Saturday, 7 May 2011

Love at first sight !

Sarap ng feeling pag sya na ang kasama ko, nasira rin ang buhay ko ng dahil sa kanya pero iba kasi ang ligaya ko pag sya na ang aking kasama para bang sa kanya na lang umiikot ang mundo ko.

Bata palang ako nung una ko syang makilala nung una minsanan lang kame tuwing mag kita pero noong nag laon para bang nabibighani na ako sa kanyang kakaibang karisma, madalas nga ginagabi pa ako sa kanila kaya naman tutol na tutol ang magulang ko nung nalaman nila ang ginagawa ko. Napagalitan at napalo na rin ako dahil madalas akong umuuwi ng gabi kayat nag pasya na akong kalimutan siya.

Dumaan ang ilang mga taon at naka-graduate na ako ng elementary muli ko siyang nakita, pero nagbago na sya mas lalo nya akong napa-ibig gamit ang kanyang mapang akit na salita. Balik sa dating gawain pero ngayon nag iingat na kame at hindi ko na rin pinapaalam sa magulang ko na nagkikita pa kame. Masaya ang bawat sandali na siya ay aking kasama, hindi sya marunong magalit, magselos, mag-demand ng kung ano ano ,kuntento na siyang mag kasama kaming dalawa.

Naka-graduate na ako ng high-school at salamat mag kokolehiyo na ako. Hindi parin nag bago ang tingin namen sa isat isa talagang na love at first sight ako sa kanya. Habang tumatanda sya ay lalong gumanda. Naging magastos ang naging pag-sasama namen nung kolehiyo kung saan na rin kame nagpupunta halos hindi na ako umuuwi ng bahay makasama lang sya. Dahil sa maliit ang allowance ko natuto na akong mangupit ayaw ko kasing mapahiya sa kanya. Sobrang humaling na ako sa kanya nalimutan ko na rin ang pag-aaral at lagi akong nasa kanila masayang masaya pa ang parents nya pag nandun ako, ewan ko ba kung bakit.

Tuluyan na akong napahinto sa kolehiyo, bagsak ako sa lahat ng subject pero nandyan parin sya para sumuporta at magpaligaya sa akin. Pakiramdam ko na adik na ko sa kanya. Natuto akong magmura, manigarilyo, uminom ng kasama sya hindi na rin kasi sya iba sa tropa ko at marami na rin akong naging tropa ng dahil sa kanya.

Tumanda na ako at nakapag asawa at nagka-anak kaya't napa-isip na rin ako na walang patutunguhan ang buhay ko kung maglalaro ako ng Computer Games tama na siguro yung naidulot nya sa aking kasiyahan at sa pag laon ng panahon naway tuluyan ko na syang makalimutan.

1 comment:

  1. hindi lang ikaw ang nagkaganyan pare ko. haha. nice work!

    ReplyDelete