Sunday, 8 May 2011
Tara, laro tayo !
Tumbang preso, trumpo, mataya-taya, tagu-taguan, agawang-base, piko, sipa, luksong baka/tinik at ang walang kamatayang langit-lupa. Noong panahon ko hindi kailangang gumastos ng malaking halaga para lang makapag-laro o mag-enjoy madalas yung mga patapong bagay gaya ng balat ng kendi, tansan, lata ng sardinas, pakete ng sigarilyo, goma, plastik, ting-ting at kung anu-ano ay ginagawa noon na laruan.
"Ma-iba... taya","Gumaya saken... hindi taya" sino ba sa atin ang hindi alam ang prosesong ito.
Lahat siguro ng pinanganak noong 80's-90's alam ang karaniwang laro tulad nyan. Dahil sa mga larong gayan nauso rin ang salitang "burot" tumutukoy sa taong matagal naging taya. Ang mga ganitong laro ay hindi kailangan ng malaking pera, pakikipag-kaibigan at pakikisama lang ang kailangan maari ka ng maglaro at mag-libang.
Mababaw lang ang kaligayahan namin noon kahit ganyan lang ang laro namin, madalas sa Plaza kame nagkikita upang doon maglaro. Malawak at maganda kasi ang Plaza sa aming probinsya. Pawisan, madungis, amoy-araw, minsan nasusugatan pero kinabukasan balik ulit sa Plaza para mag laro. Hindi uso sa amin noon ang pera, kapag nauuhaw nakiki-inom kami sa karinderya malapit sa Plaza, hindi naman kasi purified/sterilized water noon kaya siguro pumapayag din ang may-ari ng karinderya.
Sa panahon natin ngayon bibiihira na akong maka-kita ng mga batang naglalaro sa kalsada, mas magastos rin ang mga bagay na pwede mong paglibangan. Di-remote control na kotse, eroplano at kadalasan computer ang pangunahing laro ng kabataan, nawala na rin ang pakiki-pagsalamuhasa kadahilanang naka kulong na lang sa lagi bahay, kulang na rin sa ehersisyo. Bisyo na rin ito kung ituring at hindi na maiwasan ang pag-lobo ng kabataang nahuhumaling sa mga Computer Games na nagiging sanhi ng kanilang pag-liban, pag-bagsak at tuluyang pagkasira ng Pagaaral.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment