Friday, 13 May 2011

FOOLitika

Makapangyarihan, nagpapasya ng buwis,  gumagawa ng batas, pasan ang problema ng buong bansa. Pero bakit nga ba marami ang nakikipag-patayan para maging Foolitka? Ano ba talaga ang mapapala ng isang tao kapag siya ay naging miyembro ng Foolitika?

Ayon kay Pareng Google ang pinakamataas na sahod ay 60,000 plus at 25,000 plus ang pinaka mababa, walang bayad ang overtime, araw-araw may trabaho walang day-off walang christmas bonus. Pero marami ang nagkakandarapa dito, marami ang guma-gastos ng milyong-milyon piso para maging Foolitika.

Yung “PLUS” ay KURAKOT na tinatawag,kaya maaring plus 2 million, 3 million depende yan sa tigas ng pagmumukha ng mga Foolitikong gustong bumawi sa puhunan nya sa eleksyon. Kaya pwede na rin pala!

Kumento ko ito, tutal libre naman e, wala rin naman akong  masamang sasabihin.

Bwitre, timawa,  buwaya ganyan dapat ang  ilarawan ang mga Foolitiko. Hindi ko sinisisi ang mga Foolitika sa Pilipinas pero talamak talaga ang nakawan mula sa Kagawad hanggang sa Presidente. Sasabihin ng ilan "Hirap sa Pinoy e, sinisisi lahat sa Gobyerno natin". Hindi ko sinisisi ang Gobyerno natin natutuwa ako dahil kaya nilang gumastos ng isang milyon sa isang hapunan lamang habang ang ilan ay walang makain, kaya nilang bumili ng magagarang sasakyan habang ang ilan ay natutulog sa kariton, kaya nilang mag ambagan ng pera at magdiwang sa pagka-panalo ni pakyaw, kaya nilang magnakaw ng Bilyon habang ang kalsada ay sira-sira.

Naglipana na rin ang mga bobo, inutil, tanga, engot na artistang nanalo sa pagka-FOOLitika. Palibhasa ini-idolo nila ito, kaya minsan nakaka-lusot ang mga ito. Sa amin sa Valenzuela mistulang Binibining Pilipinas ang kumakandidato sexy, maganda, matangos ang ilong, maputi, mabango at talaga namang maakit ka, syempre nananalo parin sila.

Kahit sino sigurong umupo sa Gobyerno walang mangyayari sa Pilipinas hayaan na lang natin ang panahon ang makapag sabi kung kelan talaga mauubos at mamamatay ang mga MAGNANAKAW ng kaban ng bayan !

Sana ito na nga ang pagkakataon nating mabago ang kapaligiran o ang bansa natin. Mahirap pa ring umasa at mahirap pa ring mangarap. Pero mas mahirap naman na wala tayong gagawin para mabago ito di ba? Kaya maging maingat tayo sa iboboto natin, maging mapili tayo kung sino ang bibigyan natin ng manibela para paandarin ang naghihingalong bansa natin. Hindi man para sa atin kundi para na lang sa mga anak natin at apo.



1 comment: