Bata, matanda, may ngipin o wala basta meron kang pera kasali kana! Bakit nga ba ang hilig natin sa Sugal? nariyan ang tong-its, pusoy, lucky-9, lotto, jueteng, lotteng, jai-ala sa sobrang dami baka manawa ka na lang sa kakabasa
Pati ang mga hayop ay ginagawa ng libangan upang mapagbigyan lang ang hilig natin sa sugal manok, kalapati, gagamba, aso, kabayo. Sa kanilang laban isa lang ang patakaran matira ang matibay, patay kung patay! pero iba ang kalapati dadalin lang sa malayong lugar hahayaang lumipad at dapat maka-uwi sa bahay ng kanyang amo at kapag naligaw ng landas at sa ibang kamay bumagsak, dalawa lang ang pupuntahan nya ; kulungan o kaldero
Iba-iba ang pananaw natin sa sugal para sa iba libangan lang, para sa nakakarami bisyo na. Sa sugal dalawa lang din ang pupuntahan mo, ang manalo o di kaya'y matalo. Marami ang nagiging sanhi ng pagka-adik natin sa sugal yung ibang mayayaman bigla na lang maghihirap at yung mga mahihirap biglang yayaman. Sa sobrang humaling na ng iba sa sugal embes na ibili ng pang-kain tinataya pa nya ito, para lang mapunan ang kanyang bisyo.
Mahilig kasi tayo sa "instant" yung tipong lahat dinadaan natin sa pinaka-mabilis na paraan. Sa pag taya na lang natin sa sikat na sikat na sugal sa ating bansa ang Lotto. Marami ang nangangarap na makuha ang "jackpot prize" dito. Sino ba naman ang hindi maakit, sa kaunti mong barya kapalit ay milyong-milyon piso na kahit na limang metro ang pila magtitiis ka para makataya.
Sadya sigurong kabiyak na sa nakakarami ang sugal, sana naman swertihin kayo at wag nyo kong kalimutan kapag kayo ay milyonaryo na :)
No comments:
Post a Comment