Sandamakmak ata ang mga pinaniniwalaan ng Pilipino,.
Ito ang ilan sa mga pinaniniwalaan ng Pilipino na walang ka kwenta-kwenta at dapat hindi paniwalaan.
1. Kapag hindi sinasadyang nakagat ang iyong dila, may naka alala sayo - Tatanungin mo pa yung kasama mo "pare numero nga nakagat ko dila ko e" si tanga-tangang kumpare sasagot "5 pare" ang pang limang letra sa alpabeto, dun daw nagsisimula ang letra ng naka-alala sayo. Paano na lang kung milyon na ang binigay mong numero? baka nakagat na ulit ung labi nya kakabilang ng alpabeto, di parin nya alam kung sino ang naka alala sa kanya
2. Habang umuulan at biglang umaraw may kinakasal na Tikbalang - Sino naba ang naka-attend sa kasalan ng tikbalang at nasabi ang ganitong bagay? hindi ko alam kung saan nauso yan.
3. Nakahiga yung tao.. nahakbangan mo siya, kailangan mo balikan baka hindi na siya lumaki/tumangkad - Bakit? Papaano? kung ganyan nga ang nangyari baka hindi na binalikan ng nakahakbang sa kanya si Dagul.
4. Panliligaw - Ako mismo hindi ko pinaniniwalaan ito, Bakit? isipin mo manliligaw sayo ng taon, buwan, linggo, araw susuyuin ka, i te-txt/tatawagan ka gabi't araw, bibigyan ka ng flowers at chocolates tuwing valentines day, susunduin/ihahatid ka sa trabaho, papakita lahat ng magandang paguugali, maporma, mabango, malambing. Ok na ! nagpa uto ka! sa wakas nag-bunga na ang pang-uuto nya sayo mag syota/asawa na kayo asahan mo, isa-isa ng mawawala yan at bandang huli ikaw pa mumurahin nyan lalo na kapag nakama ka na nya.
5. Ang ibat-ibang uri ng "byuti pradaks" na nangangakong ikaw ay papayat o puputi - madalas naka-sulat o pinapalabas nila na "no terapyutiks kleyms" pag dating sa wikang Ingles hindi lahat ay marunong bumasa at sumulat kung alam lang nila ang ibig sabihin ng "no therapeutic claims" ay walang kasiguraduhan na ang produkto ay mabisa sa tao, paano mo nga naman bibili kung alam mong hindi ka sigurado? Ang ibat'ibang klase rin ng pang-papayat, para makuha mo ang inaasam mong katawan kailangan mong mag dyeta, ehersisyo at gamitin ang kanilang produkto. Tantanan nyo nga ako ! papayat talaga sila kahit wala ang produkto nyo !
6. Horoscope - Sa dinami-dami ba naman ng tao sa mundo isa lang ang kanilang hula?
7. Manghuhula sa Kyapo - Napakarami nyan sa Quiapo magbabayad ka ng 50 pag palad lang ang huhulaan at 100 pag may kasamang tarrot cards. Bago umalis ng bansa si ermat nagsimba kami sa Quiapo pagkatapos nagpahula siya, sabi ng manghuhula "makaka-pag abroad ka" , "sa tanda kong ito makaka pag abroad pa ako?" ... "swe-swertihin ka sa anak mo, makakatapos lahat sila ng pag aaral" nagtinginan kami ni ermat O.o (baka naman kasi ang tinutukoy nya yung high-school), at ang pinaka nakakatawa "merong masamang ispiritu sa bahay nyo (sabay alok ng kung anong produkto pang taboy ng ispirito sa halagang 350)" ang manghuhula biglang naging promodayser.
8. May kutsa/tinidor na nahulog may bisitang darating - Paano na lang kung tuyo/asin ang ulam nyo, may bisita pang dadating, paano na lang kung bitin pa sa inyo at maki-kain. trahedya ang mangyayari. Likas na kasi sa ating mga Pilipino ang pag alok sa isang bisita habang kumakain na kahit alam nating hindi siya kakain.
9. Bago matulog mag-lagay ng libro sa ilalim ng unan para tumalino - Anong kinalaman ng libro sa pagtalino ng tao? Pero para sa akin kapag FHM/Playboy magazine ang nakalagay sa ilalim ng unan, may ginawang masama kagabi yan !
10. Sandamakmak na Chain Message - Mga siraulong nagte-text at nagpo-post ng chain message dahil ikaw ay swe-swertihin/mamalasin kapag pinutol mo daw ito. Ang hindi ko lang maisip bakit mabenta parin ito sa iba.
Bobo lang ako at hindi Tanga! hindi ko kailangan maniwala sa mga bagay-bagay na talagang hindi kapani-paniwala, napakarami pa dyan baka maubos ang buong araw ko kakasulat ng katangahan ng paniniwalang Pinoy.
No comments:
Post a Comment