Friday, 6 May 2011

Yosi kadiri

Pagkatapos kumain, yosi. Habang tumatae, yosi. Habang nanonood ng tv, yosi. Nagaantay, naiinip, kinakabahan, nagagalit, yosi. Para bang kadikit na ng pamumuhay ng ilan ang pag hitit ng sigarilyo. Pero ano ba talaga ang dulot ng sigarilyo sa tao? maykaakibat ba itong ligaya sa bawat hitit mo? maisasabay ba sa pag buga ng usok ang mga problema mo?  sasarap ba ang kape mo kapag ika'y naninigarilyo? 

Sa bawat sulok ng mundo meron taong naninigarilyo. Malimit na perwisyo sa ibang pasahero ng jeep ang naninigarilyo kahit ba sabihin nating ibinubuga nya ito sa bintana, pwede mo ring sabihing "sir/ma'am pwede paki patay po yung sigarilyo" meron ibang papatayin at meron yung iba naman galit pa kapag nakiusap ka na sa kanila.

Ako mismo ay aminadong naninigarilyo, pero hindi ako kabilang sa taong walang disiplina na kahit nakitang "bawal manigarilyo dito" gagawin parin o kahit may nakitang taong nakatakip ng panyo ang ilong sige parin ang hitit. Mahirap maiwasan para sa akin ang pag pigil sa aking bisyo kaya't bilib na bilib ako sa mga taong sa isang iglap lang ay kayang itigil ang paninigarilyo.

Sa lahat ata ng produkto sa buong mundo Sigarilyo lang ata ang sumisira sa kanilang pangalan, Paano? Smoking is dangerous to your health, Smokers are liable to die young, Smoking can harm your kids pero mabentang mabenta parin kahit kaliwat kanan na pinapakita sa tv, youtube, social network na marami ang makukuhang sakit kapag ang tao ay naninigarilyo lalo na ang taong nakakalanghap nito.

Pinagtataka ko lang legal parin ang paninigarilyo.

Ang mariuwana ay isa ring uri ng sigarilyo pero iba daw ang tama nito. Nakatikim na rin ako, pero para sa akin pareho lang wala yung pinagmamalaki nilang tataba, laughing trip, high na high, hindi mo na alam ang ginagawa mo ng dahil sa mariwuana. Sa Pilipinas pag nahuli kang nagbebenta ng mariuwana bawal ang piyansa, pag nahuli kang nagbebenta ng drugs pwede ang piyansa. Bakit ulit? yun din ang pinagtataka ko sa atin, pero sa ibang sulok ng bansa legal ang pag gamit ng mariwuana. Ayon kay Kumpareng Google Australia, Argentina, Belgium, Columbia at Nepal ay kabilang sa bansang legal ang pag gamit ng mariwuana para sa pansarili lamang at dapat ay nasa tamang edad.

Sumatotal sigarilyo at mariuwana ay walang mabuting maidudulot sa iyo sa kahit anong aspeto ng iyong buhay kasabay ng pagsunog ng sigarilyo ay ang pagsunog ng iyong baga, pera at ang taong naka paligid sayo.

No comments:

Post a Comment