Tuesday, 3 May 2011

Wikang Banyaga

Kahit saan ka ata lumingon, mag-punta sa Pilipinas ay makakabasa o makakarinig ng Wikang Banyaga.  Sadya sigurong mas maganda kasing pakinggan o basahin ang wikang banyaga susyal daw kasi pag wikang banyaga ang ginagamit mo. Ewan ko bakit ba mas gusto natin gamitin ang Ingles ng ibang tao sa halip na gamitin ang sarili nating Wika?

Simulan na lang natin sa maliit na bagay. Sa damit na lang na iyong sinusuot madalas tawag mo ay T-shirt embes na kamiseta, Pants embes na Pantalon.

Karamihan ng Paaralan, Pasilidad ng Gobyerno, Pamilihan, Karinderya ay pinapalitan na rin ang Wikang Banyaga. Mangilan-ngilan na lang siguro ang gumagamit ng sariling Wika sa kanilang gusali. Para bang karamihan sa atin nababaduyan na kapag ginagamit na ang sariling Wika, Isipin mo nga naman kung ang sikat na sikat na pamilihan sa bansa natin ay isasalin sa Wikang Filipino

Super Malls - Magarang Pamilihan
Ayala Malls - Pamilihan ni Ayala
St. Francis Square - Santo Francis Parisukat

Ngayon madalas na rin ginagamit ang Taglish ( Tagalog at Ingles ) dahil sa katotohanan na malaking bahagi ng karanasang pang-araw-araw ng tao ngayon ang paggamit ng Ingles kahit pag basa laman ng bilbord at karatula sa lansangan, pagbasa ng de-latang pagkain at inumin, panonood sa telebisyon.
Dapat nating tanggapin ang katotohanan na hindi naman totoong lumaya ang Pilipinas sa Estados Unidos . Umalis lamang ang mga pinunong Amerikano sa ating bansa ngunit nananatili ang impluwensiyang Amerikano sa lahat ng aspekto ng ating buhay. Ang tingin ko nga, habang tumatagal, higit tayong nararahuyo sa bighani ng kulturang Amerikano, at siyempre pa, ng Ingles bilang wika ng globalisasyon.

Isa sa mga hindi ko alam kung bakit gumagamit parin ng Ingles ang ating Pangulo sa kanyang SONA, Inaugural Speech o kahit mag papatawag ng Media. Papaano kaya yung mga taong hindi marunong mag ingles? mangangapa na lang ba sila lagi? yung mga taong hindi man lang naka pag aral dahil sa kahirapan? paano kaya nila maiintindihan?

Ang pagtanggap sa katotohanang ito ay hindi isang pagsusuko sa pangunahing papel ng Filipino sa paaralan. Pagyukod ito sa praktikalidad. Bukod pa, pagtanggap ito sa simulain ng panghihiram bilang isang magaan at magandang paraan ng pagpapayaman sa ating katutubong Wika. Naway wag sanang tuluyang kalimutan ang sinabi ni Rizal.

No comments:

Post a Comment