Tuesday, 10 May 2011

Pangako sayo !

Puputi, kikinis ang balat, papayat, tatangkad, tatalino, gaganda ang daloy ng dugo, lilinaw ang paningin at kung anu-ano pang kalokohan ang ipapangako para bumili ka ng kanilang produkto. sa kanilang mga ads sa tv o billboard nakasulat ang " No therapeutics claims "  na ang ibig sabihin sa tagalog ay walang kasiguraduhang mabisa ang produkto o epektibo ba talaga ito kapag ininom /ginamit mo ito. Mautak din ang mga may-ari ng produkto, sa halip nga naman ilagay nila na "Walang kasiguraduhang epektibo ang produkto na ito" ilalagay nila sa mismong kahon ay " No therapeutics claims " syempre hindi lahat ng Pilipino marunong sa salitang Ingles.

Lumalabas na rin ang mga ice tea, powder juice at iba-ibang pang inumin na nagsasabing nakakapayat ito. Kailangan mo daw mag dyeta, ehersisyo at uminom ng kanilang produkto para sa mas magandang resulta. Hindi ba parang tinatarantado ka na lang nila? papayat ka naman talaga, hindi dahil sa kanilang produkto dahil ito sa iyong pag dye-dyeta na kahit hinang-hina at hilong-hilo kana sa gutom. Ang pag gawa ng iba't ibang klaseng ehersisyo at papagod sa sarili. sinong hindi papayat nun? 

Chin-chan-su, maxi-peel, eskinol ito ay ilan lang sa mga pang-paputi. Marami-rami narin anga kakilala kong gumagamit nito.maganda naman ang kinalabasan. pumuti muka nila pero maitim ang katawan, daig pa ang sumali sa hipan-harina-kuha-piso tuwing piyesta, at ang kagandahan dito ang maging multong bakla, halos 2 linggo siyang  hindi lumalabas, para daw sa magandang epekto nito. Tinuro rin nila saken ang proseso, maghihilamos ka gamit ang maxi-peel pagkatapos mag pupunas ka ng eskinol, at ang huli hayaang nakababad sa muka ang chin-chan-sung pinahid. Lumipas na ang araw, daig pa nya ang may na aagnas na muka, nagbabalat na kasi dahil sa maxi-peel umeepek na daw, woah!  Pero meron ng isang mabisa at walang kapagod-pagod, gumamit ka ng glutatayon ! 

Siguro matuto tayong makuntento kung ano ang binigay sa atin ng diyos. Marami na rin ang napapahamak sa kaka-asam nating mabago ang ating buong katawan. Mababago mo ang iyong pagkatao hindi ang pag-uugali mo. Pero ang pinaka mabisa at walang ka-hirap-hirap at nakakasigurado akong ikaw makakamtan mo ang inaasam-asam mong katawan at kutis sa tulong ng photoshop :)

No comments:

Post a Comment