Nagmamahal, nagpalaki, nagpapa-tawad sa mga mali mong nagawa, takbuhan sa oras ng kagipitan at walang sawang nag aalaga. Sadya sigurong hindi mapapalitan ng materyal na bagay ang pagmamahal ng isang Ina
Sanggol ka palang hindi na alintana ang pagod sa pag-aalaga sa iyo, nariyan ang pag-gising sa madaling araw upang padedein ka, nagpapaligo at nagpapalit ng iyong lampin. Ang bawat tawa at iyak ay nagiging musika sa kanyang pan-dinig. Siya rin ang natutuwa sa una mong pag-dapa, pag-gapang, pag-tayo at madalas ipinagyayabang pa ito sa mga kakilala. Kahit hindi na maintindihan ang iyong pagkanta pati na ang iyong kang-karot na sayaw nariyan parin siya na handang pumalakpak at humanga sa iyong ginagawa.
Gigising ng maaga para mag-plantsa ng uniporme, magha-handa ng iyong baon, magpapaligo at maghahatid sayo hanggang sa mismong pinto ng silid-aralan. Madalas mas exited pa sya sayo sa unang pasok mo sa iskwela. Hindi ka niya iiwan, mag aabang at mag-aantay habang galak na galak sa iyong ginagawa na kahit alam nyang wala.
Iba talaga ang pagmamahal ng isang Ina. Nagiging doctor sa tuwing nasusugatan, nagiging guro para ikaw ay turuan, nagiging pulis para ikaw ay protektahan pero kadalasan buong araw mong katulong na para bang napapagod sa ginagawa nya.
Malaki kana at marami ng nagbago sa buhay mo, natuto ka ng mag-mahal, makipag-barkada, mag-bisyo, at madalas sumasagot kana sa tuwing ikaw ay kanyang pinapagalitan, ang dahilan mo lagi masyado silang "over-protective" hindi mo lang alam na gusto niya lang na maging maayos ang buhay mo.
Pag dating ng panahon magiging Ina ka rin, naway huwag mong kalimutan ang sakripisyo niya para sa sayo. Maging mabuti ka rin sanang ehemplo para sa iyong magiging anak.
No comments:
Post a Comment