ang Wikang Banyaga. Mangilan-ngilan na lang siguro ang gumagamit ng sariling Wika sa kanilang gusali. Para bang karamihan sa atin nababaduyan na kapag ginagamit na ang sariling Wika, Isipin mo nga naman kung ang sikat na sikat na pamilihan sa bansa natin ay isasalin sa Wikang Filipino

Super Malls - Magarang Pamilihan
Ayala Malls - Pamilihan ni Ayala
St. Francis Square - Santo Francis Parisukat

Ngayon madalas na rin ginagamit ang Taglish ( Tagalog at Ingles ) dahil sa katotohanan na malaking bahagi ng karanasang pang-araw-araw ng tao ngayon ang paggamit ng Ingles kahit pag basa laman ng bilbord at karatula sa lansangan, pagbasa ng de-latang pagkain at inumin, panonood sa telebisyon.
Dapat nating tanggapin ang katotohanan na hindi naman totoong lumaya ang Pilipinas sa Estados Unidos . Umalis lamang ang mga pinunong Amerikano sa ating bansa ngunit nananatili ang impluwensiyang Amerikano sa lahat ng aspekto ng ating buhay. Ang tingin ko nga, habang tumatagal, higit tayong nararahuyo sa bighani ng kulturang Amerikano, at siyempre pa, ng Ingles bilang wika ng globalisasyon.

Isa sa mga hindi ko alam kung bakit gumagamit parin ng Ingles ang ating Pangulo sa kanyang SONA, Inaugural Speech o kahit mag papatawag ng Media. Papaano kaya yung mga taong hindi marunong mag ingles? mangangapa na lang ba sila lagi? yung mga taong hindi man lang naka pag aral dahil sa kahirapan? paano kaya nila maiintindihan?

Ang pagtanggap sa katotohanang ito ay hindi isang pagsusuko sa pangunahing papel ng Filipino sa paaralan. Pagyukod ito sa praktikalidad. Bukod pa, pagtanggap ito sa simulain ng panghihiram bilang isang magaan at magandang paraan ng pagpapayaman sa ating katutubong Wika. Naway wag sanang tuluyang kalimutan ang sinabi ni Rizal.