Saturday, 14 May 2011

Limang paraan para sa matagumpay na Relasyon

Hindi ako si Joe D. Mango  lalong hindi rin ako si Papa Jack, pero para sa akin itong limang  paraan na ito ay makaka-tulong tungo sa isang matagumpay na relasyon.

1. Mag-patawad / Mang-hinge ng tawad sa mga maling ginawa - Hindi mo man sinasadya ang mga nangyari mahalaga parin sa relasyon ang salitang " Sorry ". Itapon ang pride sa mga ganitong pagkakakataon, pero kung mahal mo talaga ang isang tao maging tama ka man o mali, kailangan mo syang amuhin at sabihing kalimutan na lang ang nangyari para sa ikakabuti ng relasyon.

2. Alamin ang Ayaw at Gusto ng isat-isa - Mahalaga sa relasyon na alam mo ang ayaw at gusto ng iyong minamahal. Ito ang madalas pag awayan ng dalawang mag-syota, mag-asawa palibhasa'y hindi pa kabisado ang isat-isa kaya madalas nauuwi sa hiwalayan. Hindi porke gwapo, macho, mayaman, maganda, sexy, mahal mo na agad mas makaka-buti sa inyong dalawa kung kabisado nyo ang pag-uugali ng isat-isa.

3. Huwag ng maghanap ng iba - Kung talagang mahal mo ang iyong asawa o syota hindi mo na kailangan mag hanap ng pagkukulang nya, matuto kang makuntento kung ano siya at kung ano ang kaya niyang ibigay pa sa iyo. Kadalasan ang palusot ng iba palakaibigan sila, iba ang palakaibigan sa lumalandi.

4. Magkaroon ng oras para sa isat-isa - Hindi dahilan ang pagiging busy. Kailangan nyong mag-laan ng oras para sa isat-isa, kadalasan ito ang nagiging dahilan kaya't nababaling ang pagtingin ng isang tao sa kanyang minamahal naghahanap ng ibang kaligayahan sa iba. Kahit magkalayo kayo, marami paring paraan para kayo ay makapagusap  at alamin ang sitwasyon ng isat-isa

5. Kapag dumating ang Problema i-daan sa mabuting usapan - Mahalagang pag usapan ang problemang dumating, walang perpektong relasyon darating ang ibat-ibang uri ng pagsubok sa inyong relasyon huwag itong baliwain maging maliit o malaki man ito, mas makakabuti rin kung alimin ang puno't dulo ng naging problema. Hindi kailangan mag sigawan, hiyawan, sisihan ang kailangan lang ay ang magbigayan.


                                       Sana maka-tulong ito sa inyong relasyon kahit papaano.

No comments:

Post a Comment