Mahirap ang mawalay sa iyong minamahal, ngunit wala na sigurong mas hihirap pa sa lahat ay ang mga taong hindi kuntento sa binigay mo, maging materyal na bagay o pagmamahal.
Sa panahon natin ngayon nag kalat na sa buong mundo ang Pilipino. Gumaganda na rin ang emahe ng kapwa nating pinoy sa mga nagtatrabaho dahil na rin sa tawag natin dito meron dyang
Caregiver - taga-alaga ng matatandang mayaman malapit ng mamatay na ayaw alagaan ng kanilang pamilya gawa ng trabaho/negosyo,
Entertainer - na kung tawagin dati ng nakakarami ay Japayuki at ibat-ibang klase ng OFW. Madalas sa atin kapag naririnig na ang isang miyembro ng iyong pamilya ay OFW mataas na ang tingin nila o ikaw na mismo ang nag taas ng tingin sa sarili mo. O.F.W. masarap pakinggan, unang iisipin ng normal na tao ay malaki ang sahod, nakarating ng ibang bansa, naka sakay sa eroplano pero hindi nila alam ang kapalit ng lahat ng ito. Mag isa mong ipagdidiwang ang Pasko, bagong-taon, araw ng mga puso, kaarawan at kung ano ano pang idinaraos sa buhay mo. Kapag ikaw ay nag kasakit walang ibang mag aalaga sa sarili mo kundi sarili mo lang din.
Marami na rin siguro sa atin ang nakapanood ng " Anak " ni Vilma Santos, perpekto ang pag kakagawa ng buong istorya. Hindi na rin ito nalalayo sa tunay na buhay ng mismong pangunahing karakter sa palabas isang inang iniwan ang pamilya, nangarap iahon ang pamilya sa hirap, nagtiis sa pag aalaga ng ibang tao pero ang sarili nya mismong anak ay hindi maalagaan kapalit ng Pera ipapadala sa pamilyang iniwanan.
Noong bata ako nasaktan ko na rin ang damdamin ng aking mahal na ina, hindi pa ako tao at hindi pa rin uso ang salitang OFW nag tatrabaho na sya sa labas ng bansa. Hindi ko rin alam kung ilan taon siya bago umuwi. Madalas sulat at tape recorder pa ang kumyunikasyon noon. Sabik ako sa nanay dahil bihirang bihira kaming magkita, magkasama, magkayakap sa madaling salita Mama's boy. Minsan pinalo ako ng aking ina sa hindi nya rin alam na dahilan walang pakundangan ko daw syang sinigawan ng " Bumalik kana nga sa ibang bansa, pinapalo mo lang ako kapag nandito ka e " nasa unang baitang pa lang ako noon kaya masasabi kong hindi ko pa talaga alam ang tama at mali.
Meron pang na-ikwento sa akin ang isang OFW, isang buwan syang nag bakasyon sa Pilipinas para makita at makasama ang kanyang Pamilya habang namimili sila sa isang mall kalong kalong nya ang anak, binili nya lahat ng gusto nito maya-maya nagtanong sa kanya ang bata. "Sino ka nga po pala?" hindi ko alam pero kahit ako mismo parang nasaktan sa narinig ko, ayaw ko rin kasing marinig sa anak ko na tanungin ako ng ganoon.
Walang ibang hinangad ang isang OFW sa kanyang anak kundi ang " makatapos ng pag-aaral " mananakaw, masusunog, mawawala, mauubos lahat ng perang hawak mo ngayon pero ang karunungang taglay mo ay hindi.
Sa ngayon medyo hindi narin ganon kahirap ang maging OFW gawa ng ibat ibang paraan para makausap o makita ang iyong mahal nariyan ang social network, chat, cellphone, telephone at kung ano ano pa. Salamat ng marami sa taong nag imbento ng mga ito
No comments:
Post a Comment