Friday, 6 May 2011

Ang bilis mong makalimot, dati rati ako lang ang kasama mo ngayon, nahuhumaling ka na sa iba

Computer, Cellphone, Ipod, Camera, Remote Control, DVD, LCD TV at kung ano ano pang mga bagay na pwede mong gamitin sa pang araw-araw na buhay.

Masaya na tayong nakaka paglaro sa Family Computer kahit na paulit-ulit mong ginagawa ang up,up,down,down,left,right,left,right B, A, START. ngayon ibat ibang klase na at ikaw na mismo ang manawawa sa sobrang dami mong pwedeng pagpilian nariyan na rin ang kabilaang sugal,tournament, puyat, pangungupit at masira ng tuluyan ang buhay mo ng dahil sa Computer Games.

 Dati sumusulat pa tayo sa ating mahal sa buhay na malayo sa atin,  ipapadala sa post office at mag aantay ka ng maraming araw bago nya ito matanggap, ngayon bumahing ka lang nabasa nya na agad ang iyong text dahil sa cellphone syempre hindi na ma re-receive yun kung wala kang load. Isa sa nakakatawang nakasanayan naten "sa LRT, nag ring ang cellphone or may nag text, pansinin mo ang tao sa paligid lahat yan ilalabas ang kanilang cellphone pero kabisado naman nila ang kanilang ringtone". tama diba?

Dati pag may walkman ka lang sikat kana noon, parang ang cool mo na tignan lalo na't naka subit sa sinturon mo ang iyong walkman, ngayon pag may nakita kang naka earphone at tawa ng tawa wag kang mag alala hindi ikaw ang tinatawanan nun nakikinig lang ng radio sa cellphone un. Malalaman mong Ipod ang gamit nya pag nilabas ito at pumili ng ibang kanta o di kaya nakatali ito sa leeg nya na parang sinasabi sayong " Naka Ipod ako, Bleh ! ".

Pag may okasyon lagi itong dala, may kuhang limitado lamang sa napili mong bala at pag minalas malas minsan pangit pa ang mga kuha, yan ang camera kailangan mo munang bumili ng film na may 24-32 shots ngayon kahit anong angulo o kahit anong gusto mong kuhanan wantusawa ka pede mong i zoom nag pag kalayo layo hindi ka na rin gagastos ng malaki para lang mapa develop ang iyong mga kuha. Kukuha ka ng I.D. pictures? para ka lang nanigarilyo at ibibigay na sayo yung picture mo.

Masaya na rin ako dati kapag nakikita kong umaandar ang aking kotse kotsehan na may ibat ibang ilaw meron pa nga yung tuma tumbling kinikilig kilig pa ako at kunwaring hinahabol ako ng kotseng di-baterya ngayon ikaw na mismo ang magpapatakbo ng kotse-kotsehan mo at kung may alaga kayong hayop at natakot sa kotse madalas sya nman ang pinapatakbo mo. Saranggola lang ang napapalipad ko noon, madalas nababatukan pa ako dahil inuubos ko ang walis ting-ting sa pag gawa ng sarangola, ngayon maliit na helicopter na ang uso hindi ka na rin mababatukan dahil ubos na ang walis tingting nyo malamang dahil lagi mo itong china-charge.

Dati kapag may tv kayo sa bahay at ang kapit bahay nyo wala araw-araw makikinood sa bintana nyo na parang nililinis ang bintana dahil na kakapit pa sa rehas mistulang mga presong nanonood mula sa kanilang selda ngayon karamihan na ng bahay may tv na.

Nightmare on Elm Street ang kauna unahan kong napanood na horror sa betamax mula noon naging matatakutin ako dahil kay Fred Kruger at madalas nauutusan pang i rewind yung bala dahil isosoli na sa may ari ngayon play,stop,pause napaka simple at napaka konbinyente ng panonood kung may pera ka sa sine kapa manonood at naka shades kapa. Cool ! wag kalimutan ang picture taking at i upload sa social network para malaman nilang nakapanood kana sa 3D at hindi ka inosente pag dating sa ganoon.

No comments:

Post a Comment